For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Eto na... Nandito na ang araw na pinakaaayaw ko. Bakit at papaano nga ba ako napapayag ni Val na ma-engage at maikasal sa kanya? Oo nga pala... dahil nga pala sa---Ayoko ng alalahanin.



Lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Napaka-iresponsable ko, napaka-selfish ko... sarili ko lang iniisip ko... Masasaktan ko ang mga mahal ko sa buhay kapag hindi ko gagawin ito. Kaya nga hindi ko alam kung blessing in disguise o kamalasan na nakalimutan na ako ni Anna at ang mga nangyari sa amin sa cruise na iyon.



"Ready ka na ba, Anak?" Napatingin ako sa pintuan, nakatayo duon ang Mommy at Daddy ko.

"I don't know, Dad." Bumuntong hininga ako. Kung hindi man ako magiging totoo sa pagdadahilan ko kung bakit ako ikakasal kay Val, magiging totoo na lang ako sa nararamdaman ko.

"Anak, kung hindi ka pa naman ready... Bakit ka nag-propose?" Umupo si Mommy sa kama, katabi ko. Si Daddy naman, nag-stay lang sa pintuan.

"Nabigla din po ako sa nangyari." Napakamot ako sa batok ko. "Tsaka baka paraan na rin to para tuluyan kong makalimutan si Mars." Yumuko ako, nahihiya ako sa pag-amin ko.

"Si Mars pa rin pala ang mahal mo..." Narinig kong sabi ni Daddy, tumango lang ako.

"Anak, hindi ka na namin pakikialaman sa desisyon mo. Malaki ka na, alam mo na ang ginagawa mo." Sabi ni Mommy habang hinihimas ang likuran ko.

"Opo, Mommy. Thank you." Tumango si Mommy at tumigil sa paghimas ng likuran ko.

"Pero, Anak... Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit hindi mo siya pinakilala sa amin bago ka nag-propose sa kanya." Napatingin ako sa mukha ni Mommy, nakasimangot siya. Nagtatampo.

"Sorry, Mommy. Pero katulad nga po ng sinabi ko, nabigla din po ako sa nangyari."Pag-eexplain ko. "Makikilala niyo naman po siya mamaya." Tumayo si Mommy at tumabi kay Daddy sa pintuan.

"Ay, ewan ko sa'yo, Anak. Mauuna na kami ng Daddy mo." She smiled at me.

"Wag ka ng magtampo sa anak mo, Hon. Magtiwala na lang tayo sa napiling pakasalanan ni Mark, mabait naman siguro iyon." Sabi ni Daddy habang inaalalayan sa paglalakad si Mommy.


Mabait? Kung alam niyo lang, Dad... Kung alam niyo lang...



Kanina pa nagsimula ang engagement party namin ni Valerie. Ipinakilala kaming dalawa, may nag-abala pang gumawa ng power point tungkol sa pagsasama namin at syempre, ipinakilala ko siya sa parents ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano dahil pakiramdam ko ay iba ang ine-expect ng Mommy ko. Si Daddy naman, tama lang ang pagtrato niya kay Val. Parehas naman nilang wi-nelcome sa pamilya si Val.



Akala ko hindi na siya dadating... Ang ganda niya, lumulutang ang kagandahan niya sa party na ito. Pero ngayong nakita ko siya, parang mas gugustuhin ko pang hindi na lang siya pumunta kung ganyan siya kaganda at kung kasama niya yang si Rico. Parang ipinapamukha niya lang sa akin na... ito yung mawawala sa akin ngayong nakatakda na akong ikasal kay Valerie.


Lalapitan ko sana siya ng biglang may humila sa braso ko, si Valerie.

"Wag kang magkakamaling lumapit sa kanya nang hindi mo ako kasama." She glared at me.

Humarap ako ng tuluyan sa kanya. "Ayan, hindi na. Masaya ka na?" I said, sardonically.

"I want us to dance." She said, wrapping her arms around my shoulders.

"Bakit hindi ka magsayaw mag-isa mo?" I said, irritated.

"Unlike you, hindi ko gugustuhing tumayo lang dito at magmukhang tanga." I gave up resisting her and started swaying her.

"Sinasayaw na kita. Masaya ka na? Pwede na ba kitang iwan?" Umiling siya at mukhang may naka kuha ng atensyon niya. Tinignan ko rin ito at sana hindi ko na lang ito ginawa.

"Tignan mo sila, Mark." Nginuso niya sila Anna at Rico na nagsasayaw rin. "Bagay sila no? Tulad natin." Napatingin ako sa kanya.

"Nababaliw ka na talaga." Hindi niya ako pinansin at nakatingin pa rin siya sa kanila, tinignan ko rin silang dalawa.

"Sa tingin mo, ilang buwan na lang kaya bago sagutin ni Anna si Rico?" She asked.

Hindi ako umimik. Pinipigilan ko kasing hindi sakalin itong babaeng 'pakakasalan' ko. "Oh look! Mukhang may binubulong si Rico na ikinatutuwa ni Anna." Napatingin ulit ako sa kanila.


