Chapter Fifteen- Awaken

555 50 0
                                    

Dave's Point of View

Nandito kami ngayon sa HQ at nanunood ng movie. Napagkasunduan kasi naming wag munang pasukan ang ilang mga subjects kasi nakakatamad.

Doon lang kami nagkakasundo lahat.

"Naalala ko na naman yung mga babae kagabi. Ang tindi nung isa! Kakaiba!" kwento ni Christian na kanina lang ay nakatulala. Maniniwala na sana ako eh kaso with action pa.

"Kung alam ko lang gusto mo yung babae na yun eh!" pang aasar ni Patrick dito.

Pinanlakihan ko naman ito ng mata na ikinatawa ni Patrick.

"WALANG GUSTO DUN SI CHRISTIAN!" sigaw ko

"Ayst! Eto na naman si Mr. Super Hero!" sabi ni Drew at nagtawanan naman sila.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi, ang labanan na mismong kami ang witness.

"You should stop that shit to her."

Nung narinig ko yun agad agad naman ako tumakbo papunta sa kinaroroonan nila. Kahit na kanina ko pa gustong tumulong ay alam kong bawal. Hanggat wala ang dahilan namin.

"Why not?" nakasmirk na saad nung babaeng nakamaskara.

Pamilyar siya sakin pero hindi ko maalala kung sino siya.

"Bitawan mo siya." walang makikitang kahit anong emosyon o expression sa mukha ni Inna habang sinasambit ang katagang iyon. At kahit sino ay kikilabutan.

Parehong pareho talaga sila.

"What if I don't want to." mapangasar na sabi nito ngunit imbis na mainis si Inna ay ngumisi lang ito.

"Then I will do it for you." bigla namang sumugod si Inna sa babaeng naka maskara at hinawian ito ng hawak niyang katana.

Naglaban lang sila sa pamamagitan ng katana at halata dito na walang gustong magpatalo. Kita mo sa bawat hawi at hampas nila ng katana ay talagang may diin at lakas. Paniguradong kahit sinong mahawi nito ay magkakapira piraso.

Nakakatakot.

Lumingon ako kila Prince na ngayon ay nagsisimula nang makipaglaban.

Kailangang walang matira dito kung hindi ay mahuhuli kami. At ayoko nun dahil maraming mapapahamak.

Tumakbo ako papunta sa babaeng kaninang binubugbog nung babaeng nakamaskara at dinala sa kotse. Kailangang niya ng madala sa ospital dahil marami siyang natamong sugat. Malaking pasasalamat nito dahil buhay pa rin ito ngayon. Dahil kung titingnan mo ang katawan niya ngayon ay hinang hina na.

Inisa isa ko na ang mga kababaihang walang malay at dinala sa kotse para mas mapabilis ang pagdala sa kanila sa ospital mamaya.

Nang matapos ako sa mga ito ay tumakbo naman ako pabalik kila Prince at tutulong ng makita kong may babaril na lalaki kay Inna.

Sinugod ko ito at inagawan ko ito ng baril. Susuntukin ko na sana ang barubal nitong mukha ng may narinig ako.

"DAVE SA LIKOD MO!" sigaw ni prince sakin kaya naalerto ako sa likod ko.

Whew! Kala ko matataga na niya ulo ko eh. Infairness nakakaba talaga ang hand to hand battle. Pero mas mahirap pag ako walang armas at sila ay kumpleto.

Nakita kong patuloy pa rin sa pakikipaglaban si Inna.

Sumipa ito sa kanan pero naiwasan ng babaeng nakamaskara pero ang hindi niya alam ay nakaabang na ang ambang suntok sa kaliwa ni Inna. Mula sa kinaroroonan ko ay kita ko ang impak ng pagkakasuntok nito.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now