“Bakit? Sino ka ba?” tanong ko. Iniwas ko din ang balikat ko upang matanggal ang pagkaka-akbay niya. Feeling close.

Inabot naman niya ang kamay niya. “Ay, ako nga pala si—”

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang biglang umalingawngaw ang tinig ni Charlie. “CHAN-CHA—BAKIT NANDITO KA?! ANONG GINAGAWA MO NA NAMAN DITO?!” sigaw ni Charlie nang makita ang lalaki. Magkakilala pala sila. Sabagay, Charlie almost knows everyone.

“Diba family day natin?” tanong ng lalaki pagkaharap kay Charlie. DON’T TELL ME! DI NGA? BAKIT SIYA NANDITO? “Tsaka…” napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sakin.

ANO BA NAMANG BUHAY TO! Please don’t get the wrong impression ha! Hindi ako bitter at matagal ko nang pinalampas ang kaalamang ang lalaking ito ang dahilan kung bakit nabuko ako ni Krystal. Oo, alam kong ito yung pinsan ni Krystal. Maliban sa kaniya, wala namang ibang nirereklamo si Charlie na nakikisingit daw sa pamilya nila.

"Ikaw si Chan-Chan? Ikaw si Sebastian? Si Shan-Shan?! Hahahahaha."

"I-Ikaw yung nagsumbong kay Krystal?"

Tinawanan lang ako ng walanghiya sabay imitate nung ginawa niya sa akin dati. "Are you sure about this my child? Hahahaha."

Na-confirm kong siya nga ang nagsumbong kay Krystal. Bakit ba kelangan naming magkita? Hindi na nga ako bitter sa kaniya diba? Pero siyempre di mo maaalis sa akin ang kagustuhang huwag siyang makita diba? And besides, baka naman alam niyang nagde-date kami ni Krystal. Na Krystal and I are as good as together at balak na namang sirain ng lalaking to kami ni Krystal. No! I can’t let that happen!

Pero ang isang ikinagulat ko, ay ang paghahanap niya kay Louie. Something’s fishy. Interesado siya kay Louie. Mas lalo kong hindi sasabihin sa kaniya ang kinaroroonan ni Louie. I can’t let my bestfriend be with someone na… ah basta. Hindi pwede. I repeat. Hindi ako bitter. Pinoprotektahan ko lang ang kaibigan ko sa… basta. I’m protecting Louie.

“Hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikita si Louie!” sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakatulak ko sa kaniya kay Charlie. Pinapauwi ko kasi sa kanila. Tutal, ‘pamilya’ naman sila.

“WALA NGA SIYA DITO!!!” sabay naming sagot ni Charlie.

Agad ko ding inilabas ang cellphone ko para ma-warning-an si Louie. Hindi dapat sila magkita.

Me:

LOUIE KUNG SAAN KA MAN WAG KA MUNA PUMUNRTAYSBNNAKAJNKL.

Di ko na nareview ang text na sinend ko dahil tumakbo na yung lalaki. Siyempre hinabol namin ni Charlie upang mapigilan. Pero di pa ako nakakalayo ng takbo ay sunod-sunod na text ang narecieve ko. Galing kay Diana, kay Clinton, at saka kay Krystal.

VP_Yana:

Basti, kelangan ka dito sa SC!

A Man's LifeWhere stories live. Discover now