Special Chapter II

Start from the beginning
                                    

"Oh."

"Marami kayang patay na patay sa akin."

Imbes na sumagot ay tinaasan niya lang ako ng kilay. Inirapan niya pa ako bago bumangon at iwan ako sa kama nang walang kaimik-imik. Kumunot yung noo ko. Anong problema niya?

"South?"

Hindi niya ako pinansin. Pumunta siya sa closet niya at parang may kinukuhang kung ano. Napalunok ako at biglang kinabahan. Napaupo pa tuloy ako para lang silipin yung ginagawa niya. Baka naman may tinatago siyang kutsilyo, ah? Napikon ko ba siya? Nagselos?

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi naman pala patalim ang kinuha niya. Pero gano'n na lang yung pagtataka ko sa hawak niya.

"Ano 'yan?"

"This is a gift." Sarcastic na sagot niya na ikinairap ko. Lahat na lang nili-literal.

Naglakad siya palapit sa akin at umupo sa tabi ko. Inabot niya sa akin yung regalo na nakabalot sa Christmas wrapper. Medyo malaki ito. "What's this?"

"Your Christmas gift. " Sagot niya sa akin. Oo nga pala, ako lang ang hindi niya inabutan ng regalo kanina. Sakura pen naman ang niregalo ko sa kanya, ang mahal pala no'n. Akala mo fountain pen ang presyo, eh. Pero okay lang, at least napasaya ko siya. "Open it."

Sinunod ko naman siya. Napangiti ako nang makita ko na kung anong nasa loob ng wrapper. Isang painting kung saan ang naka-paint ay kami mismo ni South na magkasama. "Wow..."

Sobrang pulido ng pagkakapinta niya. Ang ganda-ganda! Parang buhay na buhay ang painting, eh. Daig pa yung picture.

"Thank you sa gift." Ngiting-ngiting sabi ko sa kanya na tinanguhan naman niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil doon. Ang galing niyang magtago ng painting, ah. Hindi ko man lang 'to nalaman.

"And, oh, break na rin pala tayo."

Naramdaman ko yung biglang pamumutla ko sa narinig. Ano raw, break? Napatitig ako sa kanya. Hindi ko mabasa yung expression niya. "B-bakit?"

Nag-iwas siya ng tingin. "Sabi mo maraming patay na patay sa'yo, 'di ba?"

Napahawak ako sa leeg ko. "J-joke lang 'yon, eh."

"Do'n ka na sa kanila."

"South naman, eh." Sinubukan ko siyang hawakan sa braso pero panay ang iwas niya. "Alam mo namang ikaw lang mahal ko. Sorry na."

"But you're making it sound like I'm replaceable a while ago."

"Walang papalit sa'yo." Mahinang sabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit mula sa likuran. "Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko."

"You sure?" Tanong niya. Naramdaman ko na unti-unti ko na siyang napapaamo. Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng mata sa mata. "Kahit ilang beses akong makipag-break sa kung anu-anong dahilan?"

Tumango ako. Hinalikan ko siya sa labi at napangiti ako nang hindi siya kumontra. "Kahit selosa ka—"

"I'm not jealous. " Kontra niya. Sasang-ayon na lang ako kahit alam ko namang nagselos talaga siya.

"Bawiin mo na yung pakikipag-break mo, oh. Please?" I plead.

"Okay."

"Huwag ka na ulit makikipag-break, ah?" Sabi ko. Ang sakit kasi, eh. Ayoko lang iparamdam sa kanya.

"I'll try."

"Okay na 'yon." Sabi ko. Itinago ko muna yung gift niya sa akin bago siya ulit inayang humiga katabi ko. Pero imbes na tumabi ay pinaibabawan ko siya at nginitian. "I love you."

"Hm." Tumango siya at umiwas ng tingin. Aw, ang cute talaga ni Bata.

Wala pasabi na hinalikan ko siya. Pagkapikit ng mata niya ay saka ko rin ipinikit ang sariling mga mata at unti-unting pinalalim ang halik. Kinagat ko ng marahan yung lower lip niya habang gumagapang ang kamay niya papunta sa likod ng ulo ko, nilaru-laro niya lang ang buhok ko.

Parang may gumapang na init sa loob ko nang marinig ko yung mahinang ungol niya nang ipasok ko ang dila sa loob ng bibig niya. Kusa na ring naglakbay ang kamay ko sa loob ng suot niyang damit. Napangiti ako nang walang maramdamang pagtutol.

Bumaba ang halik ko sa leeg niya. Napasinghap siya nang diinan ko ang halik sa kanyang balat. Napahawak siya ng mahigpit sa balikat ko habang patuloy lang ako sa ginagawa. I kissed her up to ear while my hands roamed inside her shirt.

Parehas kaming palalim ng palalim ang paghinga. Alam kong nadadala na siya sa ginagawa namin. Pero parang ang hirap tumigil.

Muli ko siyang hinalikan sa leeg. Marahan kong sinisipsip ang balat niya pero napadiin 'yon nang tuluyan kong mahawakan ang dibdib niya. Do'n na yata natauhan si South dahil pinigilan na niya ako. Napatitig ako sa mukha niya. Pulang-pula siya, para bang lasing. Kitang-kita ko yung klase ng titig na meron siya na para sa akin. Parehas lang kami.

We both want each other.

Inalis ko ang kamay sa loob ng damit niya. "Sorry." Paumanhin ko. Nasobrahan talaga ako.

Tumango naman siya. "Sorry din."

Napatitig ako sa leeg niya at napalunok. Patay. Parang nai-imagine ko nang tatalakan ako ni North bukas, este, mamaya. "Uhm, South, sorry ulit."

Kumunot ang noo niya. Hindi siya nagtanong kung bakit pero parang naghihintay ito ng reason niya. Napangiwi ako at tinuro yung nasa leeg niya.

"Anong meron?" Tanong niya na hindi pa rin ako ma-gets.

"Ano, hickey." Sabi ko habang napapakamot sa leeg. Mukha namang na-gets niya na kasi bigla niya akong tiningnan ng masama.

Hindi ko naman sinasadya, eh. Nanggigil lang talaga ako sa kanya.

"You're a pervert."

Natawa ako sa sinabi niya at hinalikan siya sa noo. "Sorry na." Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. "Tulog na tayo?"

"Okay."

____

Next to read in the series: Besotted

She's Complicated (GL) [HSS #1, Completed]Where stories live. Discover now