Chapter 34 - Okay.

Zacznij od początku
                                    

Binigyan rin nila ako ng libreng newspaper...

Nakita ko sa newspaper yung date. Sh*t! Friday na nga pala ngayon. Bukas na yung lakad namin papuntang Cebu. Bakit ba ang bilis kasing tumakbo ng oras?! Psh! Yung reservation nga pala namin dun sa resort ay good for 8 persons. Pero si Alexa pa lang yung naimbita ko. Masyado kasi akong na-excite na makasama siya. Amp. Nagkasakit pa ako kaya hindi ko rin naasikaso. 

Sino pa kaya pwede kong isama??

Isip.

Isip.

Isip.

Isip.

Isip.

Kung isasama ko sila Felix, Serg at Pat tapos kung isasama rin ni Alexa yung tatlo niyang kaibigan... sakto!! Walo na kami! Tama! Sila na lang yung iimbitahin ko.

Sigurado ako magugulat yung mga yun pag sinabi ko na bukas na agad yung lakad namin. Sana naman pwede sila. Kadalasan kasi kapag mga weekends na ganito may mga date yung mga yun.

Kailangan ko rin pala talaga silang makausap dahil hindi ko pa nasasabi sa kanila yung tungkol sa pustahan namin. Ang dami na kasing nagyari tapos mula nung natapos yung Ball hindi na ulit kami nagkita ng mga mokong na yun. Hindi ko na kasi itutuloy yung pustahan. Ayoko na. Seryoso na ako sa kanya. Sa resort ko na lang siguro sasabihin sa kanila. Dyahe naman pag dito pa sa phone, baka hindi kami mag-kaintindihan.

Tinawagan ko na yung tatlo. Nagulat sila nung nalaman nila na bukas na yun. Sabi na e!! Pero sa huli, napa-oo ko na rin sila na sumama. Tamang-tama daw kasi, marami daw siguradong chicks dun. Hay naku! mga loko talaga sila..

Hindi ko pa nga rin pala natatawagan si Alexa. Pagdating ko na lang siguro sa condo. Gusto ko kasi talagang magpasalamat sa kanya sa ginawa niya sa akin kahapon. Isa pa, sasabihin ko rin sa kanya na isama niya yung mga kaibigan niya.

Pag labas ko ng fastfood may nakita akong pamilyar na babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya nga yun. Siya yung kaibigan ni Alexa... Ano nga ulit name niya.. R -? Rhe - ? Rhea? Tama! Rhea nga.

Tinawag ko siya at nilapitan ko. Nakilala naman niya ako kaagad at nginitian. Wala siyang kasama, napadaan lang daw kasi siya dito para mag take-out na pagkain. Sinabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa Cebu tapos pinaalam ko na sa kanya na kasama rin si Alexa. Pumayag naman siya kaagad kahit nalaman niya na bukas na yun. Sasabihan na lang din daw niya sila Bunny at Rosel. Yung ata yung dalawa pa ata nilang kabarkada. Nakilala ko na sila before pero hindi pa kasi ako ganun ka-familiar sa names nila.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz