Chapter 19

355 34 1
                                    

KISSES

Recap:

"MISS ME?!" SIGAW ni Edward habang papalapit sa akin. Napangiti naman ako.

Pero nawala ang ngiti kong iyon nang makita ko kung sino nasa likuran niya. Lalong ngumisi si Christian na nakalean sa tabi ng counter na kinauupuan ko.

Mabuti nalang at nakatakip yung panyo ni Edward sa ilong at bibig ko. Tanging mga mata ko lang ang makikita. Wala rin naman akong balak tanggalin yung panyo sa mukha ko.

Wala akong balak makilala ni Marco.

Tumigil sila sa harapan ko. Mas matangkad nang kaunti si Marco kay Edward kaya kita niya ako kahit nasa likod siya ni Edward. Nagmeet yung mga mata namin kaya ngumiti lang ito sa akin.

Tatanggalin sana ni Edward yung panyo kaso pinigilan ko siya.

"What?" Tanong niya. Umiling lang ako.

Ipinatong niya sa ulo ko yung towel na may ice sa loob. Napapikit ako. Haaay! Ang lamig!

"Better?" Tumango lang ako.

"Bro, alis muna ako, hanapin ko muna si V." Pagpapaalam ni Marco. Sumenyas lang si Edward gamit yung kamay niya. Nakatingin pa rin sa akin si Edward.

Si Christian naman pinapanood lang kami. Tanging kaming dalawa lang nakakaalam kung ano pwede mangyari.

Hindi ko alam na kaibigan pala ni Edward si Marco. Sure nung una bastos siya pero hindi ko akalain na magkaibigan sila.

Well, ni minsan naman hindi ako isinama ni Marco para ipakilala sa mga friends niya. Paano ko naman malalaman na magkaibigan sila? Teka nga, bakit ko ba iniisip 'to? Wala naman pakialam si Marco kung maging close ako sa isa sa mga kaibigan niya? Diba?

"Kisses, put that down. Let me see if it's still bleeding." Ibinaba ko na yung panyo. Medyo sumilip pa siya.

"You have a booger." Tumatawa niyang sabi. Hinampas ko naman yung braso niya. (A/N: kailangan ko lang talaga iinsert yung kulangot moments nila. HAHAHA!)

Kinuha niya yung nakapatong na towel sa ulo ko at tinapon yung maliliit at tunaw na ice cubes. Ginamit niya yung basang towel panglinis sa ilong ko.

Muntik ko nang makalimutan na nandito nga pala yung kapartner ni salt. "Sup, Barber." Sabi niya. Tulad nung kay Marco, hindi rin siya pinansin ni Edward at nagpatuloy lang ito sa paglinis sa mukha ko.

"Come to the backyard after you guys are done. Nandun sila Aizan." Tumango lang si Edward sa kanya. Bleh! Buti nga! Feeling ko ikaw may pakana ng lahat ito eh.

Iniwan nalang ni Edward yung towel dun sa sink bago ako alalayang bumaba.

"Let's go?" Tanong niya. Inilagay niya yung kamay niya sa waist ko. Na para bang inaalalayan niya ako.

Tinignan ko saglit yung nakapulupot niyang kamay sa beywang ko. Kung anong ikinapula ng mukha, yun naman ikinapula ng tenga niya.

Tatanggalin niya na sana nang bumulong ako, "don't."

Tahimik kaming naglakad palabas ng kitchen. Yayayain ko na sana siyang umuwi.

"Edward. Let's go." Sigaw ni Marco na biglang sumulpot sa side ni Edward.

Pwedeng lamunin ng lupa ngayon na? Naglakad siya papunta sa harap namin ni Edward. Napayuko nalang ako.

"Wala na pala si V. Umuwi na." Sabi niya kay Edward bago tumingin sa akin. "Uy, hello, I'm Mar-" Natigilan siya. Patay na! Nakilala na nga yata ako!

Napapikit ako. Sabihin mo na. Wag mo nang patagalin pa. "Marco." Alam ko. Alam na alam ko. "And you are?" Tumingala ako.

Hindi ko mabasa yung mukha niya. Hindi siya nagulat nung makita yung mukha ko kasi nga nakilala niya na ako kanina pa.

"Kisses." Sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapanggap siyang hindi ako kilala. Hindi ko alam kung laro ba ito sa kanya.

Tumingin siya kay Edward, "Una na ako. Sumunod nalang kayo." Kumindat pa ito sa akin bago maglakad palayo.

"You want to go?"

Kapag nakita niyang wala ako doon, iisipin niyang natatakot ako sa kanya. Kapag umayaw ako, iisipin niyang hindi pa ako nakakaget over sa kanya. Well, kung ganun lang rin, ipamumukha ko na sa kanya na okay na ako. Na hindi na ako nasasaktan. Na hindi na ako umaasa.

Tumango ako. Kasama ko naman si Edward eh. Matatapos rin ang gabing 'to. Pero sa ngayon, kailangan ko muna patunayan sa kanya at sa sarili ko na wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Kung nandito si Ate May ito rin ang sasabihin niya sa akin.

Lumabas na kami. Bigla akong kinilabutan sa lamig. Napansin naman yun ni Edward kaya mas inilapit niya ako sa kanya.

Mas konti yung tao dito kaysa sa loob. May iba akong namumukhaan galing sa school pero karamihan hindi ko nakilala.

Natanaw ko na yung mga kasama ni Marco sa cafeteria nung sinugod siya ni Ate May.

Nakaupo sila paikot sa bonfire. Umupo kami sa mga bakanteng upuan. Tahimik akong nakayuko habang binabati ni Edward yung mga kaibigan niya.

"Uy, Edward!" Sabi nung isang lalaki. Pulang pula mukha niya. Hindi ko alam kung dahil sa hawak niyang inumin o sa babaeng nakakandong sa lap niya.

"Sup, Aizan." Sagot ni Edward.

May dumating naman galing sa likuran namin. Si Christian.

Ngumiti lang ito nang nakakaloko sa akin bago umupo sa tabi ni Marco na katapat ko naman.

"Do I know you?" Tanong ni Aizan. Napatingin naman ako at tama nga ang hula ko. Sa akin siya nakatingin.

Hindi ko na alam ang isasagot ko sa susunod niyang sinabi, "you're that girl. Sa cafeteria sa school. Yung -" Bigla siyang tinapik ni Marco.

"Ikuha mo ako ng corona." Tumingin siya kay Edward. "Edward." Inagaw niya yung hawak ni Aizan at inihagis sa direksyon ni Edward.

Akala ko mahuhulog sa lupa at mababasag yung bote kaya napapikit ako. Pagdilat ko hawak na ni Edward.

Tumayo si Aizan at inakbayan yung babae na kasama niyang pumasok sa loob para kumuha ng maiinom ng mahal na hari.

"Kisses, right?" Biglang sabi ni Christian. Hindi lang ako yung napatingin sa kanya, maski si Edward tumingin sa direksyon niya.

"Are you having fun?" Nakasmirk niyang tanong. Ikaw nga ang kontrabida sa istoryang ito, mamang.

━━━━━━━━━━━━

Author's note

Sorry po sobrang tagal nakapag-update. Sobrang sama lang talaga ng pakiramdam ko. Tagal ko rin nilagnat sumabay pa sa allergy :-(

Babawi ako.

Comment & Vote po tayo!

All the love,
Kielz x









Savior » k.w. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon