Chapter 21:Intruder

2.2K 208 21
                                    

Chapter 21:Intruder
~💖~

Mild's POV

Maghapon kong di pinansin si Drei, kahit na kinukulit nya ako.. Palagi akong nagdadahilan na may gagawin pa ako o mag c-cr ako at kung anu-ano pa para lang maiwasan sya. Pero masisisi nyo ba ako? eh sa nasaktan ako eh.. Ngayon ko lang nalaman na magkaba-bata pala sila at sya pala ang Ex-Girlfriend ni Drei, at masaklap pa sa Oozing ko pa nalaman.. mukhang ayaw ata ni Drei sabihin sa akin. Di ko alam pero parang nai-insecure ako sa tuwing naiisip ko na First love pala ni Drei si Sydney at sya rin ang first heartbreak nito.. kung nauna lang sana akong nakilala ni Drei.. haisst.. ang daming papel ni Sydney sa buhay ni Drei, kung pwede lang na ako na ang pumalit dun.. isa pang nalaman ko ay si Sydney pala ang dahilan kung bakit lumipat ng university si Drei, kasi daw dun nagsimula ang lahat. Psh.

But on the other side nami-miss ko na si Drei, hindi ko talaga sya matiis eh, ako na lang kaya ang bumaba ng pride? Sige na nga ako na, papansinin ko na sya bukas.. kung di ko lang talaga sya mahal eh.. hassst.. sana lang wala ng sumira sa relasyon namin kundi... hmm.. ah.. ahm... ahh basta!

Natulog na ako... because tomorrow is a another day.. haha.

KINABUKASAN...

Pumasok na ako sa university at himala di ako sinundo ng boyfriend ko, isang malaking himala.. kasi ngayon nya palang ako di sinundo simula ng maging kami. Di kaya nagtatampo sya sa akin? kasi di ko sya pinapansin? ganun ba yun? Eh kasalanan nya rin naman ah, bakit rin sya yumakap sa ex nya nang yakapin sya nito? Di kaya mahal nya pa ang ex nya at di pa rin sya nakaka move on.. so rebound lang ako ganun?? Naks naman!grabe ng imagination ko ang tindi.. Sheemz, nakakaloka itetch di ko na keribels!

Malapit na ako sa may room namin ng makita ko si Drei sa labas ng room, agad ko syang nilapitan..

"Drei, pwede ba tayong mag-usap. May imporatante akong sasabihin sayo." Seryosong sabi ko sa kanya. Nabigla naman sya.

"Bakit M-mild, m-makikipag-break ka na ba sa akin? please wag.. please." Nagmamakaawa nyang sabi.

"Haha.. chill Drei, hindi ko yan gagawin. Iba ang sasabihin ko. haha." Natatawang sabi ko sa kanya. Huminga naman sya ng malalim.

"Hindi ka na ba galit?" Tanong nya.

"H-hindi na." Sagot ko sa kanya. Agad nya naman akong niyakap.

"Akala ko hindi mo pa ako mapapatawad." Sabi nya habang nakayakap sa akin.

"Haha, ikaw kasi eh." I pouted at yumakap din sa kanya.

"Alam mo ba na hindi ako nakatulog ng maayos kagabi?  Kasi di mo ako pinapansin maghapon eh." Sabi nya habang nakayakap pa rin sa akin.

"I'm sorry, tinupak kasi ako eh." Sagot ko sa kanya.

"Sorry rin Nae Sa-rang, ako ang may kasalanan ng lahat eh." Paliwanag nya.

"Okay na naman tayo diba?" Dagdag nya pa.

"Kalimutan na natin yung nangyari." Sabi ko at bumitaw na sa yakap nya.

"I love you, Nae Sa-rang." Sabi nya habang hawak ang mukha ko.

"I love you too, My Jagiya." Nakangiting sagot ko sa kanya.

At pumasok na kami ng room na magkahawak kamay.. at lumapit kami sa squad.

"Oy bati na ba ang Yeon-in's (Lovers)?" Tanong ng squad.

"Bati na kami." Sagot ni Drei sabay pakita ng magkahawak kamay namin.

"Ayieeee. Di talaga natiis ang isat-isa." Tawanan nila.

My Bad Ass Girl's Revenge || LisKook FFWhere stories live. Discover now