Frozen in a Note
"Wynther, are you ready?"
Napatingin ako sa taong nagsalita at napaawang ng kaunti ang bibig ko nang makita kung sino iyon. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya. He still looks the same as the last time I saw him—three years ago.
Tinitigan ko siyang mabuti. He's wearing a white statement shirt, ripped jeans, and sneakers. He has a red flannel tied to his waist. Ganito ang usual get-up niya every time na magpe-perform siya. He looked so alive compared to the day he laid lifeless on the coffin.
Naramdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng mga mata ko. Napalunok ako bago nanginginig na ibinuka ang mga labi.
"D-dad?" Nauutal kong bigkas gamit ang mahinang boses.
Anong ginagawa niya dito? How can he be standing in front of me right now? He's... gone. There's no way this is real. Am I hallucinating? What the hell is happening?
Inilibot ko ang paningin sa kinaroroonan namin. This place is dark, and may mga tao na naglalakad na parang nagmamadali sila.
Ibinalik ko ang tingin kay Daddy at nakitang nakangiti siya sa akin. My heart tightened at his smile. It's something I've missed, and I'm happy na nakikita ko ulit iyon ngayon.
Marahan niyang tinapik ang balikat ko bago iminuwestra na sundan ko siya. Not fully understanding what's happening, sumunod ako, at nang huminto siya, tumigil din ako.
"Anong nangyayari, Dad?" Hindi ko napigilang tanong nang hindi na ulit siya nagsalita.
Bumaling siya sa akin pero nginitian niya lang ako bago may kung anong gumalaw sa paanan namin. Tinignan ko iyon at nakitang unti-unting umaangat ang tinatapakan namin.
I tried balancing myself at tumingin kay Daddy na parang sanay na sa ganito. He's looking ahead, kaya ginawa ko din iyon once I found my balance. Sa una, puro dilim lang ang nakita ko, pero habang umaangat ang lift, a sea of tiny lights came into view.
Mabilis akong lumingon kay Daddy at nakitang nakatingin siya sa akin.
"Let's make your dreams come true, Wyn," sabi niya bago namuo ang isang ngiti sa mga labi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon pero kasabay noon ang pagtama ng liwanag sa kanya, making it hard to see his face. I had no idea where the light came from, but I panicked as it grew brighter.
"Dad!" I called out, my voice trembling. Pero hindi siya nagsalita. Tawag lang ako nang tawag sa kanya habang patuloy na nilalamon ng liwanag ang buong paligid, kasama siya. I heard a faint ringing echoed in my ears habang pinapanood ko siya. Tumibok din ng mabagal pero mabigat ang puso ko—kagaya na lang noong araw na nalaman kong wala na siya. But this time, it's not as worst as it was. This one is bearable but it doesn't mean, it didn't hurt.
Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko at nagtuloy-tuloy iyon sa pagtulo sa pisngi ko. My father, the man I love so much, is disappearing in front of me again.
I called out for him desperately, pero hindi siya nagsalita hanggang sa tuluyan nang nabalot ng liwanag ang buong paligid. Kasabay noon ang pagmulat ng mga mata ko.
Napasinghap ako at mabilis na umalis sa pagkakahiga. Tinignan ko ang paligid. Hindi na ito kagaya ng kanina. Wala na ako sa lugar kung nasaan si Daddy.
Napatingin ako sa kamay ko ng maramdaman ko ang pagtulo ng kung ano doon. There's a small droplet of water there and that's when I realized that I was crying.
Mabilis kong pinunasan ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata ko.
I know that what happened was a dream. It's something that will never happen because my father is no longer here, but why did I dream of him? It's been a while since the last time he appeared in my dream.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
