Chapter 46

169 16 13
                                    

KISSES

"ANAK, KUMAIN KA na daw." Kumatok si Manang sa pinto ng kwarto ko. "Opo." Sagot ko naman at bumalik sa panonood ng Enchanted.

I remember seeing it for the first time sa cinema tapos hindi na ako nakaget over dito. Lagi ko na siyang pinanood hanggang sa ngayon, nakita ko yung DVD this morning at mas inuna pa ito kaysa sa breakfast.

I know the movie is kinda sad. May papakasalan na siya bago niya ma-meet yung taong mamahalin niya talaga pero dahil hindi siya galing sa mundong ginagalawan nung guy at may masasaktan ding babae, mas pinili niya nalang piliin ang sa tingin niyang tama.

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko at pumasok si Edward. "Tama na 'yan." Sabi niya. Alam ko ang weird kong tignan dahil umiiyak ako tapos bigla akong natawa. Paano ba naman ang weird talaga ng tagalog nito?! Pero okay lang, tanggap ko siya. Mahal ko siya eh.

Napairap ito sa akin bago lumapit sa pwesto ko. Tumalon ito sa kama ko at tumabi sa akin. "You're still watching... that?"

Huminahon na ako sa pagtawa. "I love this movie bakit ba?"

Humarap siya sa akin at kinurot yung pisngi ko. "Three hours ago, nagtweet ka na done na yung movie, ngayon, three minutes in ka pa lang?" Parang hindi ito makapaniwala na inulit ulit ko yung movie.

"Huwag ka ngang judgemental! Hindi mo kasi naiintindihan feels ng isang babae eh!" Tinulak ko siya.

"Feels." Pag ulit niya. "Trust me, I get you. Pero right now, you have to eat. You skipped breakfast daw."

Tumayo siya at hinila yung kamay ko. Wala na akong nagawa kung hindi bumangon sa kama ko. Hay! Naging tatlo parents ko ah?

Pababa na kami ng hagdanan nang umimik ako. "Nandito ka na naman."

"Ayaw mo? Break na tayo." Tumigil ako sa pagbaba.

Tumingala ito sa akin. Mukha namang naguilty ito dahil nakita niya ang pagkagulat sa mukha ko.

Umakyat siya at niyakap ako. "Chill, babe. It was just a joke."

Huminga ako nang malalim bago parang dragon na bumuga ng apoy. "JOKE?! ITULAK KITA DITO PARA MAMATAY KA! YUN ANG JOKE!"

Tinawanan niya lang ako. Bumitaw ako sa kanya at iniwan siya sa hagdan na mag isa tumatawa.

Papasok na ako ng dining area nang maramdaman kong akapin ako ni Edward sa beywang bago bumulong na, "Matagal na akong patay."

With one swift motion, naiharap niya ako sa kanya. "Patay na patay sa'yo."


Tumakbo ako palayo sa kanya at saka nagtitili. Bakit ba? Hindi ko mapigilan yung kilig ko eh!

-------------------

Alas dos na ngayon. Matapos naming kumain ng lunch ni Edward, umakyat kami pabalik sa kwarto para tapusin yung movie.

Nakasandal ako sa balikat ni Edward, yung halos mamaga kong mata nakatutok sa TV. Iyak pa rin ako ng iyak.

"Shhh." Pagpapatahan uli sa akin ni Edward. "Parang bata." Sabi niya.

Hindi ko ito pinansin. Dumating na yung scene na sobra akong naiiyak. Yung ball!

Sumabay ako sa kanta. So Close by Jon McLaughlin. My favorite disney song. Oh walang kokontra!

You're in my arms
And all the world is calm
The music playing on for only two
So close together
And when I'm with you
So close to feeling alive

A life goes by
Romantic dreams will stop
So I bid mine goodbye and never knew
So close was waiting, waiting here with you
And now forever I know
All that I wanted to hold you
So close

Napatingala ako kay Edward nang humikab ito. "Ay sige, ang ganda ng boses mo eh? Ano?"

Hinalikan niya yung noo ko. "Nah, Kisses, I'm just tired."

Actually kanina ko pa napapansin yun eh. Usually, Edward is always well slept. Ngayon parang tutumba siya sa antok at pagod.

Umayos ako ng pwesto at inihiga siya. Hinila naman niya ako sa tabi niya. "Let's take a nap." Anito.

"Okay." Sagot ko.

Agad rin itong napapikit. Ang gwapo niya lalo na kapag tulog. Hindi ko napigilan na idampi yung daliri ko sa plump niyang labi. Para sa akin, lahat ng tungkol sa kanya, mula sa mga mata niya napaka expressive hanggang sa mga bagay na sinasabi niya, perfect. Ang cliché pero para sa akin, simula nang dumating siya, wala nang Kisses kung walang Edward.

Bahagyang gumalaw yung labi niya sa ilalim ng daliri ko. Napangiti ako. Hindi mo iisipin na may mga murang lumalabas sa napakagandang labi na ito.

Inihiga ko yung ulo ko sa dibdib niya at pinakinggan yung tibok ng puso niya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nalungkot. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam kaya bigla akong naluha.

So close
And still so far

-------------------

Author's note

Salamat sa mga nagbabasa! Kung hindi dahil sa inyo, matagal na akong nawalan ng gana isulat ito. At siguro, matagal ko na rin itinigil ang pagsiship sa dalawang ito. Sana bumalik na lahat sa dati kasi miss na miss ko na sila. ☹️ 

Comment & Vote po tayo! Thank you!

All the love,

Kielz x


Savior » k.w. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon