Palinga-linga ako sa mga tao na posibleng kakampi ng demonyo. Pero wala. Walang nagbabantay sa amin? Are they underestimating us? Wow nakakabwisit naman 'yon!

Tinungo ko ang daan papunta sa bahay ni Angelina habang nakikiramdam sa paligid.

Nang marating ko ang harapan ng bahay, tumingin ako sa paligid. Walang tao.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay niya. Binati ako ng katahimikan. Mamaya ganito na rin siya katahimik.

Marahan akong naglakad sa loob, hinahanap siya. Sumisilip sa mga pinto na nadadaanan ko.

Nang buksan ko ang isang pinto. Tumambad sa akin ang kusina at si Angelina na mag-isang kumakain sa lamesa.

Napaangat ito ng tingin ng maramdaman ang aking presensya. Halata ang pagkagulat na bumakas sa mukha nito ng makita ako. Pero agad nabawi at ngumiti ng malaki sa akin. Inilapag sa gilid ang tinidor at kutsilyo na kaysarap itarak sa mga mata niya at tumayo.

"I see you're okay. Naparito ka?" Tanong nito na akala mo nangangamusta lamang na kaibigan.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya.

Marami akong gustong sabihin, masasakit na mga salita. Gusto ko rin siya paliguan ng mura na ikalulunod niya pero ang tangi kong nagawa ay ang umiyak sa harapan niya.

"I can't believe that the girl who always brings trouble to my sanctuary will cry in front of me." Sabi niya patungkol sa mga kaguluhan na nangyari dito at ngumiti pa. Ang sarap burahin ng ngiti niya gamit ang kutsilyong gamit niya kanina.

Kaya naman sinugod ko siya at kinuha ang kutsilyo sa lamesa na ikinatakbo nito.

Napatawa ako sa reaksyon niya. Sarap naman makita 'non!

Kaya naman hinabol ko siya bitbit ang kutsilyo habang tumatawa.

Halos hindi naman nito malaman kung ano ang gagawin. Alam niyang kayang-kaya ko siyang patayin.

Paikot-ikot kami sa kusina niya. Maliit na space lang pero di ko maabutan kaya naman hinagis ko ang kutsilyo sa kanya. Napasigaw ito ng tumama at gumawa ng hiwang maliit sa braso niya kaya mas lalo akong natawa.

Ang sarap niya panuorin.

Kaya naman kung ano-ano ang dinampot kong gamit at pinagbabato sa kanya. Mula sa platong kinainan niya. Hanggang sa mga kaldero na nakataob sa cabinet.

Kada sigaw niya lumalakas ang tawa ko. Na feeling ko nababaliw na ako.

Gustong gusto ko kasi ang itsura niya! Mukhang kawawa at nasasaktan! Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko magdugo din siya tulad ng pag-agos ng dugo mula sa akin. Gusto ko rin na nakikitang nahihirapan siya tulad ng pagpapahirap niya sa amin.

Nang makita ko ang knife holder kinuha ko iyon pero ginamit ni Angelina ang oras na iyon para lumapit sa pinto ng kusina at buksan para makalabas.

Hindi pwede! Kaya naman pati lagayan ng kutsilyo hinagis ko sa kanya at sinundan siya.

Lumabas siya ng bahay niya. Parang tanga na sumisigaw ito. Humihingi ng tulong pero ang mga tao ay bingi. Walang lumalabas para tulungan siya.

Nakakatawa.

Huminto ako sa pagsunod sa kanya at tiningnan siya habang pilit lumalayo sa akin. Akala naman niya sa pagkakataong ito makakaligtas ulit siya. Hindi na. One failure is enough.

Yumuko ako at hinugot ang maliit na kutsilyo na nakatago sa loob ng sapatos ko. Pagkatapos ay sinundan si Angelina na palingon-lingon pa sa akin.

Tinakbo ko ang distansya namin at ng malapitan ko siya ay hinila ko ang likuran ng damit niya sabay hawak sa ulo niya at hindi nagdalawang-isip na gilitan siya ng marahas at madiin sa leeg.

Napasigaw ito ng malakas. Kasabay ng pagsirit ng dugo sa leeg niya na may malalim at malaking hiwa.

Hinarap ko siya at pinanuod na sapuhin ang leeg niya na patuloy sa pagdurugo. Na kada sigaw niya sumisirit pa lalo ang dugo sa leeg niya.

Pero di ko nagustuhan na nakatayo pa rin siya kaya naman sinampal ko siya ng ubod ng lakas, tagal ko ng gustong gawin ito. Pero pumaling lang ang mukha niya pero di ikinatumba kaya sinipa ko siya na ikinatumba niya na patihaya.

Dinungaw ko siya habang kumakalat ang dugo sa kalsada na kinasasadlakan niya.

Isang ngiti ang iginawad ko sa kanya.

"The fall of the Queen." I told her and laugh at her misery. "You wait for your last breath."

Tumatawang tinalikuran ko siya. Pero nagulat ako at napatigil sa taong nabungaran ko.

"Why did you do that?" Tanong nito.

"Blake," I whispered.

Hindi ko maiwasang magbaba ng tingin ng makita ang malungkot at nadidismaya nitong itsura. Bigla rin naglaho ang masayang pakiramdam ko kanina. All the hype I'm feeling died down.

"Louie, why did you do that?" Halatang galit na ito ng magtanong muli.

Hindi ko nagustuhan iyon kaya tiningnan ko siya sa mga mata.

"I just did what I need to do." Kalmado kong sabi kahit puno ng kaguluhan ang puso at isip ko.

"This is wrong Louie! You don't need to do this!" Mariin nitong sabi. Galit ang mga matang nakatingin sa akin. Marahas na pinadaanan pa ng kamay ang magulong buhok.

"But I want to do this!" Sigaw ko sa kanya na nakapagpatigil sa kanya. "She's the reason why we are here! Why we are suffering! Why our baby got killed! So I want to do this! Makaganti man lang sa pagpapahirap niya sa atin!"

Bumuhos ang mga luha ko sa mata kasabay ng mabilis nitong pagabante at kinulong ako sa mga bisig niya.

"Ssh," Pagpapakalma niya sa akin.

"Blake, wala na tayong baby." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin dahil sa sinabi ko.

"It means we have an angel guiding us now from above." He whispered.

"It means too that we cannot see or touch baby Blaze anymore."

"Oh baby." He sighed. "Just think of this happening a good thing, our baby will never experience all the hardship in this cruel world." Pagpapaintindi niya sa akin pero rinig ko ang pagpiyok niya. Of course even he's assuring me this things. It hurts like hell. Its our own flesh and blood. It's not easy to accept. But we need to.

Umiiyak na pilit akong tumango, na ipakita na naiintindihan ko siya. Kasabay noon ang pagbuhos muli ng mas marami pang luha. At ngayon kasabay ko na siya.

Rinig ang malakas naming pag-iyak, ang sabay na pagtangis para sa isang anghel na binigay sa amin pero hindi namin kailanman nakasama.

"Everything's gonna be alright." He sobbed in my ears.

I know that. But we need this moment to grieve.

For the loss one.

For our baby.

"I love you baby Blaze, Papa and Mama loves you a lot." Gumaralgal na bulong ni Blake. "Kahit hindi ka man lang namin nakasama."

I sobbed harder.

I love you baby Blaze, so much.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now