Ngayon, hindi lang si Val ang gusto kong sakalin kundi pati na rin si Rico. Ako lang ang may karapatang bumulong ng ganyan kay Anna! Ako lang ang may karapatang sumayaw sa kanya ng ganyan! Ako lang ang may karapatan kay Anna!


"Nakakagigil no?" Tinignan ko ng masama si Val.

"Ganyan ka ba talaga kasama?" Tinaas niya yung kaliwang kilay niya. "Sumasaya ka sa pagiging miserable ng iba?" I asked her.

"Hindi naman. Pero ipapaalala ko lang sa'yo, Mark. Ikaw ang unang nagkasala sa ating dalawa, ikaw unang may ginawang hindi maganda at ikaw ang may responsibilidad sa ating dalawa!" She smirked. God, I want to slap that smirk away from her face!

Binitawan ko siya at nagsimulang lumakad palayo sa kanya. Hinila niya yung braso ko."Where do you think you're going?" Tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sa braso ko.

"Sa impyerno, gusto mong mauna?" Hindi ko na inantay pa ang sagot niya at iniwan ko na siya duon.



That witch. Mabuti na lang at napigilan kong maghalo ang inis, galit at selos ko... kundi, hindi ko na alam kung anong nangyari sa kanya ngayon.

Mas mabuti na siguro itong tahimik na lang akong uminom dito at panuorin ko na lang siyang magsaya. Mas okay na itong pinapanuod ko silang dalawa kaysa kasama ko si Valerie na nang-iinis pa.

"Pare! Congrats!" Napatingin ako sa tumabi sa akin.

"Zeke! Ikaw pala 'yan, Pare! Long time, no see!" Bati ko sa kanya.

"Oo nga, Pare. Hindi ko alam na ito pala ang pinagkaka-busy-han mo. Ikakasal ka na!" Tuwang-tuwa si Zeke.

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Pero, Pare. Tapatin mo nga ako, nakamove-on ka na ba?" Napangiti ako sa tanong niya.

"Oo ata." Naguluhan siya sa sagot ko.

"Pare, is it just me or LQ kayo or something ng fiancee mo? Kasi the way you look at her, parang hindi siya yung nakapagpa-move on sa'yo." Napailing ako ngumiti.

"Hindi nga siya." Kumunot na ang mukha ni Zeke sa pagtataka.

"Baka gusto mong i-explain sa akin 'yan." Pinaliwanag ko lahat kay Zeke at nagulat siya sa mga ibinunyag ko sa kanya.



"Grabe. Nabigla ako dun." Mukha ngang hindi siya makapaniwala. "Pero kasalanan mo rin kasi. Kung hindi ka atat and all, hindi sana mangyayari 'to." He said as he pat my back.

"Alam ko, kaya nga inaako ko na yung responisibilidad ko." Tumango siya.

"Sana lang ay tama nga ang ginagawa mo. Pero nandito lang ako sa likuran mo, Pare. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo." He pat my back again.

"Salamat, Pare."




Nasaan ba ang CR? Kanina pa ako naghahagilap ng CR pero wala pa rin akong mahanap! Kanina pa ako tinatawag ng kalikasan at kinakailangan ko ng mag-retouch.


In fairness, ang ganda ng engagement party nila Sir Mark at Miss Val. Talagang binonggahan ang yung party, pinagkagastusan talaga.



Sana one day, maranasan ko lahat ng ito...



Nagulat ako ng biglang may humila sa akin habang hinahanap ko yung CR. Hindi ko alam kung bakit pero biglang lumakas yung tibok ng puso ko nang makita ko kung sino ang humila at nag-trap sa akin sa pader.


"S-Sir Mark?" Mukhang may tama siya, kanina ko pa siya nakitang umiinom. "Okay lang po ba kayo, Sir?" Nakatitig lang siya sa akin.

"I'm sorry, Anna." Nagtaka naman ako sa paghingi niya ng tawad.

Tatangungin ko sana siya kung bakit siya humihingi ng tawad ng bigla niya akong halikan sa labi. At sa sobrang gulat ko, hindi ako nakagalaw. Patuloy pa rin siya sa paghalik sa labi ko hanggang sa bumigay na rin ako at hinalikan ko na si Sir Mark.



Oh my God, what am I doing? Bakit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko?



Tumigil ako sa pagganti sa halik niya at tinulak ko siya. Hindi siya tumigil kaya nung tinulak ko ulit siya, sinampal ko siya.


"What the hell, Sir?!" I asked him.

"I--aah... I'm----" He tried to get close but I shoved him.

"Wag kang lalapit sakin!" I said as I try to go away. "What we did was wrong, Sir! Wag ka ng lalapit sakin, please!" I pleaded.


He was stuck on his feet, his pained expression somehow kills me. I looked away and there I saw the fricking CR. I ran towards it and I closed and locked the door when I got in.



What will happen now?

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!