Chapt. 61 So Close

Magsimula sa umpisa
                                    

"Let me." Sabi ni Trevor sabay kuha kay Sally sa mga kamay ko. He carried Sally. Sumali din sa suntukan sina Zion, Nathan at Jasper. Tatalikod na sana ako nang may biglang may lumipad na suntok sakin at muntik na akong masuntok sa pisngi ko, buti nalang umilag nga ako. He instantly grabbed my wrist at ihihila na sana ako sa loob ng van nang hampasin siya bigla ni Andrew ng baseball bat na hindi ko alam kung saan galing. Si Ice naman nakita kong tumakbo patungo kina Trevor leaving me and Andrew.

Napatingin siya sakin at hinila ako sa kanya para yakapin. "Saan ka pumunta?!" May galit sa tono ng boses niya. Yeah, I get it. Nag-alala lang siya sakin. I hugged him tightly. "Akala ko nga ki-kidnapin na kami at hindi na kita makikita ulit eh."

Kumalas siya sa pagyayakap sakin at hinawakan ang mga balikat ko. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag mawala ka. Kapag mawawala kayo ni Sally, mababaliw na siguro kami ni Ice Hyung. Alam mo naman na mahalaga kayo samin diba? Kaya huwag niyo naman ipapahamak ang mga sarili niyo please? Ayaw namin mawala kayo samin." He said, sadness and worry in the tone of his voice. Napakagat ako sa lower lip ko at napayuko. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na umiyak.

Pakiramdam ko na ako pa yung nagpapalapit sa kanya sa kapahamakan. I feel like I'm being a burden to him.

Tinignan niya ako ng seryoso. "What are you thinking?"

"Andrew..." Mahinang sabi ko at napatingin sa mga mata niyang puno ng pag-alala at lungkot. "I feel like I'm being a burden to you. Pakiramdam ko ako pa yung nagpapalapit sayo sa kapahamakan."

"Cass, huwag mong sabihin iyan. You know that's not true. Your not a burden to me. Your my strength and happiness." Napangiti ako sa sinabi niya. Ako daw ang nagpapalakas sa kanya at nagpapasaya sa kanya. Is that even true?

"T-Talaga?" Tumango siya at hinawakan ang mga pisngi ko. Ngumiti siya sakin. Yung rectangle like smile niya. Yung ngiting palagi niyang ginagawa kapag magkasama kami. Yung ngiting genuine. Yung ngiting nagpapangiti din sakin.

"I can't afford to lose you."

"Andr----" Bigla niyang linapit ang mukha niya sa mukha ko at mabilis na hinalikan ang labi ko at tsaka ngumiti ulit na parang bobo. Pero ang tanga ko lang ah, kinikilig ako.

"Poprotektahan kita. Huwag mong subukan umalis sa paningin ko ah? From now on, I'll be watching you. Every move."

"Parang stalker at pervert lang, ganun? My every move? So kapag maliligo ako o magbibihis, your going to watch me, ganun?" Sabi ko habang naka smirk sa kanya. Kita ko yung pagpula ng mga pisngi niya na tila na embarassed siya.

"H-ha? N-No! Wh-what I m-mean i-is yung... Y-yung babantayan k-kita kapag magkasama tayo. Yun yun!" Yumuko siya sa harapan ko at ngumuso na parang bibe. Nagpapacute naman 'tong kupal na alien na 'to. Napabuntong hininga ako at napatingala sa langit. It seems like nothing bad happened to us today.

Napatingin ulit ako kay Andrew na ngayon ay nagpa-puppy eyes at ngumunguso pa din. Hays, his cuteness is my weakness. Lumapit ako sa kanya at kinurot ang dalawang pisngi niya. "Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin Andrew. I'm just teasing you. Tsk, 'to naman." Ngumiti ulit siya.

ICE'S POV

Tumitibok ng mabilis yung puso ko habang lumalakad patungo sa direksiyon nina Trevor. "Hyung..." Tawag sakin ni Nathan nang makita niya ako. Napatingin ako sa hindi gumagalaw na katawan na binubuhat ni Trevor. "Give me." Inabot naman agad ni Trevor si Sally sakin at tsaka ko siya binuhat. "Pupunta ako ng ospital. Mabuti pang umuwi na kayo." Tumakbo na agad ako papunta sa kotse ko at agad sinugod si Sally sa hospital.

_____________

"She's fine. She just need some rest. Pwede mo na siyang iuwi pagkagising niya, sir." Sabi nung nurse sakin. I sighed in relief. I'm glad she's fine.

BAD BOY IN LUVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon