Chapter 18

450 42 4
                                    

KISSES

NAKAPARK KAMI NGAYON sa harap ng bahay. Naipagpaalam niya na ako kay Daddy na ihahatid at sundo niya na ako kaninang umaga nung sunduin niya ako.

"Thank you, Edward. Pasok na ako." Sabi ko. Hindi niya pa rin ina-unlock yung sasakyan.

"Wait." Sagot niya sabay abot sa isang paper bag sa backseat.

"Here." Sabi niya bago ipatong yung paper bag sa lap ko.

"Ano 'to?" Tiningnan ko siya.

"Your dress. I got it dry-cleaned." Binuksan ko yung paper bag at kinuha yung sundress ko. Kaya pala, wala sa bag ko kagabi kasi hindi ko naiuwi.

"I've checked it already. Blood stain's gone," Tumango ako. Ang sweet naman ni- HINDI PALA. "I even smelled it. It doesn't stink of blo-" Hinampas ko sa kanya yung damit.

"Kadiri ka! Bakit mo aamuyin yun?!" Ngumiti lang siya sa akin.

Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung handkerchief niya na pinahiram sa akin dati.

"Oh. Sorry wala akong time ipa-
dry-clean yan kaya habang naliligo ako, nilabhan ko na. Di ako marunong maglaba so kung may dum-"

"Keep it." Whaaaa?! Akala ko ba may solian ng gamit na nangyayari dito?

"That's my favorite hanky but since you're my new favorite person, I want you to have it." Matutuwa na sana ako sa sinabi niya kaso dinagdagan niya pa, "oh, and in case you miss me, you can sniff this," inagaw niya sa kamay ko yung panyo at ipinunas sa mukha niya. "Here." Sabi niya habang inilalagay sa bag ko.

Hinampas ko ulit siya gamit yung dress ko. "Sira ka talaga!" Tinawanan niya lang ako. Psh!

"Kisses, one of my best mates is throwing a party at his house tomorrow. Wanna come with me?" Pahabol niya nang makalabas ako.

"No."

"Alright, be here at 8." Sabi niya sabay kindat. Dinabugan ko nalang siya nang pinto.

Kainis na 'to! Laging nagtatanong, siya rin naman masusunod!

┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄┄

Friday night

Nang matapos na akong magmakeup tumayo na ako at nagbihis. Kainis yung si Barber eh! Tatanungin tanungin pa ako, isasama rin pala ako kahit ano maging sagot ko.

Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Maganda naman yung suot ko. Nakaplain skinny jeans lang ako at blue na off shoulders top.

Ngumiti ako sa salamin. Ano ba check ka ng check, Kisses! Bakit ka ba kabado? Party lang naman yun.

Umuwi ulit si Mama galing Masbate kaninang hapon lang. Panigurado nausisa na nun yung nag iintay na si Edward sa baba.

Bumaba na ako. Nakaupo siya sa sofa. Nakikipagtawanan sa parents ko. Close agad?

Tumingin siya sa direksyon ko nang mapansin niya ako ngumiti ito nang malaki.

"Hi." Bati niya.

Savior » k.w. ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon