Chapter Nine- Kiss

901 56 0
                                    


LJ's Point of View

"Jell! Akin na kasi yan! Puh-lease!" pagmamakaawa nitong si Lan kay Jell dahil lang sa isang picture nung Darion chuchu na yun.

"Titingnan ko lang naman eh!" pagmamakulit naman ni Jell

"Pag hindi pa rin kayo nanahimik jan, ako na ang gagawa nun." biglang salita nitong si Chris.

Pansin ko lang dito kay Chris this past few weeks mas naging tahimik pa siya.

"Alam mo kung naki join ka na lang dito at hindi nag papaka-KJ edi mas masaya!" sigaw naman ni Jell na nasa ibabaw ng lamesa dahil ayaw pa rin niya ibigay kay Lan yung picture nung Darion chuchu na yun.

"Leche!" sabi lang ni Chris na nakangiti.

"Tara mall tayo." sabe ni...

Napatigil naman ang lahat at napa nganga dahil sa sinabi ni RR

"T-teka? Mall ba kamo?" sabay na sabay na tanong ni Jell, Lan, Chris, Zy at si Ollen

"Masama na ba akong mag-aya?" sabi ni RR na nakataas ang dalawa kilay.

"Hindi naman sa ganun kaso nakakagulat lang!" komento ni Zy

"Psh." sabi ni RR na nakapout. Haha how cute.

"LJ ganyan ba talaga yan si RR pag Dark Storm?" tanong naman ni Ollen sakin.

Tumango lang ako at tumawa naman sila.

Pagtingin ko kay RR, ang akala ko magagalit siya pero nagulat ako dahil nakikitawa na rin siya samin.

Baka nga gusto niya na talagang magbago.

A days ago...

Nandito ako sa may harapan ng maliit na bar dito sa HQ namin at umiinom lang ng beer ng biglang lumapit sakin si RR na may dala namang Lollipop.

Natawa na lang ako sa itsura niya habang dinidilaan niya pa yung Lollipop.

Tapos tumingin siya sakin ng para bang nagtatanong kung anong meron.

"Nothing. Its just. Haha, your so cute while your eating that Pop." sabi ko ng natatawa tawa pa.

Ngumisi lang siya at nagpatuloy lang sa pagdidila ng Lollipop na yun

"Tulungan mo ko." bigla niyang sabi. Nabibingi lang ba ako?

"Huh?" tanong ko na ikinakunot naman ng noo niya.

"Oo, narinig ko naman yung sinabi mo, but it's you know. I can't believe lang." paliwanag ko naman tapos ngumiti lang siya.

"Help me to change myself." yun lang ang sabi niya bago siya lumabas ng HQ.




Kaya nga this past few days nagpapaka bago na siya. Pinipilit niyang magbago kahit na minsan pilit lang pero kaya naman niya eh.

"Alam ko ang iniisip mo." biglang sabi ni RR na ngayon ay katabi ko na. Kahit kailan talaga napakamind reader niya at kahit kailan hindi ko napapansin ang bawat presensya niya. Kaya nga minsan natatakot ako sa kaniya. Malay mo ninja pala siya. Diba? Katakot!

"I can't believe lang, kasi parang ngayon nag lelevelup ka na. Haha! Alam mo ba kung ano yung mag papapure change na sayo?" sabi ko. Mukha naman siyang clueless kaya naman tinuloy ko na yung sasabihin ko na ikinapoker face naman ng mukha niya.

Nyahahahaha!

"Find a guy that will full fill yourself." At yun lumabas na ako sa HQ.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now