Nagising ako di lang dahil sa sakit ng ulo ko kundi dahil din sa katawang nakapulupot sa akin. Nako, patay ako nito kung estudyante ko ang nakasiping ko. Tsk. Oras na rin siguro para gisingin siya para magkaintindihan kami na ang lahat ng ito ay isang  
one-night-stand lang at hinding-hindi na mauulit.  Gigisingin ko na sana siya ng makita kong pamilyar siya. Hindi siya si Valerie, at maaari ngang estudyante ko siya!

"Mark?" Halos lumuwa yung mata ko ng marinig ang boses niya kahit garalgal ito dahil sa matagal na hindi pagkakagamit dahil sa pagtulog.


May nangyari sa amin ni Anna? Paano? Bakit? 

Sinubukan kong alalahanin lahat ng nangyari kagabi. Para kaming sumasayaw dahil sabay na sabay gumalaw. Parang musika sa aking tenga kapag naririnig kong binibigkas niya ang aking pangalan. Ang mukha niyang kontento sa sensasyong napapala niya. Ang mga  
matang kulay tsokolate na punong-puno ng pagnanasa at ng isang bagay na hindi ko matukoy pero napakagandang tignan sa kanyang mga mata.


Good Lord. We did have sex. Ang daming tanong sa isip ko, ang gulo-gulo ng mga nangyayari. Ano ba tong napasok kong gulo na naman?! 

Gumamit ba kami ng proteksyon?

Ako ba ang nakauna sa kanya?

Anong reaksyon ang makukuha ko sa kanya?

Sinong nag-initiate?

Kung ako, paano ko siya napapayag?

Kung siya, bakit? Bakit niya ginawa to?

May nararamdaman na ba siya sa akin?

Paano ang magiging relasyon namin sa loob at labas ng eskuwelahan?

Mauulit ba ito?

Magre-resign na ba ako?

Anong gagawin ko?!



"Mark!" Bumalik yung atensyon ko sa kanya. Medyo nainis ako dahil sa pagsigaw niya, ang sakit sa ulo eh. Lecheng hangover!

"Uh. Sorry. Na-space out lang." After kong sumagot, hindi na siya nagsalita. Which only means, AWKWARD  
SILENCE.

"Uhm, Anna. What the hell happened?!" Nabigla ata siya sa tanong ko kaya napakapit siya sa kumot na nakapulupot sa katawan niya.

"Err... We had sex?" Napailing ako.

"Ako ba ang nakauna sa'yo?" Namula siya bigla.

"I guess so." Tinignan ko naman siya na parang tinubuan siya ng isa pang ulo.

Hinila ko yung kumot na tumatakip sa amin, napatili naman siya dahil dun. "Wag kang maingay! Mamaya may makarinig sa'yo, mahuhuli tayo! Parehas tayong patay!"Yumuko lang siya.

"Bakit ba kasi hinila mo yung kumot?" Napabuntong hininga ako. This is why I hate 'morning afters'.

"Tinitignan ko kung may dugo yung kama, para malaman ko kung ako nga ang nakauna sa'yo o baka nagsisinungaling ka. And why act so virginal? May nangyari na sa atin, malamang nakita ko na lahat yan. Wala ka ng matatago pa sa akin." Tumalas naman ang tingin niya sa akin.

"Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo about sa virginity ko? IKAW ANG NAKAUNA SA AKI---mpf!" Hindi na naman niya napigilang mapasigaw kaya tinakpan ko yung bibig niya.

"Hindi ba't sinabi ko ng wag kang maingay?! At malay ko sa'yo! Hindi naman ako ang nakauna sa'yo, wala namang dugo sa kama para patunayang ako nga ang nakauna sa'yo." Napatayo siya at pinulot lahat ng damit niya sa sahig.

"My God. I can't believe this! Ganyan ka ba talaga?! Pagkatapos mong makuha ang gusto mo sa babae, parang  basura mo na sila tratuhin? Ang tanga ko talaga at nagpauto ako sa'yo. Wala kang kwenta!" Bumaon sa dibdib ko yung  
sinabi niya. Tama nga siya, mali yung pagtrato ko sa kanya ngayong umaga samantalang may nangyari sa amin. Hindi naman ako ganito eh!

Nag-umpisa na siyang magbihis. Nilapitan ko siya, nagulat ako ng sapakin niya yung dibdib ko. "Layuan mo nga ako!"Napansin kong umiiyak na siya. Kaya kahit anong suntok niya sa akin, niyakap ko siya.

"Sorry na. Hindi naman ako ganito eh. Madami lang talagang gumugulo sa isip ko kaya nasungitan kita. Sorry na, Anna." Hindi siya umimik, iyak lang siya ng iyak. Inupo ko siya sa kama habang yakap ko siya. 

"Ganun ba talaga yun? Kapag walang dugo, hindi talaga virgin?" Tanong niya habang umiiyak pa rin at nakayakap sa akin.

"Based on experience at oo, sabi nila." Umiyak siya lalo.

