I. Seven Years After Leaving.

398K 6.9K 1.7K
                                    

"Ladies and gentlemen, we have arrived to our destination, Ninoy Aquino International Airport, Manila," the head stewardess said as she spoke. "For those of you visiting, mabuhay! We hope you enjoy your stay. For those of you returning to the Philippines, welcome home."


Napangiti ako sa narinig ko. Finally, nakarating na rin ako. After seven years na hindi ako nakauwi dito kahit bakasyon! Finally, malaya na akong balikan yung babaeng pinakamamahal ko!  Marami akong pinagsisihan sa pitong taon na nahiwalay ako sa kanya, unang-una duon ay ang hindi pagko-communicate sa kanya. Marami kasing nangyari sa California na ako mismo, hindi ko inasahang mangyayari. Araw-araw akong stress, walang araw na nakapagrelax ako. Well, meron naman pero yun yung mga gabing iniisip kong malapit ko na rin siyang makita ulit. Siya ang motivation ko para magsipag lalo sa pag-aaral, siya na ang buhay ko eh. May magagawa pa ba ako dun? 



"Welcome home, Sir." Sabi ni Mang Jose habang nakangiti sa pagsalubong sakin.

"Mang Jose! Namiss ko kayo!" Nagulat siya ng yakapin ko siya.

"Sir, sabi po ni Senator pasensya na daw at hindi niya kayo nasundo ngayon." Tumango lang ako, tanggap ko naman na yun. Lango na sa trabaho yung tatay ko. Tsk. Oo, senator na nga si Daddy. Lakas niya no? 

"Manong, pwede ba tayong dumaan saglit kila Mars? Natatandaan niyo po ba yung way papunta sa kanila?"Mukhang nagulat si Mang Jose, nagtataka.

"Sir... Hindi niyo pa po ba alam---" Nagring bigla yung phone ko.

"Saglit lang, Mang Jose. Tumatawag si Papa." Sabi ko habang nakatingin sa phone.

"Hello, Dad? Bat ka pa tumawag dito sa international kong number?" Aksayado talaga sa pera tong tatay ko. Tsk.

"Hayaan mo na, anak. Kasama ko na ang Mommy mo, dumiretso ka na raw dito sa bahay. Bilisan mo, wag ka ng pumunta pa sa ibang lugar." ANO BA YAN!

"Eh Dad, sasadya muna ako kila M---" Pinutol niya naman yung sasabihin ko.

"Ano ka ba? Pagbigyan mo naman ang Mommy mo at umuwi ka na agad dito. May iaanounce kami sa'yo."Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Sige na, sige na. Papunta na ako dyan sa bahay."Naiimagine kong nakangiti si Daddy ngayon dahil natalo niya na naman ako.


Hindi ko napansing nailagay na pala ni Mang Jose yung mga gamit ko sa trunk ng kotse namin. Pinagbuksan niya na ako ng pinto ng kotse, pumasok na ako.


BUMMER. Excited pa naman akong makita siya! Paniguradong mahaba-habang eksplinasyon ang sasabihin ko sa kanya. Baka nga may boyfriend ng iba yun. Wag naman sana, sabi niya aantayin niya ako eh. 




Pagbukas ko ng pintuan, gumulat sakin ang ang mahahalagang tao sa buhay ko. Lahat sila, sumigaw ng "WELCOME HOME, MARK!" Napangiti ako. Andito si Mommy, Daddy, ilan sa mga Tito at Tita ko, mga pinsan ko. Mga dati kong teammates, si Zeke pero wala si Mars. 


Niyakap nila ako isa-isa. Nung turn na ni Zeke, ang higpit ng yakap sakin. "Pare, namiss kita!" Tawa siya ng tawa.

"Pare, bakit wala dito si Mars?" Nagulat siya sa sinabi ko. Ano bang meron?! Kanina ko pa to napapansin ah?

"Ah-eh. Pare, mamaya na lang natin pag-usapan. Magcelebrate muna tayo ng pagbabalik mo." Umiwas siyang tingin.

"Tangina, Pre. Ano ba? Meron na ba siyang bagong boyfriend?! May asawa't anak na ba siya o ano?! Sabihin muna!" Nanahimik ang paligid. Hindi makapagsalita si Zeke.


Nagulat ako ng lumapit si Daddy. "I'm sorry, son." Lalo akong nagtaka. SORRY PARA SAAN?!  

"Sorry para saan, Dad?" Hindi ko maintindihan... Ano bang meron?!  "Dad, ano ba?! Sabihin niyo na lang kung anong meron kay Mars!" Sumigaw na talaga ako sa sobrang inis ko.





"She died a year ago." Sabihin niyong binabangungot lang ako. Please. Sabihin niyong hindi totoo ang narinig ko. 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon