Chapter Two- Zerdiacs

2.2K 88 0
                                    

Rhinna's Point of View

Ayoko na! Ayoko ng maalala ang nakaraan ko. Dapat ko ng kalimutan ang nangyari walong taon na ang nakalipas. Masyado na akong nabubuhay sa nakaraan na dapat ko ng kalimutan. Pero paano? Paano ko kakalimutan kung hanggang ngayon ay wala pa kong nagagawa? Sa haba ng panahon na gusto kong gumanti ay palagi akong nabibigo.

"RR?!" tawag sakin ni Jayem. 4th Zerdiac. Hindi ko na masyadong napansin ang mga nandito dahil sa mga iniisip ko. Tss. Kahit naman siguro wala akong iniisip ay hindi ko pa din sila mapapansin dahil wala akong pake.

"Bakit?" tanong ko. Ayoko maistorbo ngayon at alam nila ang mangyayari kung nagkataon.

"Kanina ka pa tulala dyan ah? Ano ba iniisip mo?" pagkasabi na pagkasabi niya nun ay nag si tinginan sakin ang buong gang na kanina lang ay busy sa kani-kanilang ginagawa. Nandito kasi kami sa HQ na pinagawa namin sa school. Batas kami kaya wala silang magagawa.

"Don't mind me." tanging nasabi ko. I'm not in the mood to talk. Masyado akong maraming iniisip. Nakakabagot. Well, kahit nga 'K.' minsan ay kinatatamaran ko pang sabihin.

"Eh ano ba kasi yang iniisip mo?" pangungulit naman nitong si Lan. 10th Zerdiac.

"Wala." walang gana kong sagot. Ang kulit naman nila. Hindi ba nila maintindihan na ayoko makipagusap? Tss.

"Ah! Mukhang yung kakam-"

"DIBA SINABI KO NA NGANG DON'T MIND ME! DI BA KAYO NAKAKAINTINDI?! GUSTO NIYO TAGALUGIN KO PA?! PSH!"sigaw ko sa kanila at lumabas muna ng HQ para mag pahangin. Alam kong nabigla sila sa pag sigaw ko. Hindi ako ganon. Kung kinakailangan ay mahaba ang pasensya ko. Sadyang tungkol lang ito sa...

Tss. Basta! Badtrip na nga ako mas babadtripan pa.

"RR!" sigaw ng mga baliw na yun mula sa likod ko. Di ako lumingon pero sumisigaw pa rin sila. Hindi naman ako galit. Sadyang wala lang talaga akong gana. Nasabayan pa ng pangungulit nila.

"SORRY NA!" sigaw naman ni Kad. 3rd Zerdiac. That's new. Si Kad na may pagkamayabang? Magsosorry?

"Oo na." walang gana kong sagot at sakto namang nandito na sila sa harapan ko. Siguro sila ang dating 'speed'. Speed babad. Okay last na yon.

"Hays! Kala namin galit ka na ng super duper!" natatawang sabi naman ni LJ. 2nd Zerdiac. Ang pinaka abnormal sa lahat.

"Tss." sabi ko at dumiretso na kami papunta sa classroom namin.

Actually pare-parehas na kami ng kinuhang course na Engineering. Mga gaya-gaya kasi sila eh. Akala naman nila magiging kagaya nila ako. Masyado akong matalino para sa kanila.

Habang naglalakad naman kami naririnig ko pa yung mga bulungan ng mga schoolmate namin tungkol samin. Yung totoo bulungan pa ba yan? Para kasing sadyang ipinaririnig eh. Sungalngalin ko kaya?

"Ang gaganda talaga nila no?" - chismosa #1

"Oo nga eh. Lalo na si RR. Napakaganda niya lalo na yung mga mata niyang Blue no! Omaygadh! Girl crush ko na siya! KYAAAAAAH!" - chismosa #2

"Kahit na gangster sila Idol ko pa rin sila sa lahat ng bagay!" -chismosa #1

"Hindi ba kayo marunong bumulong? Eh parang sinisigaw niyo na nga yang mga chini-chismis niyo eh!" sigaw ni Ollen (7th Zerdiac) na may halong galit.

Galit kasi yan sa mga chismosa. Past life ata niya pumapatay ng chismosa.

Mukha namang natakot yung mga chismosa kaya mabilis silang umalis sa harapan namin. As expected, pag kilala ka bilang isang magaling na gangster sa school na to sasambahin at kakatakutan ka. Ganyan nila ginagawang mababaw ang sarili nila. Mga walang utak.

Mysterious TwinWhere stories live. Discover now