Simula.

4.5K 128 26
                                    

Merry christmas!!! Ito na ang season 4! Enjoy reading and thank you sa pagbabasa! Omg season 4 na tayo! Salamat sa pagsama sa akin hanggang dito! And oh! Love you guys! 💜 xx

Simula.

Nagising ako ng makaramdam ng bigat sa aking kamay.

Nang imulat ko ang mga mata ko tumambad sa akin ang kisame ng hindi pamilyar na lugar. Pero ng ilibot ko ang tingin ko napagtanto kong pamilyar. Sobrang pamilyar. Nasa clinic ako na ang likod ay Dead Cell.

Tumingin ako sa kamay ko na kaya pala mabigat ay dahil nakahawak sa akin ang kamay ng tulog na si Blake.

Napakunot-noo ako. Bakit kasama ko na siya?  Huling natatandaan ko nasa loob ako ng cage at.

Lumakas ang tibok ng puso ko at agad na napahawak sa tiyan ko. Kinapa ng mabagal at ng may mapagtanto, unti unting lumabo ang paningin ko.

Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha mula sa aking mga mata.

Hindi!

Hindi!

Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising si Blake at doon ko naramdaman ang pananakit at panghihina ng katawan ko at ng pribadong parte ng aking katawan. Mabigat din ang pakiramdam ko.

Nang makaupo, niyuko ko ang aking tiyan at napahagulgol na lang ako ng makita na wala na ang maliit na umbok sa aking tiyan.

Wala na siya!

Napatingin ako kay Blake na hawak pa rin ang aking kamay. Napaluha ako ng makita ang pagod at sakit sa mukha nito habang tulog. Napagtanto kong alam niya na. Na wala na ang baby namin.

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at marahang hinaplos ang ulo niya. Pero sa takot na magising ito at magambala ang pagtulog niya na kailangang kailangan niya tinigil ko ang ginagawa.

Niyakap ko na lang ang sarili ko at tahimik na umiyak.

Iyon na lang ang tangi kong magagawa para sa anak kong nawala.

Ilang buwan pa lang siya ni hindi ko pa nga nararamdaman ang pagsipa niya sa loob ng tiyan ko. O paglilikot kinuha na agad siya sa akin.

Kung wala siguro kami rito hindi mangyayari ito!

Kung hindi dahil kay Angelina, wala kami dito! Hindi kami nag-aaway away at hindi nawala ang anak ko! Kung hindi dahil sa kanya! Sa kanya nagsimula ang lahat ng ito!

Napuno at binalot ako ng galit.

Kailangan mawala na rin siya! Demonyo siya! Pang anghel lang ang pangalan pero ang mga paraan ay pang kampon ng kadiliman.

Dahan-dahan akong umalis sa kama kahit mahina, mabigat at masakit pa rin ang nararamdaman ko. Dahan-dahan din akong naglakad papunta sa pinto na may harang at unti-unting inusog palayo para makadaan ako palabas. Habang ginagawa iyon ay tinitingnan ko kung may magigising ba sa mga kasama ko na lahat ay tulog. Lahat sila nandito maliban kay Kat.

Napahinto ako.

Si Kat. Ang tumulak sa akin. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. Kung bakit ang pagkakaibigan namin ay unti-unting nasira. Pero hindi mangyayari ang lahat kung hindi dahil kay Angelina. Naiintindihan ko siya sa parte na nawalan ng minamahal kaya masakit. Pero ang hindi ko maintindihan bakit pati kami nadadamay sa ginawa ng iba. Anong kaputanginahan iyon?

Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.

Nang mabuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang umagang tanawin. Umaga na pala.

Walang tao sa paligid.

Sinarado ko ang pinto at nag-umpisang maglakad patungo sa destinasyon na naiisip ko.

Left (Season 4): Fear.Where stories live. Discover now