XIV. Intramurals.

244K 3.9K 323
                                    

Intramurals. Oo, intrams ng university namin ngayon at ipinagpapasalamat ko sa Diyos na Friday na ngayon. Bakit? Simple lang. Dahil ayoko pang makita si Sir Mark. Sa anim na araw na nakalipas, hindi pa rin ako maka get-over na hinalikan niya ako sa pag-aakala na ako si Miss Valerie.


Hindi ko alam kung bakit kakaiba yung naramdaman ko nung mga panahong iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit pumayag ako, kung bakit natuwa ako, kung bakit halos umikot yung mundo habang hinahalikan niya ako, kung bakit may kakaibang pakiramdam sa tyan ko.


Butterflies siguro? Pero bakit?


Inaamin ko... Medyo nakaramdam ako ng selos nung na-realize kong nag mo-move on na si Sir Mark. Diba dapat masaya ako dahil hindi na niya ako gagambalain pa ulit? Pero bakit ganito ngayon ang nararamdaman ko? Bakit nagseselos ako sa bago niyang girlfriend? 


At ang nakakainis pa. wala akong masabihan ng nararamdaman ko dahil paniguradong maghahalo ang binalatan sa tinalupan kapag nalaman lahat ni Maggie yung ginawa ko, lalong lalo na yung nararamdaman ko ngayon.


Pati kahit naman siguro hindi ako kamukha ng ex girlfriend niyang mahal na mahal niya... Hindi pa rin ako pupwedeng makipagrelasyon sa kanya dahil Professor ko siya, estudyante niya ako. It's immoral, at isa pa, pitong taon ang tanda niya sa akin.


Teka, bakit pakikipagrelasyon na ang nasa isip ko ngayon? At bakit sa professor ko? Hindi ito dapat ang iniisip ko, tsaka may manliligaw na naman na ako eh.


Speaking of manliligaw, nawawala na naman sa eksena si Rico ngayong araw na ito. Akala niya siguro ay galit ako sa kanya dahil hindi niya ako nahanap at nawala ako sa party. Nung kinabukasan nga, punong puno yung wall ko sa facebook ng sorry niya. Pati sa text, flooded na ng sorry niya. Hindi ko siya nirereply-an dahil... wala lang. Manigas lang siyang mag hintay sakin. Yes, I'm cruel. 


"Bestfriend, okay ka lang ba?" Napatingin naman ako sa tabi ko.

"H-Ha? Sorry. Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya.

"Naku! Best friend! Ano bang nangyayari sa'yo? Nasa kalagitnaan tayo ng intense basketball game at tulala ka dyan? Hindi mo ba nakikita yung mga tao sa paligid mo? Nagkakagulo na sila oh." Napatingin ako sa paligid ko. Nasa gymnasium nga pala kami ng school, nanunuod ng championship ng basketball men. Tama nga si Maggie, nagkakagulo na ang audience sa sobrang intense ng laro. Neck to neck ang score!

Nasabi ko rin ba na naglalaro si Rico? "And best friend, alam mo ba na kanina pa pasulyap sulyap sa'yo si Rico?"Napatingin ulit ako kay Maggie. This time, narinig ko na yung sinabi niya at may isasagot na ako.

"Syempre, susulyap at susulyap yan dito. Inspirasyon niya ako eh." Sabay tawa ko.

Binatukan naman ako ni Maggie. "Hey! Careful! Naalog na nga sa car accident yung utak ko eh, inaalog mo pa lalo."Inirapan niya ko.

"Mayabang ka kasi! Hindi mo pa nga pinapansin yung tao simula nung fail date niyo nung acquaintance party." I snorted.

"Fail DATE? Matatawag mo bang date yun? Eh hindi nga kami nagkita!" Napakamot naman siya sa batok niya.

"May valid reason naman siya eh. Diba nga may emergency sa bahay nila?" Pagtatanggol niya kay Rico.

"Pero pumunta siya sa party na yun at nag promise siya na hahanapin niya ako and he broke his promise."Napailing naman siya.

"Pero nawala ka rin nung party, umuwi ka kaagad. Talagang hindi ka niya nahanap nun dahil wala na yung hinahanap niya nun!"

"But I waited for him for almost 3 hours!" And Maggie knows how impatient I can be.

"Look, I know hindi ka makikinig sa akin. But can you at least let him explain?" Napaisip naman ako. Fine, nagkakamali naman lahat ng tao. Walang masama para sa second chance.

