Chapter Seven- Solved

1K 69 5
                                    

LJ's Point of View

Binitbit ko na ang nga bote ng beer at dinala na sa labas. Natagalan kasi ako sa pagluluto ng mojos. Masarap yun! Try niyo.

Tuwang tuwa akong lumabas na sinabayan pa ng pagkanta na alam kong wala sa tono.

"Oh! Oh-ho Yeah oh! GUYS! The drink is here! Wooooh! Sorry kung," Napatigil ako sa pagtalon at tinitigan ang bawat isa, "na-ta-ga-lan? Ah? Anong nangyare at ganyan ang mga mukha ninyo?" tanong ko sa kanila. Ikaw ba naman kasi datnan mo ay yung mga mukhang parang namatayan na naghirap pa. Diba? Masaklap yun at ganun ang itsura nila.

"Sabi ni RR ibigay ko daw sayo to. Oh." sabi ni Jell habang may inaabot sa aking isang papel. Maliit na pinabilog na papel.

"Eh? Ano naman sa tingin mo ang gagawin ko dito sa papel mo?" tanong ko. Ayokong kumain ng papel! Never ko po pa naranasang ngumuya ng papel. Ayoko m----

"May tumawag kay RR," pagsisimula ni Jell na diretsong nakatingin sa akin, napaseryoso na ko dahil doon at hinayaan siyang matapos sa pagsasalita, "Si Lorrielle. At problema sa palace at aalis na daw muna siya. Kasama ka."

"Sige?" Hindi ko siguradong sagot. Hindi ako sanay sa kanila. Masyadong seryoso.

Pagkabukas na pagkabukas ko ay napangiti na ako. So that's the plan?

~

Rhinna's Point of View

Nandito na ko ngayon sa Storage house kuno namin ni LJ. Bakit storage house kuno? Kasi dito lang naman nakatambak ang mga kagamitan namin ni LJ pag may mga bakbakan katulad nito. Pero wala pang alam ang mga kagang mates namin dito dahil alam naman naming na magtatanong lang sila nagmagtatanong kung bakit may ganito pa. At ayaw ko pa noon ipaalam ang tungkol dito.

Pero siguro ito na din ang tamang panahon para malaman nila. Ayoko na ng masyadong maraming nililihim kung pwede namang pakisamahan ang mga ito.

Hindi rin totoong may nangyari sa palace. May tumawag lang sa akin kanina, and that is an unknown guy. Hindi ko muna ipinaalam sa kanila ang totoo dahil kailangan ko munang makuha ang totoo talagang kinuha nila sa amin.

Nagchecheck na ako ngayon ng mga gagamitin ko para mamaya. Kasi baka may makalimutan pa kong importante. Mahirap na! Tsaka kailangan ko ng madaliin to dahil baka may mapahamak pang iba. Ayoko naman ng ganon.

"Damit? Check! Guns? Check! Shurikens? Check! Tear gas? Check! Hmm? Ano pa ba ang mga kailangan ko?" inisip ko pang mabuti ang mga kailangan ko dahil baka may maiwan pa ako.

Hmn.

"Lollipop! Check!" sigaw ko at tumungo sa cabinet sabay hablot ng damit para isuot. Naka fitted na black long sleeve at pants lang ako. As always! I always wear this thing when we are the one.

"Kahit kalain talaga hinding hindi nawawala ang lollipop mo no?" bulong ng isang tao sa likod pero sapat na para marinig ko. And there you go, LJ is here.

"Kailan ba nawala to?" tanong ko pero natatawa tawa pa. Ganito lang naman kasi ako pagkami lang ni LJ ang magkasama. Depende na lang minsan samin ng iba pang Zerdiac. Hindi pa ko masyadong handa para maging open sa kanila.

"Tsk! Sana pala araw araw na lang may ganito no? Kasi araw araw ko na rin makikita ang mga ngiti ni RR, I mean ni Rhinna dati." nakangiting sabi ni LJ at nagsimula na rin magayos at magsuot ng red fitted niyang damit na katulad ng akin.

Napatigil ako sa sinabi nito.

"You should loosen up, Rhinna."

~

Someone's Point of View

Nandito na ako ngayon sa isang abandunadong gusaling pinaghihide out-an nila. I was here with Her. Sobrang dilim nga dito eh. Wala na talaga akong makita miski isa. Buti na lang kamo eh malakas ang pakiramdam ko kundi kanina pa ako natalisod dito.

Mysterious TwinΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα