Ikapitong Kabanata

361 93 12
                                    

Ikapitong Kabanata

"Sydney my frieeeeend!!" tili ni Louela ang nagpaalis ng antok ko.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya at nakita ko na kasama niya rin sina Kimmy at Irene. Bago sila dumating ay nakasubsob lang ang mukha ko sa mesa dahil paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang umiiyak na mga mata ni Jairo.

"Yuck! What's with the gloomy face, Syd? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa," maarteng sabi ni Kimmy.

"Naubos na ba ang pera n'yo at nagkakaganyan ka?" tanong naman ni Irene.

"Hindi. May iniisip lang ako," tipid kong sagot.

Nagpaalam na rin naman sila sa akin at nagsibalik na sila sa kanya-kanyang upuan dahil dumating na ang teacher namin.

Dumating ang lunch break pero lutang pa rin ako. Hindi mawala sa isip ko ang eksena kanina kung saan naglakad palayo sa akin si Jairo. Hindi siya pumasok sa dalawang subjects namin. Nabanggit ng isa sa mga kaklase ko na nasa arts club daw si Jairo dahil may pinaplano ang club nila para sa darating na JS Prom sa February.

Inaaya ako ni Jairo na sumali sa club na 'yon, pero tumanggi ako dahil mas kailangan ni Nanay ang tulong ko sa bahay. Minsan kasi ay nagkakaroon ng Saturday class ang mga club sa school namin at minsan din ay late na silang umuuwi.

"Ohhh! Nawala na kasi si Sydney kaya nagkaroon na ng chance si ateng!" sabi ni Irene habang kumakain kami. Nagtaka naman ako kung ano'ng tinutukoy niya.

"Ano'ng ibig mong sabihin, Irene?"

"There, oh! Your best friend Jairo is with another girl," sabi ni Louela at may itinurong direksiyon.

Tiningnan ko kung ano'ng itinuturo niya at nakita ko sa bandang dulo ng canteen, malapit sa pinto, sina Jairo at Jorina. Si Jorina ang presidente ng arts club. Arts and Design din ang track niya, pero nasa kabilang seksiyon siya.

"If I'm not mistaken, may nababalita noon na may gusto si Jorina kay Jairo," sabi ni Kimmy kaya napatingin ako sa kanya.

"Yah. Narinig ko rin ang balitang 'yan. Matagal na raw may gusto ang babaitang 'yan kay Jairo, hindi lang makagawa ng moves dahil lagi kayong magkasama," sabi sa akin ni Louela.

"At ngayong hindi na kayo laging magkasama ni Jairo, mukhang dada-moves na ang lola mo!" sabi naman ni Irene.

Tiningnan ko naman sina Jairo at Jorina. Nagtatawanan silang dalawa habang magkatabi. Ang lapit pa nila sa isa't isa at para bang ang saya-saya talaga nila habang nag-uusap. Parang kumirot ang puso ko sa nakikita kong eksena.

Tumingin ako sa mga babaeng kasama ko. "Girls, gusto n'yo bang magpunta sa bar mamaya?" Nagkatinginan sila saka sabay-sabay na tumili nang hindi ako tinatanong kung bakit bigla akong nag-aya.

***

"Anak, saan ka pupunta? Bakit ayos na ayos ka?" tanong sa akin ni Nanay at pinagmasdan ang suot ko. "At bakit ang sexy ng suot mo? Saan ka ba pupuntang bata ka?"

I'm wearing a sexy black beaded sleeveless knee length clubwear dress and two inches black heels. Naglagay rin ako ng makeup. Nag-search pa nga ako sa internet kung paano ang tamang paglalagay ng makeup sa mukha dahil ngayon lang ako nag-ayos sa sarili ko. Hinayaan ko lang namang nakalugay ang aking buhok. Medyo ginulo ko ito. Gaya nga ng sabi ng iba, 'messy hair don't care.'

"Ahm . . . may pupuntahan lang po kaming birthday party ng mga kaibigan ko," pagsisinungaling ko. Sigurado naman kasi na kapag sinabi kong sa bar ako pupunta ay hindi papayag si Nanay.

Rosa MagicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon