Ngayon na ang araw ng Acquaintance Party. Ewan ko ba bat meron nito sa kalagitnaan ng August, hindi ba dapat mas maaga? Oh well papel, akalain niyong madaming nag-yaya sakin na maging date dun? Ang nakakakilig dun... niyaya ako ni Rico! Yung crush ko! Hahaha! Kung hindi ka nga naman sinuswerte, syempre um-oo ako, hindi na tinatanong yun. 


Muntik na nga lang ako hindi payagan ni Mama, pero nung sinabi ni Maggie na 'compulsory' pumayag siya. Ewan ko ba bat siya napapayag.  Halata naman kasing gawa-gawa yung sinabi ni Maggie eh!


"Ready ka na, Riri?" Napatingin ako sa kanya. Andito kami sa kwarto namin at nasa receiving area yung mga date namin. At akalain mo ding may nagyaya kay Maggie? 


Kahit naman war freak yang si Maggie, malakas pa rin appeal niyan sa lalaki! 


"Ready na ako." Ngumiti ako sa kanya.

"Ang ganda-ganda mo, teh! The best talaga bumili ng dress ang Mama mo! Maglalaway sa'yo si Rico niyan!"Tawa siya ng tawa. 

Ang ganda nga ng dress ko ngayon. Kahit nasa Cebu si Mama, siya pa rin ang personal na bumili ng dress ko at pinadala na lang dito. Kaya mahal na mahal ko si Mama eh. 

"Grabe naman! 'Ganda' lang! Walang 'ganda-ganda' sa dictionary no! Tsaka hindi naman ganun si Rico, gentleman kaya yun!" Inirapan niya lang ako ng pabiro.

"Whatever you say, dear." Sabi naman niya.

"Ikaw nga dyan eh! Yung dress mo, cleavage kung cleavage!" Namula naman yung mukha niya. Hindi naman ganun ka-grabe yung cleavage niya sa dress niya.

"Dami mo talagang napapansin! Lika na nga!" Tinawanan ko lang siya habang hinihila niya ako pababa.


Pagdating namin sa receiving area ng bahay, napatayo agad yung ka-date ni Maggie. At nawawala si Rico Herrera.

"Si Rico?" Tanong ko sa ka-date ni Maggie

"Nagka-emergency sa bahay nila eh. Pero susunod daw siya, don't worry." Nginitian ko na lang si EJ. Si EJ Mondragon nga pala ang current boy-toy ni Maggie. 


Kahit na medyo nakaka-disappoint dahil wala siya, inintindi ko na lang dahil emergency nga daw. Baka mas importante yun sakin.  


"Maganda ka siguro ngayong gabi, Anna." Nasa likuran ako ng sasakyan ng boytoy ni Maggie, tinawagan ako bigla ni Rico, humihingi nga dispensa.

"Ngayong gabi lang?" Sagot ko sa kanya.

"Uhm, I mean mas maganda ka ngayong gabi. Araw-araw ka namang maganda. Hehehe." Tumawa siya na halatang tinatago lang niya yung kaba niya.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ko sa kanya. Jusko para phone call lang! 

"Medyo. First time ko kasing manligaw." Manligaw? Nililigawan niya ako?

"Nililigawan mo ako?" I asked, wide-eyed. As if nakikita niya ako.

"Oo? Hindi ba sinabi sa'yo ni Maggie na tutulungan niya ako?" Napaisip naman ako. Wala akong maalala...

"She must've said it, di ko lang maalala. Makakalimutin kasi ako, pasensya ka na." Napangiti ako.

"Okay lang. So okay lang sa'yo na ligawan kita?" 

"May magagawa pa ba ako?" I kidded.

"Actually, wala. Ang choice mo lang, sagutin ako. Pero hindi naman kita minamadali." Aba ang CONFIDENT si kuya! 

"Mama ko muna ang kailangan mong pasagutin bago ako." Good luck na lang sa'yo. Hahaha!

"So when can I meet Mrs Ordoñez?" At excited pa siya? 

"I dunno. Nasa Cebu pa sila ni Papa para sa business namin dun." 


Nagdaldalan pa kami ni Rico hanggang sa nakarating na ako sa venue. After pagbuksan ni EJ ng pinto si Maggie, yung sakin naman ang binuksan niya at inalalayan akong makalabas. Pumasok kami ng elevator at pinindot ni EJ yung number 4. 


Pagkalabas namin ng elevator, nakita agad namin yung registration booth.


"Alam mo, I think kailangan mo ng parusa." Sabi ko sa kanya. Nasa likuran ako nila Maggie na nagreresiter sa harapan ng Registration booth.

"Parusa ko?" Tumango ako as if nakikita niya ako.

"Uh-huh. First day na first day mo sa panliligaw, dinisappoint mo ko eh." Bumuntong hininga siya.

"Aryt. What do you have in mind?" Hindi pa rin nawawala yung ngiti ko. 

Sasagot na sana ako kay Rico ng senyasan ako ni Maggie na turn ko na sa Registration booth.

"Teka lang ah, magregister lang ako."


Sinulat ko na yung pangalan ko at pumirma. After nun, nakuha ng SC officer yung attention ko.

"Here's your mask. Bagay na bagay sa dress mo!" Sabay ngiti sa akin. Napatingin ako sa mask na ibinigay niya. Mask ba ito? Though maganda siya, wala naman siyang naiko-conceal sa mukha ko. 

"Uhh. Thanks? Pero kailangan ba talaga nito?" Tumango yung SC officer.

"Yes. Dahil yan ang gimik ng SC ngayon. So isuot mo na yan para makapasok ka na. Ang rule kasi ngayon, no mask no entry! Pero provided naman namin ang mask, isa para sa isang tao. Kaya wag mong iwawala yan kapag lalabas ka dahil hindi ka na makakapasok." Ay ang haba ng sinabi?

"Err... okay. Thanks!" Sinuot ko naman at nagpatulong ako kay Maggie dahil baka masira ang hairdo ko.



"Hello, Rico? Buhay ka pa ba diyan?" Muntik ko ng makalimutan na may kausap ako sa cellphone ko!

"Yes, I'm still here. So ano na ang aking parusa, aking binibini?" Natawa naman ako sa kanya.

"Hahaha! Whatever. Masked ball pala ito, so you know, naka maskara ako. You have to find me, kundi lagot ka sakin!" Napatingin sakin si Maggie. Nginitian ko lang siya.

"You have to give me a clue." He chuckled.

"Asa ka, Rico." I laughed.

"Kahit isa lang? Hindi pwede?" Napaisip naman ako. Kahit isang clue? Hmm, sige isa lang! Tutal mahirap maghanap ng isang babae sa kung wala kang clue tapos halos lahat ng estudyante ng school ay nandito! Ang laki kaya ng population ng students sa school. 


"Fine. Isa lang ah!" Natatawa kong sinabi.

"Yes!"

"I'm wearing a black mask. kapag hindi mo ko nahanap hanggang 12 midnight, bahala ka na sa buhay mo. Hahaha! Bye!"

"Hey wait up---"



"Maggie at EJ, wag niyong sasagutin yung mga tawag ni Rico ah? Parusa ko kasi sa kanya na hahanapin niya ako. Baka magtanong kasi sa inyo eh." Tinawanan ako ni EJ at Maggie.

"Sure."

"Grabe ka, Riri! Sa dami nating nandito, magpapahanap ka?" Tumango ako.

"Yup. At kung may problema siya dun, wag an siyang manligaw." Sinabi ko ng seryoso.


Totoo naman eh, kung wala siyang tyaga na mahanap ako. Tumigil na siya.  Wala siyang mapapala kung hindi niya kayang makipagsabayan sakin.



10PM na at hindi pa rin ako nahahanap ni Rico. Medyo naiinis na ako, 8PM pa siya nagtext na nandito na siya sa venue pero hanggang ngayon wala pa rin! Ugh. Marami na rin ang nakipag sayaw sa akin, marami na rin akong nakain sa buffet table habang wala yung date ko. Ano ba yan? Date bang maitatawag ito? Hindi nga kami nagkasama eh, sa phone call nga lang din kami nagkausap!


"Maggie, magreretouch lang ako ah?" Tumango naman siya at tumuloy na sa pakikipag-usap sa date niya. Buti pa siya nag-eenjoy. 



Pagkatapos ko mag-retouch, pumasok ako sa cubicle para umihi. Tumambay din ako sa luob ng cubicle kasi ayoko pang lumabas. Parang nagiging hobby ko ng tumambay sa CR kapag nabo-bore ako sa isang party/sayawan ah?


"Haaayyy... Ang swerte ko talaga sa ka-date  ko!" The girl squealed. Gano ba kagwapo yung ka-date niya para magsalita siya mag-isa dito sa CR? 


Sumilip ako taas at nakita ko si Ms Valerie Tantiangco na nagreretouch! Oh holy craaaaap. Paanong hindi mababaliw sa saya yan eh si Sir Mark ang ka-date niya!


