Ikalabimpitong Kabanata

Start from the beginning
                                    

Sinubukan niya akong lapitan pero lumayo ako.

"Lahat ng 'to . . . lahat ng hiniling ko . . . lahat ng 'to ay dahil sa pagmamahal ko sa 'yo. Gusto kong yumaman dahil bukod sa gastusin sa pamilya namin ay gusto kong bumagay sa 'yo. Gusto kong maging pareho tayo ng estado sa buhay. Gusto kong yumaman dahil gusto kong maging bagay tayo."

"Sydney . . . h-hindi mo kailang—" itinaas ko ang kanang kamay ko, senyales na pinahihinto ko siya.

"Yumaman kami . . . pero napagtanto ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Ayokong ma-friendzone kaya umiwas ako sa 'yo. Umiwas din ako dahil sa takot ko na mas lalo akong mahulog sa 'yo. Pero kahit ano'ng gawin ko, hindi ko napigilan ang nararamdaman ko. Tuluyan pa rin akong nahulog sa 'yo."

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nagsasalita. Nalalasahan ko na rin ang luha ko dahil sa walang tigil na pag-agos nito sa aking mga pisngi.

"Nagselos ako sa inyo ni Jorina. Pakiramdam ko'y pinalitan niya ako sa buhay mo. Pakiramdam ko'y inagaw ka niya sa akin. At dahil sobrang desperada na ako, hiniling ko kay Rosa na sana'y maging akin ka. Na sana'y mahalin mo rin ako. Pero hindi iyon natupad."

Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luhang umagos sa aking pisngi.

"Pero tingin ko . . . alam ko na kung bakit hindi natutupad ang hiling ko." Tumingin ako kay Jairo habang nakangiti. "Dahil kaibigan lang ako para sa 'yo. Hanggang magkaibigan lang talaga tayo."

Ilang segundo kaming nagtitigan ni Jairo. Walang nagsasalita. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Hanggang sa maisipan kong humakbang palayo sa kanya.

"Sydney . . ." sinubukan niya akong lapitan pero pinigilan ko siya.

"Jairo, please . . . huwag mo muna akong lapitan. Please . . . huwag mo rin akong susundan. Hayaan mo muna akong mag-isa. Hayaan mo muna akong mag-isip. At hayaan mo muna akong tanggapin ang katotohanang iyon."

Pagkasabi ko n'on ay tumakbo na ako palayo sa kanya. Siguro nga, iyon ang dahilan kung bakit hindi natutupad ang hiling ko. Ang katotohanang hindi maaaring maging kami. Na hindi kami para sa isa't isa.

***

Umuwi ako sa bahay nang may mugtong mga mata. Huminto na sa pag-agos ang mga luha ko pero parang wala na ako sa aking sarili. Mabuti nga at nakauwi pa ako.

Nasa labas pa lang ako ng pinto ng bahay namin ay may naririnig na akong sigawan sa loob. Para naman akong nagising dahil sa mga naririnig ko. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang mga magulang ko na nag-aaway.

"Hayop ka! Dito pa talaga sa pamamahay natin?! Dito pa talaga kayo gumagawa ng milagro ng babae mo?!" sigaw ni Nanay na sa tingin ko'y ipinaparating niya kay Tatay.

"E, ano ngayon? Bahay ko rin naman 'to, a! May karapatan akong gawin kung ano'ng gusto ko sa bahay na 'to!" sigaw naman ni Tatay.

"At may karapatan din ako na palayasin ka sa pamamahay na 'to!" Lumapit si Nanay kay Tatay at pinaghahahampas ang asawa. "Lumayas ka rito! Kayo ng babae mo! Mga hayop! Nakakadiri kayo!"

Humagulgol ang nanay ko at tuluyang napaupo sa sahig. Noong una'y hindi ko malaman kung ano'ng nangyayari sa mga magulang ko, pero nang makita ko ang nakahubad na katawan ng tatay ko at tanging boxer short lang ang suot at ang katulong namin na may balot ng kumot ang katawan ay napagtanto ko na kung ano'ng nangyayari. Nagkabukingan na.

"Oo, sige! Lalayas kami! Aalis na ako rito sa bahay na 'to kung iyon ang gusto mo! Ayoko na rin namang tumira sa pamamahay na 'to! Ayoko nang makasama ang isang babae na lulong sa pagsusugal! Ayoko nang makasama ang isang babae na naturingang asawa ko pero hindi naibibigay ang pangangailangan ko!"

Rosa MagicaWhere stories live. Discover now