V. The First Encounter.

265K 4.9K 441
                                    

"Alam mo, Pare. Igimik mo na lang yan." Napatingin ako kay Zeke na nagtitext. Tinawagan kasi siya ni Mommy, nabahala daw siya dahil sa incident na nakita ko si Mars... Kahit na patay na nga si Mars. Baka daw imahinasyon ko lang yun. Baka nga...


Dahil miss na miss ko na siya.

"Hindi ko type gumimik." Nabigla naman ako ng may tumamang unan sa ulo ko.

"Ulul! Anong gagawin mo dito? Magmumukmok? Lika na! Magbihis ka na panggimik!" Hinila niya ako patayo sa kama at tinulak sa luob ng walk-in closet ko. "Magpapogi ka ah! Maligo ka na rin kung gusto mo!" Narinig kong sumara ang pintuan ng kwarto ko.


Bumababa na siguro yun para kulitin si Mommy. Close kasi sila ni Mommy, palagi kasing kumakain dito dati si Zeke at palagi niya ring pinupuri yung mga putaheng niluluto ni Mommy.


"Pare! The best talaga pag si Tita Evita ang nagluto ng lasagna!" Sabi sakin ni Zeke pagkababa ko.

"Tigna mo to makareact, parang hindi na tatay! Tsk."Natawa naman si Mommy sa sinabi ko.

"May Peter Pan Syndrome ata yang bestfrined mo, Anak." Lumingon siya kay Zeke na tuwang tuwa pa rin sa kinakain niyang lasagna. "Gusto mo bang dalhan ng lasagna yung asawa't anak mo?" Nagningning naman yung mga mata ni Zeke.

"Sige po, Tita! Damihan niyo po ah?" Umalis na si Mommy at bumalik ng kusina para ipagbalot ng lasagna si Zeke. Kami na lang ni Zeke ang naiwan sa Dining room.

"Bat hindi na lang ako bumisita sa inyo? Hindi ko pa nakikita yung inaanak ko eh." Uminom muna siya ng juice bago sumagot.

"Yung anak ko, makakapag-antay pa yun sa mga pamasko at pabirthday mong utang mo sa kanya, okay? Yang pag-iinarte mo, baka kung saan ka pulutin kinabukasan kapag hindi ka nagsaya ngayon!" Sumubo ulit siya ng isang tinidor ng lasagna. (?)

"Alam ba to ng asawa mo?" Ngumiti siya.

"Nakapagpaalam na ako at pumayag siya. Wag ka ng mag-isip ng paraan para makatakas ka sa gimik na to dahil sasama at sasama ka sakin kahit anong mangyari."Ubos na pala yung kinakain niya?  

"Gusto mo pa ng lasagna?" Umiling siya.

"Kung galing sa'yo, wag na. Baka lagyan mo pa ng ativan para makatakas ka." Hay nako, Zeke. Ang tanda mo na, ang lakas pa rin ng imahinasyon mo! 

***


"Maggie, kinakabahan talaga ako dito sa binabalak mo. Umuwi na kaya tayo hangga't may chance pa?" Nasa taxi pa kasi kami, ayaw ko pa kasing bumaba at pumasok sa bar.

"Bakit ka naman kinakabahan? Malupit ang security dito, di ka mababastos dito." Eh paano kung may maglakas loob? Paano kung sa labas kami ng bar i-harass? Paano kung may mangyari samin pauwi?

"Eh paano kung may mangyari satin pag uwi natin?"Pinitik niya naman yung noo, ang sakit ah. 

"Wag ka ngang nega! The more na iniisip mong mapapahamak tayo, the more na malalagay tayo sa alanganin!" Hmm... May point siya. "Wag ka ngang sumimangot! Masasayang lang yung ilang oras mong pagpapaganda! At wala tayo sa burol, nasa party tayo para magcelebrate ng first ever kasalanan mo kila Mama at Papa mo!" She grinned.

"Ang BI mo talaga."  Una na siyang bumaba ng taxi pero nagstay pa rin ako sa loob, kinatok niya naman yung pinto.

"Balak mo bang yung bar ang lalapit sa'yo? Alam mo bang imposible yun?" Ayoko lang talaga bumababa, Maggie. Di mo ba ma-gets. 

"Hindi ako kumportable sa suot ko, Maggie." Umirap naman siya. "Wag mo nga akong irapan! Alam mo namang di ko type magsuot ng ganito ka-revealing na dress." Pagpapaliwanag ko naman sa kanya.

"Revealing your face! Nakikita mo ba yang suot mo? Dress lang yan na maikli! Mamaya, pagpasok natin sa luob, may mga nakahubad dun!" Nanlaki naman ang mga mata ko. Strip club ba tong papasukan namin?! O____O"Gaga! Joke lang! HAHAHA!"

"Akala ko naman totoo! Kinabahana ako dun ah!" Tawa pa rin siya ng tawa.

"Di ka talaga nag-iisp! Alam mo namang ayaw ko rin sa mga ganun tas dadalhin pa kita dun?" Hinila na niya ako palabas ng taxi hanggang sa pagpasok sa bar, hila-hila niya ako.



Nagtaka ako ng biglang tumigil si Maggie. "Oh Maggie? Anong problema mo? Nanahimik ka ata?" Ngumiti siya ng nakakaloka sakin.

"Ang HOT nung lalaking yun oh!" May tinuro siyang lalaki dun sa may bar stools. 


Tinignan ko yung tinuturo niya pero di ko maaninag. Wow, balikat pa nga lang... ulam na!  Ano ba tong pumapasok sa isip ko! 


"Tara lapit tayo sa kanila?" Nagulat naman ako. Nakakatakot kaya, kahit na ba sabihing gwapo sila, mga lalaki pa rin sila! At nakainom pa! 

"Uhm, ikaw na lang, Maggie? Hanapin ko muna yung CR pwede?" Tumango lang siya at iniwan na niya ko. Tignan mo to! Lakas mang-iwan! 


Nakarating naman ako ng successful sa CR, mga 45 minutes siguro akong nakaupo sa inidoro (nakasara ha!), naka-iPod lang ako tas nagtetext. Nabored na ako sa CR kaya lumabas na ako. Astig no? Nag Bar para mag CR? HAHAHA!

Lumapit ako sa bar stools na pinuntahan ni Maggie, halatang masaya siya sa mga kasama niya. Hindi niya nga napansing 45 minutes na akong nawawala eh. 

"Uhm Maggie?" Napalingon sila sakin.

Nabigla na lang ako ng may bumagsak na baso galing dun sa pinakagwapong lalaki.

"Mars?" Huh?  Sinong Mars? May tao ba sa likod ko?

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon