Chapter Sixteen- Arranged

611 48 0
                                    

Reniel's Point of View

"Wag niyo siyang papapasukin." mariing sabi ko sa maid na kanina pang kumakatok sa pinto.

Nandito ako ngayon sa kwarto at nagpapahinga matapos ang nangyari sa akin noong nakaraang araw. Marami din akong natamong sugat at pasa dahil sa ginawa ni Ravanna at hinding hindi ako titigil para mabawian siya.

"Oh Hi Reniel baby!" Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Iilang lalaking may hawak ng kaniya kaniyang armas at isang babaeng may hawak na dagger

Ravanna?!

"W-why are you h-here?!"

"Wag mo naman ako sigawan, Reniel baby. That will hurt my feelings." Paawa nitong sabi pero alam kong sarkastiko lang ito. As I knew her, wala siyang bagay na siniseryoso maliban na lang sa pakikipaglaban. That's why I broke up with her.

Yes, she was my girlfriend. I already thought that day that she's the right one for me. I dumped so many girls even Lyra just for her. But heck! She's fake!

"Bakit ka nandito?" Mahina ngunit madiin kong sabi dito. As saw her smirked before talking.

"Matutuloy pa rin ba ang kasal niyo ni Lyra?" Tanong niya habang nililibot ang kwarto ko.

Kinuha niya ang litrato namin ni Lyra sa tabi ng lamp shade ko kung saan ako lang ang nakangiti doon dahil napilitan lang naman siya magpakuha. At napilitan lang din siya sa lahat. That is because I became jerk all the time.

"Oo."

Umupo siya sa couch na kalapit ng kama ko at tumitig sakin ng walang kahit anong makikitaang emosyon. Pinakikita na niya sa akin ang totoonv ugali niya simula ng malaman kong isa pala siya sa may pakana ng lahat na ikinagulo ng pamilya ni Lyra. Noong una ay tanggap ko pa siya dahil akala ko mahal ko pa siya pero nang magtagal ay unti unti ko na siyang kinamuhian kasabay ng pagkawala ng pagmamahal ko dito.

"Come with me." Nagulat ako sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha! After making me fool?!

"For what?!" Sigaw ko rito. Nasisiraan na ba siya ng bait? Akala ba niya sasama ako sa kaniya kung alam ko naman kung anong klase siya ng tao?

"Para malaman mo kung may pake ba talaga sayo ang taong mahal mo." Sabi niya at biglang may pumasok pa na walong lalaki. Hindi ko ipinakitang natakot ako dahil hindi iyon makakatulong sa akin. Masyado nga silang marami at hindi ako makakalaban kaya naman hindi na ako magsasayang pa ng oras para ipakita ang takot kong hindi naman nila nararapat makita.

"Bugbugin siya. Wag niyong papatayin. Kailangan nakakakita at nakakarinig pa rin siya." Utos niya sa mga ito.

Napapitlag na lang ako ng biglang may humampas ng bakal sa binti ko. Doon na nila sinimulan ang utos ni Ravanna. Sunod sunod silang sumugod sa akin at patuloy akong sinusuntok at hinahampas ng kung ano pero hindi sila nakarinig ng kahit na anong ingay sa akin.

Maya maya pa'y isinakay na nila ako sa sasakyan ng hinang hina na. Sabihin na nating marami akong galos pero nakakagalaw pa rin naman ako tulad nga ng inutos ni Ravanna sa mga ito.

"Pakinggan mo ang sasabihin niya, para malaman mo." Sabi ni Ravanna sakin at bumaba na ng kotse. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Lyra at ang mga kaibigan niya.

Nagsasalita si Ravanna pero di ko yun naririnig. Inilabas ako ng isa sa mga lalaking bumugbog sakin at doon ko na narinig ang pinauusapan nila.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now