Behind the Beat
"Guys, since we will be having our Christmas break next week, let's plan out our practice sessions." Anunsyo ng deskmate ko.
Nakita ko ang pagtango nina Rive at Elliot, habang si Zeira naman ay natigilan. Ibinaba niya ang hawak na bote ng tubig bago kagatin ang pang ibabang labi.
"Okay. Let's pick the dates and place where we'll have our practice sessions." Patuloy ng deskmate ko.
Mukhang hindi niya napansin ang naging reaksyon ni Zeira, kaya inilapit ko ang sarili ko sa kanya.
"Is everything alright?" tanong ko.
Inangat niya ang tingin sa akin, at kitang-kita ko ang pagkabalisa sa mga mata niya.
"A-ano..." Nauutal niyang sagot.
She's really something. Hindi ko maiwasang isipin kung gaano siya kaiba kapag tumutugtog siya ng gitara.
When we first saw her, she looked so confident and so sure of herself-almost cold-hearted and too full of herself. But if you get to know her on a deeper level, you will realize that she's a shy person. She's almost always anxious about what we think and gets embarrassed easily.
"Hmm?" I murmured, trying to make her feel comfortable enough to say what's on her mind.
"Anong meron?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong nakatingin na ang tatlo sa amin ni Zeira. Rive and Elliot looked confused, while my deskmate had her brows furrowed. Para bang may ginawa kaming mali.
I don't know why, pero napaatras ako nang bahagya kay Zeira. Hindi ko rin alam kung bakit-wala naman akong ginagawang masama-but seeing my deskmate's expression made me do it unconsciously.
Napalunok ako bago nagdesisyong magsalita, lalo na't mukhang walang balak si Zeira na sabihin ang iniisip niya.
"Huwag ka munang mag-decide para sa practice session natin," sabi ko sa deskmate ko.
Tumaas ang kilay niya at pinagkrus ang mga braso. "At bakit?" Mataray niyang tanong.
Kumunot ang noo ko. What's wrong with her? Bakit parang ang init ng ulo niya?
Nakita ko ang pagpipigil ng tawa ni Rive sa gilid. Mukhang alam niya kung bakit ganito umasta ang kaibigan niya, at natatawa pa siya dahil dito.
Napabuga ako ng hininga. "Mukhang may lakad o gagawin si Zeira sa Christmas break. Can't you see how troubled she is?" Kalmado kong sabi.
Napatingin ang deskmate ko kay Zeira, at unti-unting nawala ang pagkakunot ng noo niya nang makita ang ekspresyon nito.
Mabilis siyang lumapit kay Zeira at marahang hinawakan ang balikat nito.
"May gagawin ka ba non, Zeira? Kung meron, pwede naman tayong mag-practice pagkatapos ng bakasyon," sabi niya, this time, in a much softer tone compared to earlier.
Pinaglaruan ni Zeira ang mga daliri niya at hindi makatingin nang diretso sa deskmate ko.
"A-ano kasi... k-kailangan kong magtrabaho sa bakasyon," sagot niya. "Hindi na ako pwedeng umatras kasi nangako ako sa uncle ko na tutulong ako sa beach house nila." Dagdag niyang paliwanag.
YOU ARE READING
Strings of Memory
Teen Fiction"Hating the one thing you love is a pain worse than losing it." - Wynther Fynne Clemenceau Wynther never had a dream-until he heard his father play the bass. In that moment, music became his purpose, his passion, his future. He dreamed of standing o...
