Chapter 13

470 41 3
                                    

KISSES

PAIKOT IKOT LANG kami sa school. Hindi ko alam kung bakit kasi hindi naman siya imiimik. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nito o ano.

"Pinagtitripan mo ba ako?" Tanong ko.

Napangiti naman siya. "You talked to me."

"Anong ginagawa mo? Bakit tayo paikot ikot dito?"

"I left my bag." Sabi niya na parang nahihiya.

"Edi kuhain mo." Sagot ko.

"No. If I go back to get it, you will leave and we wouldn't be able to talk."

"Haaaay! Ano ba? Ano ba kasi pag uusapan natin? Magkekwek kwek pa kami ni Ate May eh!" Reklamo ko.

"Basta. Ako nalang magbibili sa'yo nun." Sabi niya na ikinatawa ko naman. Nagulat siya dahil tinawanan ko siya kaya pinatigil niya yung sasakyan at bumalik sa parking lot ng school.

"You laughed! Holy -" Tinignan ko siya nang masama kaya napatigil siya.

"Kuhanin mo na yung bag mo." Utos ko. Para naman matapos na 'to.

"Ayoko. Aalis ka eh." Muntik na naman akong matawa.

"Hindi nga. Sige na. Dito lang ako."

"Promise me."

"Hay ano ba yan?" Tinignan niya lang ako. "Okay sige. Sige. Promise."

Ngumiti siya bago lumabas ng sasakyan. Lumingon siya sa direksyon ko at dinuro ako tapos yung mata niya  na para bang tinatakot niya ako. Kahit hindi niya nakikita magiging reaksyon dahil tinted sa labas, pinigil ko yung tawa ko.

Nang tumalikod na siya at makalayo tinawanan ko na siya. Buang na siya.

Kinuha ko yung cellphone ko para itext sana si Ate Maymay para sabihin na isinama na naman ako ni Edward nang manlaki ang mata ko sa text niya. Enjoy. Anong enjoy?!

Nagtype ako bigla.

Kisses: may alam ka no? sinet up mo ako! anong klase kang kaibigan?!

Ate May: sus! nagdrama ka nanaman! hahahaha! ingat kayo! kapag ikaw may hindi nagustuhan sa ginawa o sinabi sa'yo ng mokong na yan, tawagan mo lang agad ako. luvu

Kisses: talaga lang ha? hahaha! i love you too.

"Who's that?" Tanong ni Edward na papasok na sa sasakyan.

"Ate May." Sabi ko.

Nang makaupo na siya sa driver's seat at mailagay na sa likod yung backpack niya, may inabot siya sa akin.

"Ano yan?"

"Chocolates." Ipinatong niya sa lap ko. Hala siya!

"Eh bukas na 'to eh!" Reklamo ko na parang bata. Agad kong napansin na kalahati nalang ito dahil sa nakafold sa gitna na cover nito.

"That was my snack. I couldn't finish it because its too sweet for my liking. Kaya sa'yo nalang." Napangiti ako. Anong meron sa kanya at nagtatagalog?

Savior » k.w. ✔Where stories live. Discover now