"Fine. Everyone deserves a second chance naman."Napapalakpak naman siya sa tuwa.


Napatingin kami sa court ng magsigawan ang mga tao sa paligid namin. Lamang na yung College of Art and Sciences. which is kame at medyo natatambakan na yung College of Engineering nila Rico.


"Siguro kung hindi naging fail yung date niyo ni Rico, yung college natin ngayon ang natatambakan no?" Hindi ko na lang pinansin si Maggie.


Nung medyo nararamdaman ko na yung tawag ng kalikasan, nagpaalam ako kay Maggie na mag CR lang ako saglit. Pumayag naman siya at nagvolunteer na magbantay ng pwesto namin sa bleachers. 


Pero pagkatapos ko magbanyo, hindi muna ako bumalik sa gymnasium dahil sobrang ingay duon. Gusto ko muna ng peace and quiet kahit saglit lang at sa field ang pinakamagandang lugar na pwede kong pagtambayan saglit.


Pero mukhang mali ako dahil marami-rami ring tao sa field, may naglalaro pala ng baseball. Saan na ako nito? Ayoko pang bumalik ng gymnasium! Sa Elementary building na nga lang ako tatamba----


Everything went blank.



"Sir, okay lang kayo? Parang wala kayong tulog."Napatingin ako sa estudyante kong nasa harapan ko, si Arnold.

"Oo eh. Marami pa akong inasikaso kagabi kaya hindi agad ako nakatulog." SINUNGALING. 


Ang sabihin mo, gising ka buong magdamag dahil sa babaeng hinalikan mo nung Acquaintance Party!


Panong hindi ko siya iisipin... Parehas sila ni Mars humalik! At hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi na hindi si Valerie yung nahalikan ko kagabi.


Hindi kaya minulto niya ako kung totoong patay na siya? O kaya nakatago siya sa maskara ni Valerie dahil ayaw niyang malaman ko na siya si Mars? At patago niya na lang akong mamahalin? O di naman kaya nababaliw na ako? Bakit iniisip ko pa yung mga posibilidad na yun? 


Pero ang mas nakakatawang pumasok sa isip ko... Hindi kaya si Anna yung babae kagabi? Pero malabong mangyari yun dahil ilag siya sakin dahil sa nagawa ko sa kanya pero may posibilidad pa rin diba?


Bumalik ako sa pagkakatulala ko ng marinig ko yung malakas na pagkakahampas ng batter sa baseball. Sinundan ko ng tingin yung bola at tumama siya sa isang babae. Tumumba yung babae at mukhang nawalan ng malay.


Hindi ko alam pero nakisama ako sa mga tumakbo papunta sa babae, kahit na isa ako sa mga coach ng naglalarong team.


Nang makalapit ako sa babaeng walang malay, inakay ko agad siya.


"Miss? Miss?" Hindi sumasagot yung babae. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakatakip sa mukha niya yung buhok niya. Nung hinawi ko yung mukha niya.

"Mar---Anna?" Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin.

"Sir, dalhin niyo na siya sa clinic!" Agad-agad naman akong tumayo.

"Si Sir Jed muna magko-coach sa inyo ah. Dadalhin ko na tong si Ms Ordoñez sa clinic." Hindi naman na sila nagsalita pa at bumalik na sila sa game.


Tinignan ko ulit siya habang tinatahak ko yung daan papuntang clinic. Dumugo yung kanang parte ng noo niya, sobrang lakas siguro ng tama sa kanya nung bola dahil nasugatan siya at nawalan ng malay.


Agad-agad namang binigyan ng paunang lunas si Anna ng school physician at school nurse. Hindi ako lumabas ng clinic kahit sinabihan na nila akong ayos na ang lagay ni Anna. Sinabi ko na lang na aantayin ko na lang ang pag gising niya.


Nandito na ako sa kwartong pinaglagyan sa kanya. May benda na siya sa ulo at payapang natutulog. Hindi ko na inaksaya itong panahon na to na tulog siya at ako ang nagbabantay, tinitigan ko siya ng maigi at kinumpara lahat ng maliliit na detalye ng mukha niya sa mukha ni Mars.


May nunal siya malapit sa kaliwang mata, si Mars wala. Mas maitim ang buhok niya, si Mars kulay tsokolate yung buhok niya.Mas mapula yung mga labi niya kahit wala siyang ayos, si Mars kinakailangan pang maglagay ng mga koloreta mukha bago mamula yung mga mapuputla niyang labi.


