Chapter Twenty-Six- Vacation

232 25 10
                                    

Rhinna's Point of View

"Sure ka talagang mag babakasyon tayo? Diba sabi mo magpaplano tayo? Ano to?" Reklamo ni Ollen ng magtipon tipon na kami sa headquarters. Kahapon ay napag usapan naming magbabakasyon kami sa bahay namin sa Batangas. Actually, hindi kasama sa plano ito. Sadyang naisipan ko lang, na sana pwede kaming maging malaya kahit ilang araw lang. Na kahit isang araw lang ay normal lang kaming tao.

Last week was tiring. Im actually shook by slowly having back my real me. I badly want to stop this. Pero sa tuwing naalala ko ang itsura ng mga magulang ko habang unti unti silang ibinabaon sa lupa at ang alaala namin ng kakambal ko ay nabubuhay ang galit sa loob ko. That's the reason why I can't stop. We need justice. I need to catch them. Kahit yun lang.

"Wag ka na magreklamo Len, buti nga pinagbabakasyon pa tayo ni RR eh. Diba guys!" Sigaw ni LJ. Pag dating talaga sa ganitong bagay napakahyper niya. Tss. Di na ko magtataka kung tuwing gabi ay tulog agad siya sa pagod.

Lumabas na kami ng hq bitbit bitbit ang mga gagamitin namin para sa munting bakasyon namin ng may maaninag ako.

"Wait! Sino yun? Diba tayo tayo lang?" Iritang sabi ni Jell ng makita din nila iyon.

Well, I also invite them.

This, is now part of my plan.

"Hey chicks, wag ka sumigaw. Inimbitahan kami ng kaibigan mo."

Sa pagkakatanda ko ang pangalan ng malanding hudyo na ito ay Christian.

"What the hell? RR, sabihin mo sa kanilang hindi mo sila inimbitahan! Omg! I can't be with them!" Maarteng sigaw ni Jell. What's with her? Diba dapat matuwa siya dahil may kasama kaming mga lalaki? Tss.

"Omg! Chris lumayo ka sa lalaking yan! May germs siya!"

Napalingon ako kay Kad na nakapanguyapit kay Chris na nakahawak sa braso ng isang lalaki. Siya ba yung, Jan? Well, hindi ko na maalala lahat ng pangalan nila. Ang dami kasi.

"Hi Inna!"

Tiningnan ko lang si Dave na ngayon ay nasa harapan ko na. And syempre hindi mawawala ang epal.

"Hi." Bati ng Prince of epal.

"I don't talk to strangers." Sabi ko sabay talikod. Naiirita ako sa pagmumukha niya. "Actually, kaya ko kayo isinama para may tagadrive at tagabitbit kami. Wala ng libre sa mundo kaya kailangan mahirapan kayo. So guys, enjoy the trip." Walang emosyon kong sabi sa kanila. Para namang nalaglag ang panga ng mga lalaking kasama ni Dave dahil sa narinig. Well, akala kasi nila ay magkakaroon ng special treatment. And I don't do that.

"Yun naman pala. Okay, girls! Let's go!" Masayang sigaw ni LJ na sinundan ng tili ni Jell. Tss.

"Prince, bakit pa kasi tayo sumama?" Rinig kong tanong ng isa.

"Magtiis ka na lang." Sagot nito.


-

Zyrile's PoV

Napasimangot ako ng may lalaking biglang tumabi ng upo sa akin. Di ba niya alam na ayokong may katabing germs? Ano ba kasi ang naisipan ni RR at may isinama pa siyang mga ugok? Di naman namin kailangan ng driver dahil nandyan si Lj. At tagabitbit!

"Ang sikip! Ano ba yan! Dun ka nga!" Sigaw ko rito. Pero parang di ito natinag dahil mas kinomportable pa niya ang upo niya sa upuan. Like what the hell! Wala ba siyang manners?

"Anong kinasikip nito eh hindi nga ako dumidikit sayo?" Sarkastiko nitong sabi. Nakakapangilabot pa dahil inilapit niya pa ang malabakulaw niyang mukha sa akin. Omg, ipaalala niyo sa akin mamaya na bumili ng inhaler. Ang baho ng hininga niya.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now