Chapter 10

413 39 7
                                    

KISSES

Hindi na nagtext si Edward pagkauwi namin kahapon galing sa church hanggang ngayon. Okay lang. Hindi naman ako nagrereklamo. Sanay na ako sa mga lalaking walang isang salita.

Monday na ngayon at nakaupo kami ni Ate Maymay sa cafeteria, kakain muna sana kami bago umuwi. "Kainin mo na yang pagkain mo, Sesski. Kukuhain ko yan!" Sabi niya.

"Bakit ba parang matamlay ka?" Tanong niya.

Sinubo ko muna yung lasagna ko bago sumagot, "Baka napagod lang. Buti makakauwi na tayo."

Parang hindi naman siya nakumbinsi kaya tinanong niya ako ulit. "Nag iintay ka sa text ano? Kalma ka lang. Baka busy lang. Diba malapit na matapos yung term? Baka may mga ginagawang requirements lang yun."

Napailing agad ako. Sino inaantay? Hindi ha?

"Sus! Ako malakas feeling ko na ito na para sa'yo eh."

Namula naman ako kaya yumuko ako at nagfocus sa pagkain. "Alam mo, para naman hindi ka masyado mag isip, libre kita sine. May magandang movie ngayon."

"Salamat nalang, Ate May." Sabi ko nang nakangiti. "May tatapusin pa akong requirements."

"Wag ako, Kisses. Galing ako sa inyo kahapon diba? Nagmalaki ka pa nga sa akin na nagawa mo na yung mga naunang binigay sa inyo ng mga profs niyo." Hindi na ako sumagot at bumalik sa pagkain.

"Kung inaalala mo na naman ako, please lang. Wag. May kinita ako sa raket ko nung Saturday. Please lang, hayaan mo na akong ilibre ka oh. Sa isang taon na pagiging magbest friends natin, ni minsan hindi kita nalibre. Puro ako eh ako nga etong pamodel model. Wag mo akong alalahanin." Sabi niya sabay ngiti sa akin. Ano pa nga bang magagawa ko?

"Okay. Basta wag horror. Alam kong favorite mo yun eh." Lalo namang lumaki ngiti niya.

┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄

"Ate Maaaaaay!!!" Pagmamakaawa ko habang nakakapit sa braso niya.

Nang matapos kami kumain sa school eh agad rin kaming dumiretso sa mall. 4:35 palang at ngayon ay nakapila para sa tickets.

"Sige na. Tagal ko nang inaabangan 'to eh." Kumapit naman ako lalo sa braso niya. "Ate May yung rom-com nalang."

"Wag na. Mas maganda 'to promise. Napanood ko yung trailer nito sa youtube eh, ang lupit mapapatalon ka sa takot." Pagmamalaki naman niya. Kaya nga eh! Mapapatalon ako sa takot!

Bumitaw na lang ako at nagcross arms. Marami kaming pinagkaiba ni Ate May kaya kung hindi mo alam na mag bestfriends kami, iisipin mong hindi kami magkukrus ng landas.

Una na sa listahan yung mahilig siya sa horror, ako naman matatakutin. Ay wait, hindi nga pala ako matatakutin kundi matindi lang ang reflexes at mas alert kaysa sa iba.

Speaking of reflexes. "AY DIYOS KO!" Napatalon naman ako nang may humawak sa balikat ko.

"Grabe, Miss, ang pogi ko naman masyado para katakutan mo." Humarap naman ako sa kanya. Kuya, mag snickers ka, you're not you when you're hungry eh.

"Nakapila ka ba?" Tanong nung babaeng kung makakapit kay kuya eh akala mo si Gary V yung kasama niya.

Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin
Kumapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Savior » k.w. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon