Chapter 41:Never Thought

2.2K 183 33
                                    

Chapter 41:Never Thought
~💖~

Mild's POV

Few months later....

After the wedding i thought na magiging masaya na kami, but i was wrong AGAIN.

I never thought na ganito pala ang kahahantungan ng relasyon namin..

Because i love Drei so much,  Nagtitiis ako kahit na nagmumukha na akong martyr.

Malapit na ang kabuwanan ni Sydney, kaya lahat ng oras ni Drei ay nasa kanya. Simula pa nung pagkakasal namin, parang may pader na nakaharang samin ni Drei.

"Jagiya, Kain ka na." Alok ko sa kanya.

"Sorry Nae Sa-rang, but i have to go." Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

Tuluyan na nga syang umalis.

Alam ko naman eh at sanay na ako, palagi syang busy at ang dahilan ay walang iba kundi si Sydney.

Kahit sa pag sabay sakin kumain,  hindi nya magawa. Palagi syang umaalis ng bahay at umuuwi na ng hating gabi.

Panu ko sya makakausap sa tuwing darating sya, pagod sya o di kaya natutulog agad.

Para nga kaming hindi mag asawa eh, sa lahat ng mga mag asawa kami yung walang closure.

Simula ng kinasal kami, bumalik ang dating ako.

Ang dating Mild, na mild sa lahat ng bagay. Yung Mild na mauunawain , mabait at mapagmahal.

Kaya siguro inaabuso ang mga mababait dahil masyadong mahaba ang pasensya nila. Kaya ang mga gago naman ay parang umuutang na higit pa sa five six, dahil walang tubo o interes na binibigay ang mga mababait. Tsk.

Palagi na akong mag isa at wala akong ginagawa masyado, wala rin akong makusap dito sa bahay.

Nakatira kami ngayon sa bahay na pinatayo ni Drei. Kung hindi ako naglilinis ay nanonood lang ako ng TV dito.

Akalain nyo yun, Natiis ko ng ilang buwan. Ang feeling ko nga ay nasa abroad ang asawa ko,  dahil sa distansya naming dalawa.

Hindi ko alam kung kailan pa ako huling nakapag open up ng problema ko kay Drei. Kahit kamustahan o bonding mag asawa wala pa akong na experience.

Mukhang tama nga si Sydney , wala nga kaming magiging happy ending. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na bslang araw ay magiging masaya ulit kami ni Drei.

Panu kaya kung may anak na kami ni Drei, yung ako ngayon ang kasama nya at inaalagaan at nagbibigay inspirasyon  sa kanya araw-araw. Kung sakaling ako kaya yung buntis ngayon, siguro ang saya-saya namin at para kaming one happy family.

~•~

Gabi na at wala pa si Drei,  kumakain ako ngayon mag isa at kausap ko ang sarili ko.

Hinihintay ko sya at nakaupo ako ngayon sa sofa.

Bakit ganito? Parang ako yung kabit sa sitwasyon namin ngayon??

Ako nga ang inuuwian nya pero nasa iba naman ang atensyon nya.

Umuuwi sya pero hindi nya naman ako napapansin o kinakausap man lang.

Bigla namang bumukas ang pinto at niluwa nito si Drei, na pagod at stress ang itsura.

"Ahm, Jagiya  ka--" Naputol yung sasabihin ko at Lalapit sana ako sa kanya para halikan sya sa pisngi.

"Nae Sa-rang, bukas na lang tayo mag usap, pagod na kasi ako gusto ko nang magpahinga." Sabi nya at umakyat na papuntang kwarto.

Parang kumirot ang dibdib ko sa sinabi nya ni hindi nya man lang ako binati, bakit nga hindi pa ako masanay. Palagi namang ganito eh. Wala na syang oras sa kin.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now