Umakyat agad ako pagkatapos kong makitang walang bangkay sa loob ng kabaong na binuksan ko. Tinulungan ako nina Zeke at Boyet para makaakyat, hindi ako umimik ng magtanong sila kung ano ang nakita ko. Agad-agad akong pumunta sa kotse ko nag-suot ng t-shirt at dali-daling nagmaneho patungo sa bahay ni Val.


Oras na para matapos ang kahibangan niya, lalo na’t nalaman ko na ang katotohanan. Iisa lang si Mars at Anna. Buhay pa ang babaeng pinakaminahal ko at iisa lang sila nang babaeng kasalukuyan kong minamahal. Hindi na ako makapaghintay pa, gusto ko na siyang makita…


Gusto ko ng malaman din niya ang katotohanan pero… magugustuhan niya kaya ang malalaman niya?


Kumatok ako ng malakas pagkadating ko sa harapan ng pinto ng bahay nila Val. Mga ilang minute pa ang lumipas bago niya buksan ang pinto.


“Oh? Anong meron at napapunta ka dito?” Ngumiti siya at unti-unting lumapit para halikan ako. Umiwas ako kaya hindi ito natuloy.

“Hindi mo man lang ba ako papapasukin?” Marahil siguro sa pagtataka niya ay hinayaan niya lang akong makapasok sa loob ng kanilang bahay.

“Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?” Tanong niya nang umupo ako sa sofa.

“We need to talk.” Maikli kong sagot.

Umupo siya sa tabi ko bago nagsalita ulit. “About what?”

“About us.” I breathed deeply before dropping the bomb on her. “Maghiwalay na tayo. Itigil mo na itong kabaliwan mo.”

Hindi kaagad siya umimik, nag-iisip ng isasagot sa hiling ko. “No, Mark. What makes you think na papayag ako?” Paghahamon niya.

“I’m not asking for your permission. Ako na ang titigil ng kahibangan mo, Valerie.” Tinignan ko siya ng masama.

“So okay lang sa’yo na isumbong ko kay Dean na nagkaroon ka ng relasyon sa estudyante mo?” Taas kilay niyang paghahamon.

“Bahala kang magsumbong. Wala na akong pakialam.” I said, standing-up.

“Kahit na ma-blacklist ka at maaaring hindi ka na makapagturo ulit?” She stood up and faced me.

“I never enjoyed teaching. So, yeah… I don’t care.” Kibit balikat ko.

“Kahit na ma-expel si Anna?” She smirked.

“Matagal na siyang tapos sa pag-aaral.” I rolled my eyes.

Her brows furrowed. “Anong ibig mong sabihin?”

“Nursing Graduate siya.” Tumawa siya ng malakas.

“Ikaw ata ang nababaliw sa ating dalawa, Mark. Sa pagkakaalam ko, si Mars ang tinutukoy mong graduate sa kursong Nursing, Psych Major si Anna.” She shook her head.

“Iisang tao lang sila.” She rolled her eyes.

“Nababaliw ka na nga.” She said, sitting down.

“Hinukay ko yung libingan ni Mars.” Napatingin siya sa katawan ko.

“That explains why you’re covered with mud.” Napatingin ako sa katawan ko. Maputik na shirt, maputik na pantaloon at maputik na sapatos.

“Yup. At hulaan mo kung anong nakita ko?” I smirked. Hindi siya umimik. “Walang bangkay sa loob ng kabaong, Val. Wala.” I smiled.

She stood up and crossed her arms in front of her chest. “And so? Ano naman kung walang bangkay sa kabaong niya? Hindi ka naman niya naaalala!” She laughed.

I clench my teeth. “Ipapaalala ko sa kanya ang lahat.” She laughed again.

“Good luck!” She smirked. “Bilib din naman ako sa’yo, fighting spirit mo, Mark.” Pang-aasar niya. “Hindi ka niya nga maalala na may namagitan sa inyo nung cruise, ano pa kaya yung alaala niya seven years ago?”

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. May katotohanan ang mga sinabi niya. “Anon a, Mark? Bakit hindi ka makaimik?” Pang-aasar niya. “Bakit ba kasi hindi mo pa rin matanggap? Hinding-hindi mo na mababalikan yung babaeng iniwan seven years ago!” I clenched both of my fists, pilit kong pinipigilan ang sarili kong saktan si Valerie.

Unti-unti siyang lumapit sa akin. “Bakit ba kasi hindi na lang ako? Kaysa tumanda kang binata, Mark?” Hahawakan niya sana ang kamay ko nang magdilim ang paningin ko at sakalin ko siya at idinikit sa pader.

“Hinding-hindi ako mapapasayo!” Sigaw ko sa kanya habang mahigpit ang pagkakasakal ko sa leeg niya.


Bigla ko siyang binitawan nang namalayan ko kung ano ang ginagawa ko sa kanya. Nagkulay violet ang mukha niya, napaupo siya sa sahig at ubo siya ng ubo.

“Walang hiya ka, Mark! Pagbabayaran mo ito!” Sigaw niya ng maka-recover na siya.

Hindi ko siya pinansin at nag-umpisa na akong maglakad palabas ng bahay niya. “Saan ka pupunta?!” Sigaw niya ulit na hindi ko pinansin.

“Inuulit ko, Mark! Walang saysay ang mga ginawa at gagawin mo dahil hinding-hindi siya mapapasayo!” Tumigil ako at humarap sa kanya.

“I’ll take my chances.”


Nakarating ako sa condo ko nang hindi pa rin makapaniwala sa nagawa ko. Nasakal ko si Valerie. Yes, she deserved it pero ano na lang ang mangyayari sa akin sa susunod na hakbang na gagawin niya? Maaari niya akong ipapulis, maaari akong makulong… Maaari ring may gawin siyang masama kay Anna o sa mga kaibigan ko. !@#$, I totally screwed up.


Nakaupo ako sa sofa habang nakalagay ang mga kamay ko sa aking mukha at iniisip ang mga problema ko nang biglang bumukas ang pinto ng condo.


Napatayo ako nang makita ko kung sino ang dumating… si Anna.



Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!