Chapter Fourteen- Other side

563 50 1
                                    


LJ's Point of View

"BABA!" sigaw ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng sasakyan namin. Tiningnan ko ang mga kasama ko na ngayon ay alerto. Hindi mo mahahalata ang takot sa kanila dahil alam kong mas kailangan namin ang tapang kaysa takot.

"WAG NIYONG ANTAYIN NA AKO PA ANG MAGPABABA SA INYO! ISA!" sigaw nitong muli.

Wala kaming magawa kundi ang bumaba, una sa lahat napapalibutan na nila kami. Pag pinaputukan nila kami, siguradong wala na kaming takas. At pangalawa, wala kaming laban dahil mga punyal at baril lang ang dala namin. Kung kailan naman kasing hindi kami handa ay tsaka sila sumugod. Mukhang pinagplanuhan talaga nila itong araw na ito.

Sa pagbaba ko ay may nakita akong isang babaeng nakamaskara, suot suot ang fitted black dress.

May kilala akong ganyan magsuot ng klase ng damit.

"Well, well, well. Here we go Lyra. How are you?" may hawak siyang katana habang papalapit sakin.

Now I know who is she.

"Kilala mo ba siya LJ?" takang tanong sa akin ni Jell.

Halata sa kanila na mas naging alerto na silang lumaban dahil nasa likuran na nila ang kanilang mga baril at hawak naman na nila ang kanilang mga punyal.

"Oo." mapait na sabi ko. Kahit na ayokong ipaalam sa kanila iyon ay kailangan.

"Akalain mong dito pa tayo magkikita, my dearest bestfriend." alam kong naka smirk siya habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Mas mapait pa sa ampalaya ang pagkakaibigan namin noon.

"Stop calling me that way." Madiing sabi ko rito.

"As you wish."

Pumunta siya sa kalapit na sasakyan nito at may inilabas na dalawang lalaki na naka blind fold at nakatali. Halatang binugbog sila dahil sa puno ng dugo ang kanilang mga damit.

Fvck!

"Ooohhh! Look at your dearest Reniel. Mukhang pinahirapan siya ng mga underling ko ah. Hahahahaha!" hindi ko inintindi ang mga sinasabi niya dahil nakatingin lang ako kay Reniel na bitbit bitbit ng isang lalaki. Pagod at hirap na hirap.

"Don't worry, Lyra. Buhay pa siya kaso nga lang mukhang sandaling oras na lang itatagal niya pag hindi pa siya nadala sa ospital eh. Sorry ah. HAHAHAHAHAHAHAHAHA!" nagdilim na ang paningin ko kaya't tumakbo ako papunta sa kanya kaso hinarangan ako ng dalawang malalaking lalaki.

Tinadyakan ko ang isa sa kanyang ari at sinuntok ko naman ang isa sa mukha.

"YOU SHIT!" sigaw ko sabay hagis ng punyal sa kanya.

Nakailag naman ito pero hindi niya alam ay nadaplisan ko siya.

Napangiti ako dahil ang punyal ko na iyon ay may lason.

"Hindi ako tatablan ng lason mo!" sigaw niya na ikinagulat ko pero di ko rito ipinahalata.

"*smirk* You think ganun ako katanga at magpapadala dahil sa may hostage ka? Go! Patayin mo siya kung gusto mo!" sabi ko rito pero ang totoo niyan ayoko lang ipahalata na kinakabahan ako sa gagawin nila kay Reniel. Mas gugustuhin ko na lang na ako ang masaktan kaysa siya.

"Kung ganon sige, PATAYIN SI RENIEL!" sigaw niya sa mga underling niya pero bago pa kumilos ang mga ito ay nakasugod na kami sa kanilam

Lumingon muna ako para tingnan sila at nakita ko si Ollen na nakatayo pa rin at nakatulala lang sa gawi nung isang lalaking bihag nila.

"OLLEN!" sigaw ko rito at natauhan naman siya.

Sumugod na kaming lahat at inunti unti ang kalaban.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now