"Asan na ba yung lipstick ko, baka magkiss na kami for the first mamaya ni Mark! Kailangang maganda ako para mamaya!" Napataas naman ang kilay ko, hindi lang dahil sa narinig ko kundi dahil sa suot niya.



BAKIT MAGKAPAREHO KAMI NG DRESS?! 



Nagtago ako ulit dahil humarap siya sa mga cubicle, lumabas ako ng cubicle na pinasukan ko nang pumasok siya sa isang  cubicle para umihi. Napatingin ako sa lababo at nakita ko yung mask niya.



Hindi ko alam kung bakit pero sinuot ko yung mask niya at pinasok ko yung mask ko sa purse ko. 


Hindi kayo magki-kiss ni Mark, Miss Valerie dahil hindi ka na makakapasok sa loob! 



Nagmadali akong pumasok sa loob ng ballroom baka maabutan ako ni Miss Valerie. Teka ano nga bang pumasok sa kokote ko at ginawa ko yun? Kawawa naman si Miss Valerie.   Ibalik ko na kaya yung mask niya? Eh teka, baka kung anong isipin nun kapag ako ang nag-abot sa kanya ng mask niya? Eh maski na kasalanan ko nama----


"Ang tagal mo atang mag-retouch, Val?" Nagulat ako ng biglang may humila sakin at nilapit ako sa sarili niya.

Mark? Oh !@#$. Anong sasabihin ko?! Teka wala dapat akong sabihin! Magkaiba kami ng boses ni Miss Valerie! Hala! Ngiti, Riri! Ngiti!

Ngumiti ako sa kanya tulad ng utos ng utak ko. He grinned.

"Nauuhaw ka ba? Or nagugutom na?" Umiling ako."Nakakapagtaka bakit nanahimik ka bigla? Ang daldal mo kanina ah? Nabo-bore ka na sigurong ka-date ako no?" Tanong niya.


NAKO! HINDE. Halos mabaliw na nga si Miss Valerie sa CR kanina eh!


Umiling na lang ako at umiwas ng tingin. Nagulat ako ng bumitas yung isang kamay niya bewang ko at nilagay niya yung mga kamay ko sa balikat niya. At hinawakan niya yung chin ko para tuimingin sa kanya.


"At parang may naiba sa'yo?" Pinilit kong makipag eye-to-eye sa kanya. "Ewan ko, may iba talaga eh. But whatever it is, may gusto ko ikaw ngayon." Napangiti naman ako. Hindi ko alam pero kinilig ako.


HAHAHA! Mas gusto mo to ngayon kasi, mas maganda naman ako kay Miss Valerie no!  


"Ewan ko kung bat parang naging mahiyain ka ngayon. Kanina lang, you're hinting that you want us to kiss."Lumuwa yung mata ko. OMG. Ganun na lang kadesperada si Miss Valerie? Siya ang naghihint talaga? Kaya pala nasabi niya yun sa CR kanina!
 

"And I think now is the right time for that kiss." He leaned in and kissed me.


OH MY GOD. His lips is so soft! I don't know how or why but I found myself kissing him back. Hindi ko alam kung bakit parang expert na yung mga labi ko at kung bakit parang perfect kami para sa isa't isa at hindi kami nagkakabungguan ng ilong or kung ano man na nakikita ko sa TV! Para kaming mga puzzle pieces na gawa talaga para sa isa't isa para magdikit. I felt his tongue asking for entrance and as I gasped, he took the chance to plunge in.


After I don't know how long, he pulled away. His forehead touching mine. "I never thought you could kiss like that."He chuckled.

"Me neither." I breathed. SHOOT. Bakit ako nagsalita?!

Hindi niya naman at napansin at tuloy pa rin siya sa pagtingin sa mga mata ko. "And the way you kiss me is awfully familiar." He closed his eyes,.



"MARK!!!" Napalingon kami pareho sa sumigaw.



SHOOT! Si Miss Valerie!


Napahiwalay ako agad kay Mark. "Who are you?" Tanong niya sakin, pero bago niya pa ako malapitan uli... tumakbo ako.



Hinabol niya ako. Lecheng yan! Bakit mo pa ako hinahabol! Andyan na yung girlfriend mo! Bwiset!


At dahil shunga ako, naputol yung takong ko kaya inalis ko na sila pareho. Pero dahil malapit na si Mark, isa lang yung napulot ko. 

Tumakbo pa ulit ako at mabuti na lang nakapasok na ako sa isang elevator na pasara na. Bago sumara yung elevator, nakita ko siyang pinulot yung pumps ko na putol ang takong. Sana hindi niya malaman na ako yung nakahalikan niya. Dahil talagang nakakahiya yung ginawa ko!

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!