"Ikaw naman talaga ang nakauna sa akin! Katawan ko to, alam kong ikaw pa lang ang unang nakagalaw sakin. Hindi naman siguro lahat magkakapareho? May iba naman sigurong hindi rin dinugo nung first time?" Tama nga naman siya.

"Siguro nga at baka kasama ka dun. Pasensya ka na talaga ah?" Inangat niya yung ulo niya. Namumugto at  
namumula yung mga mata niya, magulo at nasa kung saang-saang direksyon na ang buhok niya... but I've never seen someone this beautiful in my entire life.

But other than her face, I was distracted by her chest. Not because of its nakedness, but because of the three moles that looked exactly like Mars'.

I was about to ask her about the moles on her chest when her cellphone rang. 

"Sht. Please wag si Mama." She said while fishing through her purse.

Sinagot niya yung cellphone niya, habang kausap niya yung nasa kabilang linya ay pinagpatuloy na niya yung pagbibihis niya. Ginaya ko na rin siya, kinolekta ko na yung mga damit ko sa sahig. Kinuha ko yung tuwalya at pinulupot sa lower part ng katawan ko. After niyang makipag-usap at magbihis, umupo ulit siya sa kama.

"What now? Ano nang gagawin natin?" Napatingin ako sa kanya.

"I don't know. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin sa ganitong sitwasyon." Napayuko siya.

"Siguro kailangan na muna nating hindi magkita hanggat di pa natin naso-sort out yung mga nararamdaman natin at yung mga gumugulo sa isip natin. What do you think?" Nagkatinginan kaming dalawa.

"Tama ka. Pag-usapan na lang natin to kapag parehas na tayong ready." Tumango siya sabay tumayo.

"Babalik na ako sa cabin namin." Hinatid ko siya sa pintuan, sinilip ko muna sa labas kung may tao. Nang makita kong clear naman, sinabi ko ng pwede na siyang lumabas.

"Bye, Mark." Hindi pa siya nakakalayo ng hilahin ko siya pabalik sa akin.   
"Bakit?"
 Hindi ako nagsalita, hinalikan ko na lang siya.



At pumasok sa isipan ko yung babaeng nakagintong maskara nung masquerade.




"Saan ka natulog kagabi?" Bungad sa akin ni Maggie ng pumasok ako sa cabin namin.

"Pwede mamaya na tayo mag-usap, Maggie? Gusto ko munang maligo." Siya yung tumawag sakin kanina habang nag-uusap kami ni Mark about... samin. Tinawagan niya ako kasi nag-aalala na daw siya ng hindi ako natulog sa cabin, tinanong niya pa ako kung saan ako natulog pero hindi ko siya sinagot. Yan tuloy, kinukulit na niya ako ngayong pagdating ko.

Tumayo siya sa kama at nilapitan ako. Nakakapagtaka lang ng amoy-amoyin niya ako. "Holy crap. Bakit amoy lalaki ka?!"HA? Pano niya naman nasabing 'lalaki' yung amoy ko. Ganun ba ako kabaho?

"Amoy lalaki? Kailangan ko na talaga maligo kung ganun ako kabaho!" Papunta na sana ako ng banyo ng hilahin niya ako.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! What I mean is... amoy sex ka." Nanlaki naman ang mata ko.

"Paano mo naman nasabi yan?!" Tanong ko sa kanya. Medyo nag-panic ako at medyo nagtataka rin.

"Duh. Sa ating dalawa, ako ang liberated pero ikaw ang may naka one night stand ngayong gabi! Mag-explain ka dali!" Hinila niya ako papunta sa kama ko at pinaupo niya ako habang naglalakad siya ng pabalik-balik.

"Anong ie-explain ko? Wala akong dapat i-explain sayo, Maggie. Please, gusto ko ng maligo tapos kumain tapos matulog ulit." Tinitigan niya ako ng maigi.

"Bakit ba ayaw mong sabihin? Naguguluhan ka ba sa mga nangyayari? Kaya naman nating harapin ng sabay yang confusion mo eh, sabay nating tutukuyin yan."Yumuko ako.

"Bilang best friend ko, Maggie, kilala na kita. Isa ka sa mga pinaka judgmental na tao sa lahat ng nakilala ko. Kaya wag ka sanang ma-offend kung ayokong sabihin sayo dahil ayokong i-judge mo ako." Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"No, I want to know. Bilang bestfriend mo, hindi kita ija-judge. Hindi ako mangingialam sa magiging desisyon mo, susuportahan lang kita. Please, Maggie?" Umiling ako.

"Wag na, Maggie. Please." Nagulat ako ng hawakan niya yung magkabilang pisngi ko at tinitigan niya ako, seryoso na talaga siya.

"Riri, bestfriend mo ako diba? Ako dapat ang nakakaintindi sayo, ako dapat nakakaalam ng lahat tungkol sayo at  
sa mga sikreto mo bago ang iba pero bakit ganito? Pinagtataguan mo na ako. Hindi mo na ba ako best friend?"
 Binitawan niya yung mukha ko at pinunasan ang sariling luha.

"Fine. I'll tell you everything but you have to promise, hindi ito makakarating sa iba lalo na sa parents ko."Tumango siya at ngumiti.

"Promise yan, best friend." Huminga ako ng malalim.

"I'm falling for... Sir Mark." Nanlaki yung mata niya. "At may nangyari sa amin kagabi." She gasped.

"What the hell, Riri?!" Napapikit ako sa reaksyon niya.

"See? Kaya ko ayaw sabihin yung nangyayari sa buhay ko dahil alam kong ganyan ang magiging reaksyon mo."Natahimik siya. Naalala niya ata yung sinabi niya kanina na hindi siya magiging judgmental.

"Sorry. Hindi lang ako makapaniwala na after everything he did, nahulog ka pa rin sa kanya. At ang bilis!" Bumuntong hininga ako.

"Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, I just found myself falling for him. He's a nice guy, you know." She rolled her eyes.

"If he's a nice guy, bat hinayaan niyang may mangyari sa inyong dalawa? Hello?! Estudyante ka niya!" Napakamot ako sa batok ko.

"I don't know, okay? May kasalanan rin naman ako sa lahat ng nangyayari eh, tsaka hindi lang naman ako ang naguguluhan. Pati din naman siya." What I said caught her attention.

"Anong ibig mong sabihin?" Inexplain ko sa kanya lahat. Simula sa umpisa, pati na rin yung sa masquerade, yung sa sundeck at yung sa kwarto niya. Medyo naliwanagan na daw siya pero it doesn't mean daw na 100% na ang tiwala niya kay Mark.

"And best friend, you have to know something." Sinabi ko sa kanya yung nangyari sa infirmary. I  
know I wasn't supposed to tell anyone about my condition pero best friend ko naman siya at I don't see any reasons why she'd tell my parents about my new discovery.

"Oh my God, they're so mean! Good thing andyan yang si Dr K!" Unang reaksyon niya. Nag-isip siya saglit at lumuwa yung mata niya. "Hey, Riri. Hindi mo naisip na yung sinasabi ni Sir Mark?"  
Tinignan ko siya, anong ibig niyang sabihin?

"Anong ibig mong sabihin?" Anong tungkol sa sinabi ni Mark?

"Na baka ikaw nga yung ex-girlfriend niya?" Napasinghap ako. Kung magsisinungaling sa akin ang parents ko, may posibilidad na baka ako nga yung Mars na tinutukoy niya. Pero...

"Pero... 7 years older sila sa akin. Paanong nabaliktad nila ang age ko kung ganun? So kung totoo nga yun, 24-26 years old na dapat ako? My God, 19 years old lang ako no!" Ano ba talagang totoo?!

"Riri, ang gulo-gulo na. Ano ng gagawin mo nyan?"Napayuko ako, nagbabadyang bumagsak ang mga luha ko.

"I don't know what to do, Maggie. Hirap na hirap na ako."Niyakap niya naman ako.

"Sasamahan kita sa pagsubok na to, Riri. Hindi ka mag-iisa, tandaan mo iyan. Kakayanin mo to! Malalaman mo rin kung sino ka talaga." This time, umiyak na talaga ako. Salamat naman at hindi ako mag-iisa sa laban kong ito.

Humiwalay ako sa pagkakayakap naming dalawa. "Promise 'yan ah?" Tumango siya.

"Peksman! Promise!" Natawa ako sa sinabi niya at tinaas niya pa talaga ang kanang kamay niya.

"Kahit most of the time kay Mark ko ang makukuha ng sagot?" Napasimangot siya.

"Fine. Tsaka, after what you said, narealize kong may basehan pala lahat ng sinasabi niya."  
Napangiti ako.

"Now that's my girl!" Nagtawanan kaming dalawa. "So anong first step natin?" Nag-isip siya saglit. Bigla siyang napangiti.

"Maligo ka muna! Ang baho mo na!" Tawa siya ng tawa. Sinimangutan ko siya, pinigil na niya yung pagtawa niya at nagseryoso na ulit. "Kailangan nating mag-research about sa Mars na yan. Kailangan mong malaman  
full name niya, lahat ng information na kakailanganin natin dapat makuha mo. Baka kapag nalaman natin yung mga yun, may maalala ka or something."
 Nginitian ko siya, ngiting nagpapahiwatig ng pasasalamat.

"Thank you, best friend. Kung wala ka, baka tumalon na ako sa barkong to. Sorry din pala sa paninigaw ko sa'yo kahapon." This time, siya naman ang ngumiti.

"Wag mo ng alalahanin yun. Naiintindihan na kita. Tsaka, ang babaw din ng pinag-awayan natin. Aksaya lang ng panahon kung di pa ulit tayo magpapansinan." I really love her! Para ko na siyang kapatid.


Speaking of kapatid. May kapatid kaya ako?

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!