Chapter 30

322 32 4
                                    

KISSES

NAGLALAKAD NA KAMI ngayon ni Edward papunta sa convenience store sa labas ng village. At yes, walang umiimik.

Umubo siya bago magsalita. "Sorry." Sabi niya habang nakayuko. Tumango lang ako bago punasan yung ilong ko.

"Ang awkward natin bakit ganon?" Biro ko. Tumango naman siya. Teka, bakit ka nag agree?

"So," Tumingin ako sa kanya. Ngumuso naman siya sa kamay niya. Gusto pang makipagholding hands.

Ngumiti ako bago ibalik yung panyong hawak ko sa pocket ng jacket ko at hawakan yung kamay niya. Napangiti siya ng malaki.

"What are you getting?" Tanong niya. What am I getting?

"Ice cream, silly." Naging shape ng O yung bibig ko. "I still don't know."

Nakarating na kami sa store. Wala nang masyadong tao dito dahil medyo late na. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Tumakbo ako sa harap ng freezer. Waaaaah! Ice cream! You scream! Harry?

Sobra akong naeexcite! Ngayon nalang ako bibili ulit ng ice cream sa convenience store. Well, ngayon nalang ulit ako napasok dito. So please, pwede lahat?

Agad kong dinampot yung cookies and cream cone at humarap kay Edward.

Nakatitig lang siya sa akin. Actually, parang hindi niya ako kilala.

Lumapit ako at idinikit sa kanya ito. Para siya nabalik sa sarili niya. "Tulala ka."

"Yeah? Uhm... Sorry." Kumuha siya ng ice cream sa gilid ko at hinawakan na yung kamay ko para hilahin papalapit sa counter. Nakatingin sa amin ng masama yung nasa counter. Medyo nasa middle age na rin siya at may mga gray hair. Hala siya!

Pinanood ko lang siya magbayad. Bakit kaya ganun yung tingin niya sa akin kanina? Hindi nung nasa counter kundi si Edward. Parang... I reminded him of someone. Actually, parang may idea na ako.

Inisnap ni Edward yung daliri niya sa harap ko. "Uy." Napaatras naman ako. Reflex. Hindi gulat.

"You get surprised easily." Natatawa niyang sabi. Mahina ko naman na hinampas yung braso niya at bumelat.

Tinaas niya yung plastic bag na hawak niya. "Where do you want to eat this, babe?" Namula naman ako sa pagtawag niya sa akin nun sa harap ng ibang tao.

Lalong sumama yung mukha ni Ate sa likod. Nagcrave tuloy ako sa ampalaya. Si author siguro 'tong nasa counter... Joke!

"Dun nalang." Umupo kami sa isa sa mga table sa labas ng convenience store.

Inabot niya sa akin yung ice cream ko bago niya kuhanin yung kanya at buksan ito.

Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya tumigil siya sa pagdila. "You want me to open yours?"

Pasagot pa lang ako nang kuhain niya ito sa kamay ko at buksan.

"Here." Nginitian ko siya at kinuha ito.

"Uhm... Edward?"

"Yeah?" Okay. This is your chance. Alamin mo kung tama yung nasa isip mo.

"Mahal mo pa ba siya?" Mahina kong tanong.

Tinitigan niya lang ako na para bang nagtataka siya. Hindi pa namin napag usapan si Marco o yung babae noon. Kapag nag uusap kami, yung sa amin lang. Tanging alam ko lang, ex niya iyon na gustong gusto niya makabalikan bago kami... Magkaroon ng feelings para sa isa't isa.

Ganun din kay Marco. Ang alam niya lang nasaktan ako ni Marco. Na pinaasa ako. Bukod doon, wala na. Blanko na kami about sa mga iyon.

"What?" Tanong niya bago bumalik sa pagkain.

"Kasi yung kani ╴"

"You just reminded me of her for split second." Split second?

Napasigh siya. "I realized you're better than her. So much better in every way."

Napayuko ako. "And to answer your question, no. I don't love her anymore. I've been that way for a long time and when you came, you made me realize that. I was only trying to get her back because I thought I love her. Turns out I'm just an egoistic bastard who couldn't accept defeat."

Hinawakan niya yung baba ko at iniharap ako sa kanya. "I love you, Kisses. Don't you ever think otherwise."

Napangiti ako. "I love you too."

Pinisil niya yung pisngi ko. "Not as much as I do."

"Oo kaya."

"Nope."

"Oo kaya!"

Humarap siya sa akin. "Really?" Tumango ako.

Tinuro niya ng index finger niya yung pisngi niya. "Kiss me then." Kiss daw oh!

"Bawal." Sabi ko bago bumalik sa pagdila sa natutunaw ko na palang ice cream.

"Actually, I've come to realization that I still have feelings for her." Napatingin ako sa kanya.

Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya gamit yung isang kamay niya. "Wait, let me call h ╴"

Lumapit ako at hinalikan yung pisngi niya. Napangiti naman siya.

"Good girl. Lips naman." Inirapan ko siya. Ngumisi lang siya bago bumalik sa pagkain niya.

Hampasin kita diyan, Edwardong pagong!

━━━━━━━━━━━━

Author's note

Harooooot! Hanap niyo nga ako kaharutan, inggit me eh hahahahahahaha!

3/4 beeeeeshie!

Follow niyo ako sa twitter ko
kirstensblush 💕

Comment & Vote po tayo!!! ♡

All the love,
Kielz x




Savior » k.w. ✔Where stories live. Discover now