XXXII. An Unexpected Turn of Events.

Start from the beginning
                                    

"Anong tinatayo-tayo mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk. If I didn't know any better, iisipin kong pinaghandaan mo ito." Sabi niya habang unti-unting papalapit sa akin.

"Ready for your wedding gift?" I asked him then smiled seductively.

"Pucha. Kanina pa!" He said as he takes off his shirt hastily.


Three weeks na kami ni Mark na naninirahan dito sa Batangas at mukhang wala na talagang makakakita sa amin dito na alagad ni Papa. Well, sana wala nga dahil gulo lang naman ang maidudulot niya sa peaceful kong buhay ngayon.

Hindi madali ang buhay may-asawa, ngayon ko lang na-realize iyon. Kailangang isa sa inyo ay marunong maglaba para may susuotin kayo sa mga susunod na araw, marunong magluto para mabuhay kayo na hindi kumakalam ang sikmura niyo, marunong maglinis ng bahay para hindi tirhan ng sawa ang love nest niyo at marunong magpasensya sa bawat isa. 

Masasabi kong hindi talaga maiiwasan ang pag-aaway ng mag-asawa. Petty things man iyan o malaking bagay. Pero ang madalas talaga naming pag-awayan namin ni Mark ay ang paglabas-labas ko ng bahay. Baka raw kasi may makakita sa aking tauhan ni Papa. Eh hello? Three weeks na at wala namang umaaligid sa paligid ng bahay namin. Malamang ay sa ibang lugar nila ako hinahanap o tumigil na sila. At isa pa ay mahirap na mag-stay sa loob lang ng bahay! Feeling ko ay nakakulong ako.

Tulad ngayon, tatakasan ko si Mark para mamalengke. Ubos na kasi yung supplies namin na pinadadala nila Zeke. Gusto ko kasing ipagluto si Mark, breakfast in bed sana. Para naman mapatawad niya ako sa kasalananko kagabi. Ako kasi yung nakatoka sa paghuhugas ng plato, pero tinulugan ko. Napapansin ko, lately ay napakamaantukin ko. Dala siguro ito ng stress sa pagtatago. Pero di ko naman feel na stressed out ako. Lagi kaya akong relaxed sa piling ni Mark, lalo na kapag sa gabi!

Matapos kong magbihis ay umupo ako sa kama at lumapit sa lalaking natutulog ng nakahubad, sino pa ba? Edi yung asawa ko! Hinalikan ko siya sa labi. "I love you, Baby. Bye." Hinalikan ko siya ulit.

Gumalaw siya at may kung anong sinabi. Kinabahan ako dahil akala ko ay tuluyan siyang magigising at hindi ko na matutuloy ang pinaplano kong pagpapamper sa kanya sa pag-gising. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalabas ng kwarto. Ini-lock ko ang bahay at gate, naglakad na ako papalabas ng baryo namin at pumara ng tricycle.


"Sa palengke po tayo, Manong." Sabi ko kay Manong. Mga ilang minute rin ay nakarating kami ng maayos sa palengke.

Bumili ako ng mga gulay, baboy, manok at kung anu-ano pang alam ko na mailuluto. Wala pa nga akong ideya kung anong ihahanda ko para sa breakfast in bed ng asawa ko. Bacon and egg kaya? Tuyo? Mag-sangag kaya ako ng kanin? Oo, tama! Tapos mag-titimpla ako ng kapeng barako!

Nakarating ako sa tapat ng bahay at kung tama ang aking pagkakalkula, nakadalawang oras din akong nawala sa bahay. Nako, Panginoon! Hindi sana gising si Mark dahil lagot ako kapag naabutan niya ako sa labas ng bahay! 

Huminga muna ako ng malalim at inilapag ang mga ipinamili ko. Binuksan ko ang gate at nang papasok na ako ay biglang hindi ako nakahinga at dumilim ang paligid.



Nagising ako sa kama na walang katabi. Bigla akong kinabahan. Tumayo ako kaagad at nagbihis. "Mars?" Sumilip muna ako sa banyo bago ako pumasok ng tuluyan. Nagsipilyo muna ako at naghilamos bago lumabas ng kwarto. 

"Mars? Nasaan ka?" Wala pa ring sumasagot. Lalo akong kinabahan, pinakalma ko muna ang sarili ko dahil baka pinagti-tripan lang ako ng asawa ko. 

"MARS!!!" Sigaw ko. Walang lumabas, ni ingay wala akong narinig. 

Sinimulan ko ng libutin ang buong bahay. Nang makumbinsi akong wala nga siya sa loob ng bahay ay lumabas na ako. Bigla akong napahinto sa nakita ko. Parang binuhusan ako ng isang galong nagyeyelong tubig.

Mga supot ng gulay, baboy, manok at isda. At isang tsinelas ni Mars. 

Tumakbo ako sa labas at tinignan ang buong paligid. Walang tao. Walang kahit anong marka ni Mars o kahit ano pa. At mukhang walang nakakita sa buong pangyayari dahil wala ngang tao. Agad-agad akong pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial.

"Hello, Mark? Ang aga mo naman atang tumawag." Halata sa boses ni Zeke na kakagising niya lang.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now