Ikasiyam na Kabanata

358 88 8
                                    

Ikasiyam na Kabanata

"Anak, aalis ka na naman?" tanong sa akin ni Nanay pagkapasok niya sa kuwarto ko.

Tinapos ko muna ang paglalagay ng lipstick saka tumayo at ipinakita sa kanya ang suot ko.

"Ayos ba, 'Nay?" umikot pa ako sa harapan niya.

"Ano 'yang suot mo?! Bakit ang sexy naman niyan? At kailan ka pa natutong magsuot ng ganyan?" gulat na gulat na tanong niya.

Tiningnan kong muli ang sarili ko sa harap ng salamin. I'm wearing a navy blue spaghetti strap seamless slip dress with black triple strap open toes chunky high heels. Naglagay lang uli ako ng foundation and I'm ready to go!

Nasasanay na akong magsuot ng mga ganitong damit mula noong naging kaibigan ko sina Kimmy. Ayoko naman kasing isuot ang mga dati kong damit. Mas mayaman na ako sa kanila kaya kailangang ipakita ko 'yon. Hindi naman puwedeng mukha pa rin akong gusgusin kapag kasama nila. Saka kailangan kong makibagay para mas lalo nila akong tanggapin.

"Saan ka na naman ba pupunta, Sydney? Aba'y alas-otso na, a! Baka mamaya madaling araw ka na namang uuwi tapos lasing ka na naman," sabi ni Nanay.

"Pupunta lang po kami sa bar nina Kimmy. We need to have fun! Masyado na kaming stress sa school. Kailangan naming maglibang."

"Maglibang? E, bakit sa bar pa? Puwede naman kayong mag-shopping sa mall at kumain, a? O 'di kaya'y manood kayo ng movie."

"Napaka-oldie mo naman, 'Nay!" biro ko sa kanya. "Bago na ang libangan ng mga kabataan ngayon, club na po at alak."

Lumabas na ako ng kuwarto at sinundan naman ako ni Nanay.

"Wala pa po si Tatay?" tanong ko.

"Wala pa. Overtime na naman daw siya dahil ang dami pa niyang tinatapos."

Nagiging busy na ang tatay ko. Oh well, mainam na rin 'yon para madagdagan ang pera namin. Hinalikan ko sa pisngi si Nanay saka nagpaalam.

"Hoy, Sydney! Teka! Tatawagan ko si Jairo!"

Napatigil ako sa paglabas ng bahay nang marinig ko 'yon. Hearing his name gave me a couple of minutes to reminisce what happened earlier.

"Huwag n'yo na ho siyang tawagan. Wala nang pakialam sa akin ang lalaking 'yon." Umalis na ako pagkasabi ko n'on.

Paglabas ko'y nakita ko na agad sina Kimmy. Dito na nila ako sinundo sa bahay.

"Are you ready for another wild night, Sydney?"

Naalala ko na naman si Jairo. Siya ang dahilan kung bakit inaya ko na namang magpunta sa club sina Kimmy. Gusto kong magpakalunod sa alak para kahit sandali ay makalimutan ko ang lalaking 'yon. Kailangan ko ring makalimutan ang kaplastikan ni Jorina. Baka hindi ako makapagpigil sa kanya at bigla ko na lang siyang sugurin.

"Hey, Sydney." Napalingon ako kay Kimmy. "Are you okay?"

"A-ah, yeah. Let's go?" nakangiting sabi ko.

Tumili naman sina Louela at Irene, umandar na rin ang sasakyan.

I sighed. Kakalimutan ko muna si Jairo. Kahit ngayon lang. Kahit ngayong gabi lang.

***

Malalakas na sigawan ang naririnig ko habang sumasayaw at umiinom ako sa gitna ng dance floor. Nahihilo na ako dahil kanina pa kami umiinom nina Kimmy. And this time, hindi lang wine ang in-order ko, hard drinks na. Gusto ko kasi talagang uminom nang uminom. Bahala na kung hindi ako makapasok bukas sa school. Bahala na kung gaano katagal sasakit ang ulo ko. Ang mahalaga'y makalimutan ko sandali si Jairo.

Rosa MagicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon