She gasped.

Iisang inch na lang siguro ang layo ng labi ko sa labi niya. No, bakit ba nangyayari ito ngayon?! Ang hirap pigilin nito! Kahit hindi siya si Mars, magkamukha naman sila! At miss na miss ko na ang mga halik ni Mars! 


No Mark! Pwede ka ng tuluyan ng demanda ng pamilya niya kapag tinuluyan mo siyang halikan!


My God, those freaking brown eyes. Nakakatunaw ang titig sakin ni Anna. Hindi ko maintindihan, may kaba at takot pero may something... She suddenly closed her eyes.


God damnit! Makasuhan na kung makasuhan! Hahalikan ko siya----


"ARAAAAAAAAAY!!!" Napasigaw siya habang hawak ang ulo niya. Napaatras ako bigla.

"Okay ka lang ba, Miss Ordonez?" Sinubukan ko siyang alalayan.

"Ang sakit ng ulo ko. I need my medicine!" Hinanap ko naman agad kung may dala siyang bag pero wala.

"Where's your medicine?!" Nagpanic ako, hindi ko maatim na makita siyang nasasaktan... kahit alam kong hindi siya si Mars.

"Na kay... Ate Lydia. Sa kotse." At nagdecide na akong alalayan siya papalabas ng classroom.



Nakakapagtaka lang na parang naging deserted place yung hallway dahil wala akong makitang taong maaaring makaalalay sa kanya papunta sa sinasabi niyang Ate Lydia. Hindi ko pwedeng i-risk na alalayan siya papunta sa kanila dahil alam kong pag-iisipan nila ako ng masama kahit wala naman akong hinid maganda kay Anna.


Pero muntikan mo na siyang halikan! 


But I didn't! So technically, wala akong ginawang hindi maganda sa kanya!


Ugh. Nababaliw na ako at kinakausap ko ang sarili ko... Hindi ko na pansin na nakababa na kami ng first floor at malapit na kami sa parking lot.



"Kaya mo pa bang maglakad?" She only nodded. Halata sa itsura niyang hirap na hirap siya sa sakit ng ulo niya. "Don't worry malapit na tayo sa parking lot. Anong kulay ng kotse niyo?"

Bago pa siya makapagsalita, I heard someone screamed. "Oh my God! Riri!" Napatingin kaming dalawa ni Riri sa parating.


Holy stinking s@#%! Sa lahat naman na pupwedeng makakita sa amin ni Anna, yung psychotiv niya pang best friend!?


"Oh my God! Anong ginawa mo sa kanya?!" Sigaw niya pagkalapit samin, at hinampas niya pa ako ng hinampas dahil nakita niya na nasa magkabilang balikat ni Anna yung mga kamay ko.

"Don't you touch her, you.... you rapist!" I rolled my eyes.  How childish.

"I didn't do anything to her!" She glared at me, patuloy pa rin akong sinusuntok pero hindi ako natinag hanggat di nahahanap yung kotse nila.

"Para namang paniniwalaan kita?!" Hindi ko siya pinansin.

"Anong kulay at plate number ng kotse niyo, Anna?"Tanong ko kay Anna para mahanap at mahatid ko na agad si Anna sa Ate Lydia niya.

"Don't you dare answer him, Riri! Magiging psycho stalker mo na naman siya!" I groaned. Kung pwede lang sumapak ng babae! Nang matauhan tong babaeng to!

"Black. ASD123." Anna mumbled.

Nahanap ko naman agad yung kotse at hinatid siya dun kahit mahihirapan ako sa abnormal niyang best friend. Lumabas naman agad sa kotse niya yung isang babaeng nakauniform na pang maid at naalarma ng makita akong kasama si Anna.


"Ma'am Riri!" Lumapit siya at inalalayan si Anna. Binitawan ko na si Anna ng makasigurado akong safe na siya sa babaeng nasa harapan namin.

Magsasalita pa lang sana ako para ipaalam sa babaeng nasa harapan ko ng... "HOY! Magsalita ka! Anong ginawa mo sa kanya?!" Tinulak-tulak niya ako.

"Ilang beses ko bang papaulit-ulitin sa'yo na wala akong ginawa sa kanya!? Tinulungan ko lang siya makababa!" I snapped at her.

