Chapter 29

330 29 6
                                    

KISSES

HINDI AKO MAKAPAGFOCUS sa TV. Nakakatatlong episode na rin kami. Kung magmamath ako, iiestimate ko na yung isang episode ay one hour dahil kadalasan fifty mahigit na minutes. So tatlo, tatlong oras na rin sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Jusko! Edward! Pinapapagod mo puso ko eh.

Inabot niya yung phone niya at tinignan yung oras. Tumingin siya sa akin, yung buhok niya gulo gulo pa tapos yung mukha niya... Kyaaah! Kagwapo!

Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya. Pumatong siya sa akin at pinisil yung pisngi ko. "You're drooling, babe."

Namula naman yung mukha ko nang marealize yung pwesto namin. Tinry ko siyang itulak pero lalo siyang nagpabigat. "Tell me, am I that hot?" Itinukod niya yung mga forearm niya sa magkabilang side ko. Para siyang nakaplank sa ibabaw ko.

"Hangin ha?" Sabi ko. Inilapit niya yung mukha niya sa akin at hinipan ako. "I love you." Bulong niya bago lalong ilapit yung mukha niya. Sobrang lapit.

Biglang bumukas yung pinto kaya naitulak ko si Edward na dahilan para mahulog siya sa sahig. Inayos ni Ate yung salamin niya bago tumingin sa akin at kay Edward na nagmumumura sa sahig.

"Kain na kayo, anak." Tumango ako. Nang makalabas na siya napabuntong hininga naman ako. That was close.

Hindi ko alam kung anong close yung sinasabi ko. Yung mahuli kami ni Ate sa position na yun o yung muntik na madikit yung lips ni Edward sa akin. No, parehas,Kisses parehas.

Tinanggal ko yung kumot at tumayo. Lumapit ako kung nasaan si Edward. "Sorry." Sabi ko bago abutin yung kamay niya.

Hinila niya ako kaya napapatong ako sa ibabaw niya. Niyakap niya ako bago bumulong, "Cute mo." Tumaas naman yung balahibo ko sa batok. Hala siya!

Tumayo siya at inalalayan ako patayo. "Let's go?" Inakbayan niya ako. Kilig siya eh.

┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄

"Kain lang kayo ha? Iwan niyo nalang sa lababo kapag tapos na kayo. Huhugasan ko nalang mamaya." Paalam ni Ate.

Sumubo ako sa pagkain ko. Waaaah! Sarap, caldereta! Namiss ko tuloy bigla si Mommy. Favorite niya 'to eh. Eto yung dahilan kung bakit nainlove si Mommy kay Daddy.

Dire-diretso ako sa pagkain, ang bilis ko tuloy naubos first plate ko. Napatingin nalang ako sa pinggan ko.

"You want more?" Tanong ni Edward na nakatitig na pala sa akin. Tumango ako. Nakakahiya man pero food is life eh.

Napangiti si Edward bago ipaglagay ako ng rice at ulam. Inabot niya ito sa akin.

Tinignan ko yung pinggan. "Ay ang konti." Kisses, ano ulit sabi mo kanina na nakakahiya?
Natawa naman siya. "We're getting ice cream after so save some space, babe."

Kung pwede lang ako maging anime at kumintab yung mata sa narinig ko, baka nagawa ko na. Ice cream daw oh!

"Promise?" Tumango siya. Agad kong inubos yung pagkain ko. Ice cream! Ice cream! Ice cream!

"Hey, no need to rush ╴" Too late, Edwardo. Goodbye world. Heaven, here I come.

Lumakad siya papunta sa akin at itinayo ako. Is he going to perform heimlich maneuver on me? Oops. Okay mukha nga.

Yumakap siya sa akin mula sa likod. Inibend niya ako bago iwrap yung arms niya sa waist ko. Hindi ko alam kung ano yung ikamamatay ko. Yung pagkakachoke ko ba o yung distance namin sa isa't isa? Kung meron pa.

Mamaya maya pa nawala na yung pagkain. Haaaay! I'm alive!

Hindi siguro nakita ni Edward na naibuga ko na yung nakakachoke sa akin kasi tulog pa rin siya sa ginagawa niya.

Para namang uminit yung buong mukha ko. Pulang pula na siguro ako. "Edward?"

"Huh?"

"Okay na."

"Oh." Bumitaw naman siya at napahawak sa buhok.

Napapunas ako sa ilong ko. Dugo ba 'to o sipon? Retreat, Kisses!

Tumingin ako sa pinggan ko at dadamputin sana ito. Naunahan niya ako. Napatawa nalang ako. Kinuha niya iyon at dinala sa kitchen sink.

"Uhm... I will get ready na." Sabi ko. Lumingon siya sa akin at nagthumbs up.

"Uh y-yeah. You go do that."

Awkward namin, ano?

┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄

Dinampot ko yung jacket ko sa ibabaw ng kama ko at isinuot ito sa ibabaw ng tank top ko. Pumasok si Edward ng kwarto.

"Let's go?" Izinipper ko yung jacket ko bago humarap sa kanya. "Okay."

Umiiwas pa rin ako ng tingin sa kanya. Syempre. Grabe totoo pala ang sexual tension!

"We're walking lang ha?" Napatingin ako sa kanya.

"What? Isn't it like ten at night?" Napatawa siya.

"Oh don't worry about that. Your really strong and handsome superman will never leave your side."

Napangiti ako. "Are you flexing?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"No. Ganito na talaga body ko." Ayan na. Ginawa na naman niya. Napailing nalang ako bago tapikin yung braso niya.

"Right."

Napagdesisyunan namin na sa kalapit na convenience store sa labas ng village pumunta.

Ayieee late night date. Kileg, Sesski!

Manahimik ka otor, shige ka.

━━━━━━━━━━━━

Author's note

Away ako ni Kisses 😢
Hehe! Follow niyo sa twitter kirstensblush 💓

Eto na 2/4. Sinulat ko yung una nung may 1 tapos yung tatlo kanina lang. Sabi sa inyo kapag may napasok sa utak ni otor, tsaka lang may maisusulat eh hahahaha!

Comment & Vote po tayo!!! ♡

All the love,
Kielz x

Savior » k.w. ✔Where stories live. Discover now