Chapter 22

152 5 0
                                        

The Pause Before the Storm

Time flew in a blur. We busied ourselves reviewing for the exam in the next few days and submitting projects that needed to be passed. We couldn't practice during weekdays because of that, so we made arrangements to practice every weekend. Once the exam ended, we finally had time for more practice sessions, and that's exactly what we did. We were so engrossed in practicing that we didn't even realize the festival was fast approaching.

"Luna! Ang dami mo na namang kinuhang junk food!" sigaw ni Rive, nakakunot ang noo habang nakatitig sa pushcart na punong-puno ng iba't ibang klase ng sitsirya.

Mabilis na kumunot ang noo ng deskmate ko. "Ako na naman nakita mo! Bakit ba sa tuwing pagkain ang usapan, sa akin lagi ang bintang? Hindi lang ako ang matakaw dito, no!"

Bigla niyang itinuro si Elliot, na may yakap na tatlong bote ng soft drinks. "Bakit hindi mo tanungin si Eli? Siya ang naglagay niyan!" reklamo niya.

Sunod-sunod na umiling si Elliot. "H-hindi ako! Hindi ako ang naglagay niyan!" mabilis niyang depensa.

"Ikaw kaya! I saw you putting those earlier habang hindi nakatingin si Rive," sabat ni Zeira habang umiiling.

Sinamaan siya ng tingin ni Elliot. "Snitch!" bulong niya, pero narinig pa rin namin.

Zeira just smirked. "PG." Nang-aasar niyang sabi, na ikinakunot ng noo ni Elliot.

"Anong sabi mo?" inis na tanong ni Elliot at humakbang palapit kay Zeira.

Umiling si Zeira. "Nothing," sagot niya, sabay mabilis na lumayo kay Elliot.

Thank God she did that. Dahil kapag pinatulan pa niyang muli si Elliot, siguradong mauuwi na naman sila sa screaming contest.

"See?" sumbat ng deskmate ko habang nakasimangot.

Napabuntong hininga si Rive. "Ibalik na lang natin 'yung iba. Hindi naman natin mauubos 'to," sabi niya bago bumaling sa deskmate ko.

"Sorry," he said apologetically, pero inirapan lang siya ng deskmate ko at lumapit kay Zeira. She linked their arms together before leaning in to whisper something.

"Hindi natin sila bati, Zeira. Inaaway nila ako," sabi niya nang malakas, halatang pinaparinig kay Rive.

Sinilip kami ni Zeira pero agad ding ibinalik ang atensyon sa deskmate ko nang may sabihin ito sa kanya.

Lumapit naman ako kay Rive at tinulungan siyang ibalik ang ibang junk food na kinuha ni Elliot. Napakadami naman kasi niyang kinuha. Akala mo namang mauubos namin lahat 'to.

"Ang takaw mo talaga, Nizza. Tignan mo 'tong cart natin, punong-puno na. Puro pagkain mo lang naman 'to."

Napatingin ako sa di kalayuan, sa dalawang taong may dalang pushcart na puno rin ng junk food.

She punched the guy's arm. Umaray ang lalaki, pero hindi nawala ang ngiti niya habang nakakunot naman ang noo ng babaeng kasama niya.

Kumunot ang noo ko. That guy looks familiar. I've seen him before. But where?

"Kakilala mo?"

Naalis ang tingin ko sa kanila dahil sa tanong ni Rive. Nakataas ang isa niyang kilay habang hinihintay ang sagot ko.

Umiling ako. I don't know them, but the guy really looks familiar.

Ibinalik ko sa kanila ang tingin ko at pinagmasdan ang magulong buhok ng lalaki na parang bagong gising lang. And that's when it hit me.

He's the guy from the unit next door. Yung nakita ko noong unang araw ko dito.

My first impression of him was that he looked cold, but looking at him now-smiling and laughing while teasing the girl he's with-I can say I was mistaken. His eyes, now so full of life, are completely different from what I saw before. He looks... lighter. More at ease. Like a weight has been lifted off his shoulders.

Strings of MemoryWhere stories live. Discover now