MCCO 28 - #Punishment

Comenzar desde el principio
                                    

Seryoso? Aalis talaga siya? I mean... wala talagang respeto?

"Hindi ka talaga marunong makontento ano? May girlfriend kana nga sa Pilipinas, maghahanap ka pa ng ka-one night stand sa Japan dahil hindi mo ko type. Ang husay!" asik ko.

Humarap siya sakin. He grinned evilly but his eyes looking at me sarcastically.

"Bakit? Marunong karin bang makontento? Women aren't contented, kami pa kaya?" mapait niyang sagot.

Natigilan ako sa sinabi niya. He has a point. Hindi ako nakontento kay Staven. But, Staven wasn't to me because I couldn't give him the dream that his father wants him to achieve.

"Di gawin mo!"

"Gagawin ko talaga." aniya na naghahamon at sinamaan ako ng tingin. "I want to show you how you made me look like an idiot while you're with Staven! Are you fucking happy now?" asik niya at mabilis na lumabas ng pinto.

Natigilan ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Galit siya ng dahil doon? Galit siya dahil ba akala niya kami na ni Staven? How stupid can he be!?

Pabalik-balik ang lakad ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko na magawang linisin ang sarili ko o kahit ma-excite sa fact na nasa Japan ako ngayon at hindi ko dapat siya iniisip! Kaya nga ako nandito para mawala na siya sa isip ko pansamantala! Ugh!

Napahilamos ako at nakapagdesisyon na maglinis ng katawan at lumabas ng suite. After I took a quick bath I went off the suite to follow him.

I don't know why I'm doing this. Why am I following him again? Gano'n ako ka-guilty? Eh siya 'tong nagalit at hindi ako kinausap. Eh ang laking gago pala niya!

Even so... pakiramdam ko kasalanan ko. Pakiramdam ko ako 'tong nagkulang dahil galit siya sakin. Ilang beses na ba siyang nagalit sakin? Ilang beses na kaming nag-away? Hindi ko na mabilang.

I have a free dinner sa isang restaurant sa baba ng hotel just for tonight so maybe I would see him there. Pero anong sasabihin ko sa kaniya pagkakita ko sa kaniya?

What would I say? Napapikit ako ng mariin at inalala ang mga text message ko sa kaniya. Hindi ko alam kung panlalambing na ba ang ginawa kong 'yun.

I know I didn't explain well through phone because I want to tell him personally. But he didn't even replied! Kahit isa! And I'm losing my hope because he's with Aebril that supposed to be he'll break up with her.

Kumain akong mag-isa. Tama nga si Castielle at kasama ko nga siya dahil nagtanong pa ang babae kung dalawa daw ba ang order ko eh hindi ko naman kasama si Castielle.

I felt down when I went back to our suite. Nakabalik na kaya siya? Nabuksan niya na ang suite ng wala ako kaya malamang mayro'n din siyang sariling key card.

Napakagat labi ako habang nakahiga sa kama. Hindi ko namalayang humahapdi na ang mata ko. Naghanap ba talaga siya ng babae dahil galit siya sakin? Gagawin niya kaya? Dadalhin niya kaya dito ang babae niya para ipamukha sakin 'yun?

Bumangon ako bandang alas onse ng gabi at lumapit sa glass wall kung saan tanaw ang buong Tokyo. Isinandal ko ang aking noo roon at bumuntong hininga. My breath made the glass moist because of the cold weather.

May naramdaman akong kaluskos sa pintuan. Kaagad akong lumingon ro'n at bumilis ang kabog ng puso ko. Nandito na siya? May kasama siya?

Master Casanova (Master #1) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora