XVI. In The Infirmary.

255K 4K 784
                                    

Nagising ako sa infirmary ng barko ng wala akong kasama, wala si Mark. Sinasabi ko na nga ba, may mangyayaring lalong makakapagpagulo ng isipan ko. Naiintindihan ko kung bakit wala siya dito sa infirmary. Obvious naman eh, kamukha ko yung ex niya, nagkahalikan kami. Malamang naalala niya sa akin yung ex niya kaya pareha kaming naguguluhan sa nararamdaman namin ngayon. Kasalanan ko to eh, dapat dahan-dahan na lang akong umalis para hindi ako nadulas. Para hindi ko siya hinalikan... Pero kung hindi ko siya nahalikan, hindi papasok sa isipan ko yung imaheng nakita ko nung hinalikan ko siya. Hindi kaya parte yun ng nakaraan ko? Hindi kaya ako yung babae? At ex boyfriend ko yung lalaking natalisod sa imaheng iyon? Hindi kaya yun yung tinatawag nilang memorya? Bumabalik na kaya ang mga alaala ko?


"Gising ka na pala, Miss. Anong nararamdaman mo?"Napatingin ako sa babae sa pintuan, mukhang siya ang physician na incharge dito.

"Medyo masakit pa po ang ulo ko." Lumapit siya sa akin at inalalayan ako sa pag-upo.

"Sabi sakin nung lalaking nagdala sa'yo dito, may migraine ka daw?" Tumango ako. "May tini-take ka bang gamot?" Umupo siya sa upuang malapit sa kama ko at binuklat yung chart na hawak niya.

"Meron po." Tinanong niya naman kung anong gamot yung iniinom ko, medyo nabigla siya sa isinagot ko.

"Hija, sigurado ka bang iyon ang pinapainom sa'yo ng doctor mo?" Tumango ako.

"Opo, Doc. May problema po ba?" Napatitig siya sa chart niya.

"Hindi ko alam, Hija. Nagka brain damage ka ba?"Nabigla ako sa sagot niya.

"Considered po bang brain damage ang amnesia?"Natahimik siya at napabuntong hininga.

"Kailan ka pa naaksidente, Hija? At gaano kalaki yung memoryang hindi mo maalala simula ng maaksidente ka?" Ano bang nangyayari? Bakit parang ini-interrogate na ako ni doktora?

"One year ago po. Lahat po ng alaala ko nawala. Actually, kanina po feeling ko yun poyung unang flash ng memory ko? Para po kasing kilala ko at alam ko yung mga nangyayari sa image na nakita ko kanina sa utak ko pero wala silang mga mukha." Nag-isip muna siya saglit bago sumagot.

"Kailan mo huling tinake yung gamot mo, Hija?" Inisip ko kung kailan yung huling inom ko ng gamot.

"Isang araw na po akong hindi nakakainom." Napatango siya.

"Na-disgrasya ka ba o tumama ulit sa kung ano ang ulo mo nitong mga nakaraang araw?" Naalala ko yung insidenteng natamaan ako ng baseball.

Kinuwento ko naman kay doktora yung about sa insidente ng pagkakatama sa akin nung baseball. Medyo napapailing siya sa mga sagot ko sa iba niya pang mga tanong. Ano ba talagang nangyayari?

"Doc, ano pa bang nangyayari? Anong meron?"Bumuntong hininga siya.

"Hija, yung tinitake mong gamot na pampawala ng migraine ay may side effect na pampalimot. Hindi advisable ang gamot na iyon, kaya kanina pa ako nagtataka kung bakit inireseta iyan sa'yo." Nagulat ako sa mga narinig ko. Pinapainom nila ako ng pampalimot? Kaya ba't isang taon na ang nakakalipas at ngayon pa lang ulit ako nakakaalala?

"Pero bakit po yun yung pinapainom sa akin?" Hinawakan niya yung magkabilang kamay ko.

"Dahil baka ayaw na ng mga tao sa paligid mo na maalala mo ang nakaraan mo." Hindi ko alam kung bakit pero nangilid yung luha sa mga mata ko.

"Why would they do that?" Nagsimula ng tumulo yung luha ko.

"Tulad nga ng sabi ko, baka may bagay sa nakaraan mo na ayaw na nilang maalala mo pa." Tumahimik ang loob ng infirmary at hikbi ko lang ang nangibabaw na ingay.

"Gusto mo bang maalala pa yung nakaraan mo kahit gaano pa kasakit yung mga iyon?" Inisip ko kung gusto ko pa nga bang bumalik lahat ng alaala ko.

Tumang ako. "More than anything, Doc. Pakiramdam ko may malaking kulang sa pagkatao ko at hindi mabubuo yun hangga't di bumabalik yung alaala ko." Tumango si Doc at may sinulat sa isang papel, binigay niya sakin yun pagkatapos niyang sulatan.

"Reresitahan kita, yang gamot na yan ay para sa migraine mo lang, wala ng iba. Walang side effects yan na pampalimot." Nagsulat ulit siya sa isang papel at inabot niya ulit sa akin. "Ito ang number ko, kapag may mga katanungan ka about sa kalagayan mo, tawagan mo ako." Tumayo siya at lumapit sa isang cabinet.

"Doc, maraming salamat po. Pero bakit niyo po ito ginagawa?" Humarap siya sa akin at bumalik sa upuan niya kanina. Iniabot niya sa akin ang isang lalagyan ng gamot.

"Eto yung gamot na nireseta ko, sakto lang yan sa 5-day cruise na ito. Kailangan mo yan dahil sa bawat pagbalik ng memorya mo, baka may kasamang migraine iyon. Lagi mo yang ilalagay sa bulsa mo para makasigurado ka bawat oras." Tinignan ko yung boteng hawak ko."Tinatanong mo kung bakit ko ito ginagawa? Simple lang, pakiramdam ko obligado akong itama ang pagkakamali ng pamilya at nung doktor mo." Ngumiti siya.

"Doc, ano pong pangalan niyo?" Kanina ko pa siya kausap at napakabait niya sakin pero hindi ko man lang naitanong agad ang pangalan niya!

"Dr. K. Velasquez" K? As in K lang ang pangalan niya? Okay fine. Wag na pakialaman ang pangalan niya. 

"Salamat po, Doc K. Pwede na po ba akong magpahinga sa cabin namin?" Tumango siya, inalalayan niya na rin ako sa pagtayo.

"Kaya mo na ba talaga?" Tumango ako. Aalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako. Nilingon ko siya. "Mag-ingat ka sa mga taong nakapaligid sa'yo. Wala ka dapat pagkatiwalaan, hanggat maaari sana... tayong dalawa lang ang makakaalam nito." Tumango ako at ngumiti bago umalis ng infirmary.


Pagkadating ko sa cabin namin, wala si Maggie. Mabuti na lang iyon para mas makapag isip-isip ako sa mga nangyari ngayong araw na ito. Hindi ako makapaniwala sa ginagawa nila Mama at Papa sa akin, pinaiinom nila ako ng pampalimot? Dapat siguro ay hindi na ako magtaka dahil kapag naman nagtatanong ako sa kanila tungkol sa nakaraan ko, hindi nila ako sinasagot ng diretso. Malamang nga ay ayaw na nilang balikan ko pa ang nakaraan ko. Pero tulad nga ng sinabi ko kay Doc K, hindi ako mabubuo hanggat hindi bumabalik ang alaala ko.


Nagulat ako ng mag-ring yung cellphone ko sa bedside table ko. Please naman! Wag sanang si Mama o si Papa ang tumatawag sa akin! Kahit naman sila nga ang tumatawag, hindi ko pa rin naman sasagutin talaga dahil nga sa pagtakas ko.

Tinignan ko sa screen ng cellphone ko kung sino nga ang tumatawag, napabuntong hininga ako ng makita ko kung sino.

"Hello, Rico? Napatawag ka?" Yes. Si Rico nga, ang manliligaw ko na nanliligaw lang thru phone call. Yeah, LAME. Sayang, crush ko pa naman talaga siya.

"Galit ka pa rin ba sa akin? PATAWAD, MAGANDANG BINIBINI!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sira ka talaga, Rico." Naranig kong bumuntong hininga siya.

"Galit ka pa nga ba?" Napaisip ako. Kung si Maggie nga kinukulit ko na bigyan ng chance si Mark, ako ba eh bibigyan ng second chance si Rico?

"Fine. Sige papatawarin kita--" Naputol yung sinasabi ko ng mapahiyaw siya.

"YES! Thank you, Anna! Promise ko sa'yo---"

"--Pero!" Natahimik siya ng marining niyang may 'pero' na dugtong sa sinasabi ko. "Pero hindi ako sigurado kung papayagan pa kitang manligaw." Natahimik bigla sa kabilang linya. [color-deeppink] "I'm sorry, Rico. Its just that... there's alot of things going on right now with my life. I don't think kailangan ko ngayon ng love life. Do you get me?"[/color] Na-guilty ako bigla sa pangti-turn down kay Rico.

"Its okay. Hindi rin kita masisisi dahil alam ko na hindi ko nagawa ng tama yung part ko as a manliligaw. Kulang talaga yung effort. I'm sorry din. Pero kung okay na ang lahat at magbago ang isip mo tungkol sakin, nandito pa rin ako. I really, really like you, Anna." Napangiti naman ako sa sinabi ni Rico.

"Sorry din talaga. Alam ko naman na ako yung tipong nagpapahirap talaga ng manliligaw. Pasensya ka na talaga." Nag-usap pa kami ng tungkol sa kung ano-ano, tumigil lang kami ng magpaalam na ako dahil 3PM na pala at hindi pa ako nakakapagtanghalian, ginutom na talaga ako.


Kumain ako saglit sa restaurant ng barko ng tanghalin ko na super late na. After kong kumain, dumiretso ulit ako sa cabin namin, wala pa rin si Maggie. Baka nagpapalamig lang din ng ulo iyon, sana magkaayos na kami agad mamayang gabi. Naligo ako at pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay natulog na ako.

Nagising ako ng may marinig akong nagsalita. Pagdilat ko, wala pa rin akong kasama. Yung AP pala ng barko ang tumunog, may karaoke party daw after ng dinner. Tinignan ko sa cellphone ko kung anong oras na. Shoot! 6:30PM na, dinner time na! Hindi pa ako nakakapagbihis!


Agad-agad naman akong nag-ayos, napansin kong madaming kalat sa kama ni Maggie. Nandito na siguro siya kanina at nagbihis. Galit pa siguro siya sa akin kaya hindi niya ako ginising. Magso-sorry na lang ako kapag nakita ko siya sa restaurant.


Tapos na ang dinner at hindi ko man lang nakita si Maggie o kahit si Mark man lang. Iniiwasan ako ng mga tao ngayon? Ganun ba talaga ako ka-bad? Pare-pareho lang naman kaming naguguluhan pero parang sila ang magkakampi kahit technically, silang dalawa ang magkaaway.

Nagsimula na ang after-dinner-karaoke party. Nakakatuwa yung mga kumakanta, mayroong palakasan lang talaga ng loob kahit sayad na sayad yung boses, tas meron naman parang kasali talaga sa contest sa pagkacompetitive dahil talagang birit ang ginagawa!


Pero alam niyo yung pinaka nakakuha ng atensyon ng lahat? Lalo na ako? Nang si Mark ang kumanta dahil hindi siya sa karaoke. Nag piano siya habang kumakanta.


"This song is for the girl who'll stay forever in my heart. I love you. Just the Way You Are." Nagtilian ang ibang babae na nakarinig ng intro ng kanta.

Hindi ko alam yung kanta pero familiar siya sa akin. "Oh her eyes, her eyes make the stars look like they're not shining. Her hair, her hair falls perfectly without her trying. She's so beautiful and I tell her everyday. I know, I know when I compliment her she won't believe and it so it so sad to think that she don't see what I see." Tila may hinahanap siya sa crowd ng mga estudyante at guro sa harapan niya. At ng magkatapat yung mga mata namin, pakiramdam ko ako yung hinahanap niya.

"And everytime she asks me 'Do I look okay?' I say. When I see your face, there's not a thing that I would change. Coz you're amazing just the way you are. And when you smile, the whole world stops and stares for a while coz, girl you're amazing just the way you are." I was the one who broke our eye contact. Tumingin ako sa mga babaeng kasama ko sa table na kilig na kilig.

"My Gosh! Kahit luma na yung kanta, ang ganda pa rin! At mas nakakakilig pa, kinanta ni Sir Mark! Ang gwapo-gwapo niya habang kumakanta, ang ganda pa ng boses!"Sabi nung isang babae.

"Oo nga, Sis! Ang swerte talaga ni Miss Val sa boyfriend niya para kantahan ni siya ng Just the Way You Are! Tignan mo sia, nasa likuran natin, kilig na kilig!"Napalingon ako sa likuran ko, andun nga si Miss Val.

Siya ba o ako yung kinakantahan at tinitigan ni Mark? Malamng siya nga, siya ang girlfriend eh! Ambisyosa ka lang! Ang bilis mo kasi mag-assume! Oo nga't nagkahalikan na kayo pero yung unang beses, akala niya ikaw si Miss Val pero yung kanina, ikaw ang nag-initiate! HINDI IKAW ANG MAHAL NIYA!

Hindi ko alam kung bakit nangilid yung luha ko, kaya hangga't wala pang nakakapansin, aalis na ako. Ayokong mag eskandalo dito lalo na't alam ng maraming tao ang history namin ni Mark dahil na news kami about sa nangyari dati.

Umalis na ako ng restaurant at umakyat ako ng sundeck. SHOOT. Ang lamig. Bakit ba hindi ako nagdala ng coat! Ang nipis pa naman nitong dress ko! Hay bahala na! Magtitiis na lang ako sa lamig kesa makita ng ibang tao yung pag-iyak ko. Oo, iiyak ako. Oo, nasasaktan ako. At oo, aminado na ako... 



Nahulog na nga ako kay Mark...



Hindi ko namalayang nakatulog na ako kahit sobrang lamig na. Napatingin ako sa watch ko, 11PM na. Ang tagal pala ng itinulog ko dito? Wala man lang nakapansin sa akin? Wow. Baka ako na lang ang gising sa mga estudyante at professors, paalis na sana ako ng sundeck ng may narinig akong sumigaw.


"ANO?! MASAYA KA NA?! PUNYETA, ANG GULO NA NITONG NARARAMDAMAN KO! HINDI KO ALAM KUNG PAGKAKAMALI NA NAMAN ITONG GINAGAWA KO! BITAWAN MO NA LANG KASI AKO! O KAYA HAYAAN MO NA LANG AKONG SUMAMA SAYO KUNG PATAY KA NA NGA TALAGA!" Napasilip ako sa sumisigaw. OH MY GOD! Tatalon siya sa barko! Oh no! Anong gagawin ko para mapigilan siya?! 

"Sir! Wag po kayong tatalon!" Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nagulat ata siya sa pagkakasigaw kaya nadulas siya.

Napatili ako ng malakas, mabuti na lang nakakapit siya."Tulungan mo ako..." Naintindihan ko yung sinasabi niya kahit medyo slurred na.

Medyo nahirapan akong tulungan siya dahil sa bigat niya pero naging successful naman ako sa pagtulong sa kanya. Napaupo na lang siya sa sahig at umiyak siya ng umiyak.

"Sir, safe na po kayo. Gusto niyo po bang ihatid ko kayo sa cabin niyo?" Mukha kasing lasing si Sir baka imbes na sa kama siya mag dive eh baka sa dagat na naman.

"Sige, sige. Salamat." Pagkaangat niya ng ulo niya para tignan ako, parang gusto kong bawiin yung offer niya pero hindi na pwede. Hindi ko ugaling hindi tumupad sa usapan.


Inalalayan ko siyang tumayo. Habang tahimik naming nilalakad yung hall papunta sa cabin niya, medyo nakaramdam ako ng kaba ng malapit na kami sa cabin niya. Wala naman siya sigurong gagawin sa akin no? Ilalapag ko lang siya sa kama niya at aalis na ako. Tama, yun lang. Mabilis lang yun.

Hinanap ko pa sa mga bulsa niya kung na saan yung keycard ng cabin niya. Medyo nakapa ko pa yung abs niya, ang tigas. OHMYGOD, ano ba to. Ako pa ata yung may gagawing masama sa kanya!

Nang makapasok kami, ihiniga ko kaagad siya sa kama. Aalis na sana ako ng mapansin kong hindi siya komportable kaya hinubad ko yung sapatos niya, pati na rin yung coat niya. Aalis na sana talaga ako ng hawakan niya yung braso ko.


"Stay." Napatingin ako sa kanya. Ang lungkot ng mapupungay niyang mata. Nasasaktan nga siguro siya, hindi naman siya maglalasing at magpapakamatay kung hindi diba?

"Sige. Pero saglit lang, baka makita ako ni Miss Val dito."Umiling siya.

"Bawal siya dito. Wala siyang keycard dito." Nagukat ako ng yakapin niya ako. "Dito ka lang, please." Hindi ko alam kung bakit pero nanghina ako.

Ito na siguro yung sinasabi nilang 'sitwasyon na hindi mo dapat kinalalagyan kapag isa kang dalagang babae.' Bahala na. Nandito na ako. Hindi ko na kayang pigilan lahat ng nararamdaman ko.

"Wag mo na ulit akong iiwan, Mars." Imbes na magising ako sa katotohanan dahil sa mga narinig ko, mas lalo akong nagkaroon ng determinasyon na ipaalam sa kanya na kahithindi ako si Mars, kaya ko siyang mahalin.

"Hindi ako si Mars. Si Anna ako at gusto na rin kita."Tinitigan ko yung mga mata niya.

Hinalikan niya ako, nagsimula sa mabagal at matamis na halik... Napunta sa malalim at punong-puno ng pagnanasa na paghahalikan. Hindi ko na naisip kung ano ang tama at ang mali. Ang alam ko lang, mahal ko na si Mark. At ibibigay ko sa kanya ng buong-buong ang pagmamahal ko. Ibibigay ko lahat. Wala akong ititira. Dahil mahal ko na talaga siya.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionWhere stories live. Discover now