Chapter Eight- Prince of hell

1K 62 2
                                    


Prince' Point of View

"Nasan na naman ba si Christian na yun?" nakasigaw na tanong ni Jason habang nagdadart

"Alam na! Malamang nasa bar na naman! Complete attendance ata yun pag dating sa mga babae! " natatawang sabi ni Drew habang lumalamon.

"HOY! Magsitahimik nga kayo, alam niyo naman nandito si Prince eh! Kita niyo namang hindi sanay yan sa maiingay eh!" sigaw naman nitong si Dave

Anyway, ako nga pala si Kevin Prince Riendo, and I am the Leader of Death Prince. At yung mga ungas naman na yun ay sina Jason Rivera ang pinakamagaling samin mang hack ng mga accounts. Pamilya din kasi nila ay kilala sa pagiging isang successful computer engineers kaya hindi na maikakailang magaling talaga siya pagdating sa pag gamit ng computer. Drew Richards ang masasabi ko namang kahit papaano ay may silbi. He can be like a detective sometimes at matalino din siya. Darren Dartson siya ang pinakatahimik pero mas nakakatakot kapag nagalit. I already saw how scary he was if he's angry. Lalo na pag ang pinag uusapan ay ang kapatid niya. As much as I know, hindi totoong magkasundo ang dalawa kaya ganoon na lamang ang galit nito sa artista niyang kapatid.

Jay Allan Natividad, sa tagal na naming magkakasama siya ang pinaka hindi ko gaanong kilala. I know him as a serious type kind of a guy pero hindi ko pa ito nakikitang magalit, tumawa o makipaglaban. Troy Ben Ricks he's same as Drew pero hindi katalinuhan, sadyang malaki lang din ang pakinabang niya sa grupo pag ang pinag uusapan ay pag gawa ng mga bagay na makakatulong sa amin. He's like an inventor. Patrick Santiago, siya naman ang dakilang tambay sa amin. Sa sobrang tamad niya utos na lang siya ng utos sa girlfriend niyang spy sa kalaban namin. Carl Jace Villaflor ang pinakamagaling sa lahat ng klase ng Martial Arts, siya ang tagaturo ng mga bagong klase ng pakikipaglaban.

Sam Luis Salvador isa lang siya sa pinakamakulet samin. At pag sinabing makulit, sobrang kulit! Christian Aye Rong, ayoko na sana siyang ipakilala dahil sa lahat siya ang pinakamalaswa. Raymond Rong, magpinsan sila ni Christian pero napaka layo ng ugali nila sa isat isa dahil kung si Christian ay babaero siya naman seryoso sa mga babae. Hindi rin kami magkasundo dahil sa pag uugali nitong masyadong mataas ang tingin sa sarili. Hanzel Brasse, pinakabobo. Yes, bobo.

Zet Carl Vascel siya naman ay parang si Drew lang din, pero ang pinagkaiba lang siya tutok na tutok sa pag aaral pero si Drew stock knowledge lang. At walang ibang si Dave Lance Riendo, ang pinaka close ko sa lahat. Pamilya niya kase ang kumupkop sakin nung mga panahong walang wala ako. At yun in-addopt nila ako kaya legal brother ko na siya. Pero hindi ko pa din nakakalimutan 'siya'.

"Pre lalim ah?! Di ko mareach! Hahaha! Joke lang pre." pangaasar nitong si Patrick sa akin. Napakaabnormal talaga.

"Takte Prince! Hindi ka pa rin ba magsasalita?! Kanina pa kami dito nagiingay nagtatawanan, ng titrip pero hindi pa rin umiimik?! Teka baka naman hindi ka ta—— AAACCCKKKHHH!" namilipit na lang siya sa sakit dahil sa pagkakasuntok ko sa kanya.

Yan ang napapala sa mga taong abnormal.

"Yan ang napapala sa mga ayaw sumunod. HAHAHAHA!" tuwang tuwang sigaw ni Dave

"Tsk." tanging nasabi ko. Hindi naman ako abnormal eh.

"HAHAHAHA! Ang panget ni Patrick umaray!" humahalakhak na pangaasar nitong si Drew.

"Tangin* mo!" sigaw naman niya.

"Hahahaha! Ok lang yan!" pangaasar pa niya.

At nagtawanan na kami lahat. Marunong din naman akong makisakay sa trip kahit na hindi ko sila ganun nakakasama.

Maya maya ng matapos na ang tawanan ay may pumasok sa HQ namin.

"Oh Ray!" Excited na sigaw ni Christian.

Mysterious TwinOnde histórias criam vida. Descubra agora