Untuned Strings
"Oh. Did something happen? Mukhang badtrip ka." Sabi ni Mommy pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kusina.
Inilapag ko ang mga dalang plastic at humugot ng malalim na hininga. "Someone hit me on my face and the impact caused my phone to break." Nakakunot ang noo kong sinabi at naupo sa upuan sa harap ng counter.
Inaral niya ang mukha ko, probably looking if it has any bruise or wound but I already checked it earlier, and thankfully, there's none. Baka mas lalo lang akong mawala sa mood kung meron.
Nang masigurado niyang okay lang ako ay inilahad niya ang kamay niya. "Let me see your phone." Sabi niya kaya naman kinuha ko ito mula sa bulsa ko at nilagay doon sa kamay niya.
Sinubukan niyang buhayin iyon at napatango siya nang makitang sira talaga ito. Bumaling siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. "Well, I'll just buy you another one. For now, help me with these," sabi niya habang tinuturo ang mga pinamili ko at muling ibinalik sa akin ang phone ko.
Walang kabuhay-buhay akong tumango at tumayo na mula sa pagkakaupo. I cleaned and put the vegetables in containers and placed them in the fridge while my mother prepares our lunch. Nang matapos siya sa pagluluto ay sabay kaming kumain.
"You need to enroll in a school here. May napili ka na ba?" Tanong niya na ikinailing ko.
"Ikaw na mamili ng school ko, Mom. I don't care kahit saan ako mag-aral." Sagot ko at sumubo. Tinitigan niya ako bago marahang tumango at nagpalabas ng hininga.
Kahit saang school naman ako mag-aral ay ayos lang sa akin dahil wala namang magbabago. Mananatili pa din akong walang kaibigan. Nothing will change. I'll still be a loner.
At kagaya nga ng napag-usapan namin, siya na nga ang naghanap ng school na papasukan ko. Hindi ko alam kung ano ang naging basehan niya sa pagpili, pero maganda ang naging desisyon ni Mommy dahil malapit lang iyon sa condo unit na tinutuluyan namin. Walking distance lang kaya pwede kong lakarin iyon.
Tinitigan ko ang unipormeng binili niya sa akin. There are three kinds of uniforms with five sets each. A uniform for physical education-a shirt and shorts and jogging pants. Then a long-sleeve and a short-sleeve button shirt that also has five sets. There are also slacks, a necktie, and a blazer. Ang dami niyang binili. Okay na sa akin ang kahit tag-dalawa lang na set, but she decided to buy a set for the whole week.
Napailing ako at itinuon ang atensyon sa blazer. Mayroon itong mga buttons and the logo of the school placed on the right chest. Then, my attention turned to the neck tie. It has lines on it in a darker shade. Pinanliitan ko ito ng paningin. It looks familiar. I feel like I've seen it before. But if I did, where? Saan ko 'yon nakita? Kakalipat lang namin dito and there's no way I've seen it back at our previous hometown dahil napakalayo noon dito.
Natigil ako sa pagtitig doon sa neck tie nang makarinig ng katok. "Bukas 'yan," sabi ko.
Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy. Binigyan niya ako ng isang ngiti at lumapit sa akin. Tinignan niya ang mga uniporme kong nakalagay sa kama ko at tumayo sa tabi ko.
"Are you ready for tomorrow?" tanong niya na tinanguan ko.
"Of course, Mom." Sagot ko at ibinaling sa kanya ang buong atensyon ko. "You didn't have to buy so many uniforms. Pwede ko namang laban ang mga nasusuot ko na," sabi ko sa kanya, pero nginitian niya lang ako.
"I want to do it for you, Wynther. Let me provide for you," sabi niya at marahan na tinapik ang balikat ko. Wala na akong nagawa kung hindi ang tanguan siya.
With her here, I forgot how focused I was on the neck tie and just spent my time talking to her about school-related things, like if I know what my section is, what room it will be, what building, what time I have to get up, and so on. She even told me to smile when I introduce myself tomorrow in front of the class, and all I did was nod my head.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
