Chapter 50

232 12 18
                                    

LONG CHAPTER AHEAD... OH, AND REALLY SAD TOO. Hindi ko sinasabing need niyo ng tissue pero kailangan niyo ng tissue! Hahaha! Thank you!

KISSES

WALA NA NGA sigurong mas sasakit pa dito. Narating ko na nga siguro ang dulo. Yung pinakamasakit, yung pinaka nakamamatay sa lahat. Gusto kong tumigil sa pag iyak pero gusto ko rin magwala. Gusto ko siya hanapin, harapin pero sigurado akong mas lalo lang akong masasaktan.

Nabitawan ko yung hawak kong basag na baso nang may kumatok sa pintuan. "Kisses?" Tawag ni Ate Maymay.

Napasinghap ako at pinunasan yung mukha ko. "Kisses, alam kong nandiyan ka! Kisses, sagutin mo ako."

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o kung ano gagawin ko. Kung titigil pa ba ako sa pag iyak. Itinakip ko nalang sa mukha ko yung kamay ko, umaasang hindi niya ako maririnig sa kabila ng pinto.

Naririnig ko silang naglalakad sa harap ng kwarto ko. Katulad nung mga nakaraang araw, umaasang lalabas ako ng kwarto, umaasang ayos na ako.

Umikot yung door knob ng pintuan, bago ko pa makita kung sino yung pumasok, nasa harapan ko na ito at yakap yakap ako nang mahigpit.

"Kisses... Diyos ko..." Naiiyak na sabi ni Ate Maymay. Nakaupo kami sa sahig ng kwarto. Ang tagal rin namin sa ganoong pwesto.

Parehas kaming umiiyak. Umiiyak dahil sa magkaibang dahilan. Siya, baka dahil naaawa siya sa kalagayan ko. Ako, dahil hirap na hirap na ako at ito nalang ang magagawa ko.

Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko at iniharap sa kanya. Lalo siyang humagulgol. Gusto ko siyang tignan at sabihing tumahan na siya pero hindi ko ito magawa. Sobrang maga na ng mga mata ko at wala na rin akong boses.

"Diyos 'ko po, Kisses! Ano bang ginawa mo sa sarili mo?" Malungkot niyang sabi.

"Anak ko..." Nanginginig ang boses ni Daddy. Dahan dahan ko idinilat yung mga mata ko. Malabo man pero kitang kita ko kung gaano sila kalungkot.

Nakatayo si Daddy sa may pintuan habang nakakapit sa kanya si Mommy na para bang kapag bumitaw ito ay tutumba ito.

Magulo yung buong kwarto ko. Sirang lamp, duguang bedsheet at carpet, at sa tabi ko yung basag na baso.

"M-Masakit ba?" Pinupunasan ni Ate Maymay yung kamay ko na hindi ko namalayan na may hiwa pala.

Lumapit si Mommy at ipinunas naman sa mukha ko yung dulo ng suot niyang t-shirt. May dugo rin ito.

"Bakit ba namin hinayaang mangyari sa'yo ito, anak?" Sabi ni Daddy habang nakahawak siya sa ulo niya.

Ngumiti nalang ako bago magdilim lahat at bumagsak sa sahig.

------------------------

Ang ganda sana ng moon ngayon kaso wala gaananong stars na kasama ito. Para tuloy ang lungkot niya dun mag isa. Moon and stars. Walang moon kung walang stars at wala ring stars kung walang moon.

Naalala ko tuloy yung gabing nasa parking lot lang kami ni Edward. Nakatingin sa langit. Tahimik ang lahat pero komportable. Tahimik pero alam mong nandiyan lang siya.

"I will always be with you." Bulong niya sa tenga ko bago ako halikan sa pisngi. Humarap ako sa kanya. "I know."

Yumuko siya at napangiti. "You're so beautiful." Namula yung mukha ko. Edward and his compliments. Laging may baon eh.

Savior » k.w. ✔Where stories live. Discover now