She laughed. "May paa naman siya para makababa! Hindi ka na ba makatiis na hindi siya lapitin despite the restraining order against you?!" Aba tarantado tong babaeng to ah. Makakatikim sa akin talaga to kapag hindi ako nakapagpigil.

Sasagot pa sana ulit ako ng marinig kong magsalita si Anna."Will you stop jumping into conclusions, Maggie?! Mahiya ka naman sa inaasta mo, andito si Sir Mark dahil tinulungan niya akong makababa dahil inatake ako ng migraine ko! At lalong sumasakit yung ulo ko dahil sa mga pinapakita mo sa kanya! Mahiya ka naman! Matindi ka pa sa nanay ko at kay Ate Lydia! Matindi ka pa sa akin! Hindi naman ikaw ang naagrabyado!" Nanahimik si Maggie. 


Pangalawang beses na siyang napahiya ni Anna sa harapan ko.Serves her right.


After a few minutes of silence. "Hindi ka talaga magso-sorry sa kanya?" Tahimik lang si Maggie. "Fine. Ako na ang magso-sorry in behalf mo. Nakakahiya naman sa'yo eh.Wala ka kasing kasalanan." Lumingon sa akin si Anna kahit halatang sobrang nasasaktan na siya sa migraine niya. "Sir Mark, pasensya ka na sa nangyari. Pasensya na rin sa abala." Tumango lang ako.



Nagsimula na silang maglakad papunta sa sasakyan, bago maglakad palayo si Maggie, tinignan niya muna ako ng masama. "Hindi pa tayo tapos." At tumalikod na siya at tumakbo papunta sa kanila.

"Isip bata. Bwiset." Umalis na rin ako.



Napahinto ako bigla. Yung velvet box hawak niya pa rin.




Tahimik lang kami sa kotse, kakatapos ko lang makainom ng gamot. Medyo groggy na ako sa epekto ng gamot. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana... Napatingin ako sa hawak ko. Yung pulang velvet box. Binuksan ko at medyo nagulat ako sa laman.


Isang napaka gandang singsing.


Kanino niya ibibigay ito? Anong sinisimbolo nito? May papakasalan na ba siyang iba? May bago na ba siyang girlfriend? At anong pakialam ko? Bakit ako nagkakaganito?



Bakit may kumirot sa bandang dibdib ko?



Halos isang buwan na ang nakakalipas simula nung nagkamigraine ako at nagkandagulo-gulo si Maggie at Sir Mark. Nagkaayos na kami ni Maggie, humingin rin ako ng tawad sa mga harsh words na nakawala sa bibig ko at siya din sa pagiging overprotective niya, pero hindi niya daw mapa-promise na titigilan niya ang pagbabantay sa akin. Mahirap na raw maging kampante, ayaw niyang sumugal. And that made me smile and love her more as a sister.


Nasa klase kami ngayon ni Sir Mark, kakatapos lang naming magquiz at binigyan niya kami ng time para makapagdaldalan. Ang cool niyang prof no? 


"Sir! May date na kayo sa acquaintance party? " Napataas naman ang kilay ko at napatingin ako sa kanya.


Kailangan ba ng date sa acquaintance party? At kung oo, kailangan ba 'yun nang mga professor? 


"Uh, yeah. Meron nga." He smiled.

"Girlfriend niyo, Sir?" He contemplated for a while.

"You could say that." Naghiyawan yung mga kaklase kong lalaki. Ewan ko ba ba't bigla silang naging interesado sa love life ni Sir Mark.

"Sir, kilala ba namin? taga-school ba 'yan?" Hindi ko alam kung bakit medyo napatingin sa akin yung mga kaklase ko.


Nagtatanga-tangahan ka pa, Riri! Malamang, you two had history!


Kung history nga bang magtatawag iyon. :-/


"Yeah, nagtuturo siya dito." Napatingin ako sa kanya. He's dating a professor?


Natawa naman ako kaunti, hindi naman sa nagmamayabang pero wala namang magandang professor dito sa school at kung may maganda nga, magandang matandang may asawa naman!


"You all know Miss Valerie Tantiangco, right?" And s#$%! How could she forget Miss Valeria Tantiangco? 



She's like the hottest woman who had set foot in this goddamned university! Teka nga! BAT BA AKO NAGAGALIT?! Like I care!

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!