Chapter Ten- Second Meeting

681 58 0
                                    

Dave's Point of View

"Ano ba talagang nangyari jan kay Dave?!"

"Hindi ko nga din alam eh. Pero mukhang may nangyari kagabi sa kanya!"

"Bakit daw ba siya umuwi agad?"

"Diba nga sabi ni Prince hindi siya nagbabar kaya baka umuwi agad!"

"Teka? Mukhang alam ko na kung anong nangyari sa kanya!"

"Ano?!"

"Nakakita siya ng MULTO!"

"Gag*!"

"Haaaaay." sabi ko dahil sa mga praning kong kagang.

Hindi pa rin ako makaget over dun kay Inna! Hanggang ngayon hinahunting pa din ako

"Ano ba talagang nangyari sayo kagabi?"

"ANAK NG KABUTE NAMAN PRINCE! Para kang bakulaw na kabute dahil sulpot ka ng sulpot kung saan saan!" sigaw ko kay Prince na easy easy lang na nakaupo. Di ko nga napansin na nandito pala siya sa tabi ko eh.

"Ano nga?" tanong na naman niya. Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. Hindi ko alam kung alam niya na na yung nangyari kagabi o hindi. Lalo na't kilala ko na si Inna!

"W-wala! Nu ba kayo! He-he-he" boplaks ka talaga Dave nagpapahalata ka eh. Kaya ayokong nagsisinungaling eh.

"Psh." sabi ni Prince tapos lumabas na ng HQ.

"Tara guys next class na natin maya maya." sigaw ni Jason. Tss akala mo nagaaral ng mabuti yung iba eh. Mga bagsak naman. Well ako din naman.

"Haaaay." Tapos naglakad na din ako palabas.

Malayo na sila samantalang ako nandito pa rin sa pintuan ng HQ namin. Ewan ko ba, nagbabakasakaling makita ko ulit si Inna.

Pero ilang minuto na ata akong nakatayo sa harap ng pinto ay wala namang dumadating. Sabagay may klase na. Alis na nga ako baka malate pa ko nito eh.

Pagtalikod ko may nahagip ang mata ko na babaeng nakayuko at mukhang may hinahanap.

Teka? Baka si Inna na yun.

"Ehem! M-miss?" tawag ko sa kanya pero hindi man lang siya nagatubiling lingonin ako.

"May hinahanap ka ba?" tanong ko ulit para makuha ang atensyon niya  pero hindi na naman siya lumingon.

"Kwintas siguro ang hinahanap mo no?" tanong ko na kunwariy inosente. At doon ay nakuha ko na ang atensyon niya. Tumayo ito ng diretso at tumingin sa akin.

Napatigil naman ako habang pinagmamasdan ang pamilyar niyang mukha.

Hindi. Imposible.

"Pano mo nalaman na kwintas nga ang hinahanap ko?" tanong niya.

Bumalik muli ang kaba ko dahil sa tanong niya.

"Ah... Eh... Na-nagbabakasakali lang naman a-ako." shit hindi talaga ako pwede sa mga pagsisinungaling, napaka obvious.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now