Chapter 43

144 15 4
                                    

KISSES

"WAAAAAAAH! ANG CUTE niya talaga!" Sabi ni Ate May habang nakikipaglaro kay Clark.

"I told you." Pinet ko yung ulo nito. "The cutest." Pagbibaby talk ko pa.

"Pahiram ako." Kinalong niya na ito. Hala!

"Wait lang! Yung pencil ko ngang hiniram mo two years ago 'di mo na binalik. Aso ko pa?!" Pagrarason ko.

Napakamot nalang siya ng ulo. "Natandaan mo pa yun?" Matawa tawa niyang tanong.

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto. "Gooooood morning, ladies." Bati ng bihis na bihis na si Edward.

"Uy, musta?" Sagot ni Ate May.

"Good. You?" Humarap sa akin si Ate May at isinenyas na dudugo ilong niya. "Makaalis na nga." Sabi pa nito.

"Wait lang. We will drop you off nalang." Napatingin ako kay Edward.

"Aalis tayo?" Tanong ko.

"Yeah, unless you want to stay here all day." Agad agad akong tumayo at tumakbo papuntang bathroom. Narinig ko namang nagtawanan silang dalawa.

────────────

"Pssssst! Sesski!" Napadilat ako bigla. "Uuwi na ako. Ingat kayo ha?"

"Shigeee." Sabi ko habang kinukusot yung mata ko. Narinig kong sumara yung pinto ng sasakyan ni Edward.

Kinuha ko sa lap ni Edward si Clark at ako na ang kumalong rito. "Good afternoon poooo, baby." Dinilaan nito yung daliri ko.

Nilakasan ko yung stereo niya. Waaaah! Ed!

Oh, I never knew you were the someone waiting for me

'Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

I will not give you up this time

Sumabay na ako. "Kisses, maawa ka kay Clark."

Kinurot ko yung braso niya. "Ahhhh!! I'm driving!"

"Salbahe ka! Sa harap pa talaga ng anak natin mo ako babastusin!" Tumawa nalang siya.

Hindi ko pinansin yung pagtawa niya sa pagkanta ko at patuloy ko lang ginawa ito.

When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath

But you heard it, darling, you look perfect tonight

Tumayo si Clark sa lap ko at tila ba nakikanta sa akin. Si Edward na kanina eh nagrereklamo, nakisabay na rin.

------------------------

Maya maya pa nakarating na kami sa pupuntahan namin. "What are we doing here?" Tanong ko.

"I like to spoil my wife and kid." Natawa siya. Luh, pakilig si kuya.

Bumaba na siya nang sasakyan at umikot papunta sa side ko para pagbuksan ako.

"Let's go?" Inoffer niya yung kamay niya for me to take. Ngumiti ako at kumapit dito.

-----------------------

WAAAAH! Ang cute nilang lahat! Pinakita ko kay Edward yung mga nakuha kong damit para kay Clark. "Edward, look oh?!"

Binaba ko sa tabi niya yung iba at dinampot yung isa. "Superman!" Parang batang sabi ko.

Pinagtulungan namin isuot ito kay Clark. Medyo malaki yung smallest size kasi puppy pa lang si siya pero hindi naman mukhang matatanggal.

Matapos pa ang ilang minuto at sa dami ng binili namin, natapos din kami. Masayang naglalakad si Clark sa harapan namin habang suot suot yung superman costume niya.

Hindi naman sa nagyayabang ako pero para sa akin si Clark yung pinacute na aso dito. White yung fur niya na may konting brown sa tenga. Shih tzu na princess type siya at may mga nadadaanan kaming may dalang katulad niya pero pinacute pa rin siya. Maybe bias ako pero wala eh, ganun talaga. Pati na rin itong isang kasama ko, nagi-stand out talaga siya kahit saan pumunta. Gwapo eh! Nye landi!

Patuloy lang kami sa paglalakad ng biglang tumigil si Edward. Napatigil na rin ako dahil hawak niya yung kamay ko. "Papagawa tayo ng tag?" Tumango siya bago buksan yung pinto nung store.

"Good afternoon, Ma'am, Sir!" Bati sa amin nung clerk. Bago magland yung mga mata sa akin. Namula yung mukha ko. Is he really checking me out? In front of my boyfriend?

"Yeah hi. Do you do customized tags?" Tanong ni Edward na hindi man lang ngumiti dun sa clerk. Humarang siya sa akin. Boy bakod.

Mukhang napansin naman ito nung clerk kaya napaubo ito at tila kinabahan. "U-Uh y-yes, Sir." Tumingin ito kay Clark. "Sa kanya po ba?"

"No. For my girlfriend. Para malaman nila na akin siya." Para akong pinagpawisan ng malamig. Nakakatakot itong Edward na 'to!

Napakamot ng ulo yung lalaki. "Sorry, Sir! Akala ko po kapatid niyo lang –"

Sasagot pa lang si Edward nang may nagsalita mula sa likuran ko. "Lumabas ka muna, pare." Ni hindi ko man lang naramdaman na bumukas pala yung pinto sa sobrang intense ng atmosphere dito.

"Yes, boss." Sabi nito bago maglakad papunta sa, I assume, a back door?

Humarap ako dito sa boss at parang bigla akong kinain ng lupa. Si... Paulo?

Lumaki ngiti nito. "You're that girl!'

"Yeah –" Si Boy bakod biglang sumabat. "You own this place?" Casual na tanong ni Edward dito.

To be honest, kinabahan ako. Akala ko magkakagulo na. After all, it's Paulo. Heaven's new guy.

Nagulat ako nang kamayan ni Paulo si Edward. "Yeah, bro." Humarap uli ito sa akin. "Sorry about James. Ganun talaga yun, hindi maresist ang malikot na mata. Kapag nakakita ng magandang babae, akala mo aatakihin ng stroke." Natatawa nitong sabi.

Sana hindi nalang siya nagsalita pa. "That's why I don't bring Heaven here with me. Masyadong agaw pansin."

Napatingin ako kay Edward. Wala itong reaksyon. Na para bang sanay na siyang pag usapan si Heaven. Eh ni hindi nga ako naglalakas i-bring up yun sa kanya.

Kinarga ko si Clark at hinila yung kamay ni Edward para lumabas na sana pero hindi ito nagalaw sa pwesto niya. "How much for a customized tag?" Tanong nito.

Binulungan ko siya. "Huwag na, babe."

Natatawang kinamot ni Paulo yung batok niya. "Oo nga pala." I don't know if he's referring to Clark or kay Edward... at Heaven. "Three fifty."

Naglakad ito papalapit sa table at kumuha ng papel. "Here. Write his name."

Lumapit kami ni Edward papalapit sa kanya. Nagsulat na si Edward habang ako busy sa pag iwas ng tingin kay Paulo. Nanadya yata ito eh!

"Pwede niyo hintayin matapos yung tag pero pwede niyo rin balikan –" Walang sabi sabi tumalikod si Edward pagkaabot ng bayad at hinila ako papalabas ng pinto.

Faint lang pero I swear I heard Paulo laughing. Akala niya ba joke 'to?

------------------------

Author's note

Buckle up, ladies and gentlemen, the ride's about to get bumpy. Really bumpy. 😏

Comment  and Vote po tayo please! Kasalanan ang pagiging silent reader! Charot!

All the love,

Kielz x

Savior » k.w. ✔Where stories live. Discover now