Labi... Napatingin ako sa labi niya... kapareha sa labi nung babae kagabi. Hindi kaya?

Isa lang ang paraan para malaman ko na. Para hindi na ako gagambalain ng utak ko kung si Anna nga ang babaeng iyon.


Papalapit na sana ako sa kanya ng gumalaw siya at magising. Napaupo siya ng makita niya ako. 


"Dahan-dahan lang sa pagtayo, Miss Ordoñez."Napahawak siya sa ulo niya at napangiwi sa sakit.

Inalalayan ko siya sa paghiga niya. "Kamustang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo aside sa ulo mo?" Umiling siya.

"Masakit lang po yung ulo ko. Ano pong nangyari sakin?"Medyo nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko ng 'i-po' niya ako. Hindi nga siya si Mars. Hindi ganyan ka galang si Mars...Napangiti ako sa naisip ko.

"Natamaan ka ng baseball sa noo, tas nawalan ka ng malay. Isa ako sa mga malapit sa pwesto mo at nasaklolohan agad kita kaya nadala kita agad dito sa clinic." Napahawak ulit siya sa ulo niya.

"Anong oras po ako pwedeng lumabas dito, Sir?" Naalala ko naman yung sinabi ng nurse na makakalabas lang siya kapag may maghahatid sa kanya pauwi. 

"Makakauwi ka lang daw kapag may maghahatid sa'yo pauwi. Yung yaya mo pala, bakit di mo kasama kanina?"Napatango naman siya.

"Day-off niya eh. Kasabay ko naman pauwi yung best friend ko, Sir. Alam na po ba niya?" I shrugged.

"Di ko alam. Pero siguro kapag nalaman niya, susugod yun dito kasi ako ang nagdala sa'yo dito." Imbes na matawa siya sa biro ko, she winced. 

"Sir, ang sakit ng ulo ko." Napansin kong napapaluha na siya.

"Hindi mo ba dala meds mo?" Umiling siya. "Teka, hihingi lang ako ng Tylenol." Tumango lang siya.


Bumalik din agad ako ng makahingi ako sa nurse ng gamot at ng isang basong tubig, inalalayan ko rin siyang uminom. "Sir, thanks po."


Medyo naging awkward na nung tumahimik kaya nagsalita ulit ako. "Sa tingin mo, magiging over all champion CAS?"Napatingin siya.

"Sana po. Ano po bang prize kapag over all champion?"Napangiti ako.

"5 day-cruise, lahat ng student sa isang College." Nanlaki naman yung mata niya.

"Wow. Ang bigtime ng premyo. San nila nakuha yung 5-day-cruise na 'yun?" Inexplain ko naman sa kanya na kaibigan ni Daddy, Senator Villareal, yung isang bigtime na business man na nag mamay-ari nung sikat na shipping company.


Naputol yung pag-uusap namin ng biglang may pumasok sa kwarto. Sino pa ba? Edi yung over-protective niyang best friend.


"Oh my God, Riri! Okay ka na ba?! Ano na namang ginawa sa'yo nitong lalake na to?!" Tinignan niya ako ng masama pagkatapos niyang yakapin si Anna.

"Anna, okay ka na ba?" Napatingin ako sa lalaki na nagsalita. Napatingin din siya sakin. "Good Afternoon, Sir." Tinanguan ko lang siya.

"Okay na ako, Maggie, Rico." Napatingin kami kay Anna nang magsalita siya. "At walang ginawa sakin si Sir Mark, Maggie. Siya yung sumaklolo sakin nung nawalan ako ng malay sa kalagitnaan ng field. Dapat nga magpasalamat ka sa kanya eh." Tumingin siya sakin.

"Ah. Ganun. Uhm, salamat." Mabilis na sabi sakin ni Maggie. Halatang hindi siya sanay magpasalamat sa mga kinagagalitan niya.

"No worries. Uh... I should be going." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. 

"Er, Sir. Over-all champion pala ang CAS." Napatingin ako kay Maggie. Tapos kay Anna na nakangiti.

"That's good. Sige, alis na ako." At lumabas na ako sa kwarto ni Anna.


Five days sa barko. With Anna. Ano kayang pwedeng mangyari sa limang araw na 'yun? I hope they're all good. 

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon