XXIII. The Villainess.

192K 3.2K 256
                                    

"Invitation sa engagement party namin ng Sir Mark mo." Inabot ni Val kay Anna yung invitation.



Tinignan ko ng mabuti kung ano ang reaksyong lalabas sa mukha niya. Wala ba talaga siyang maalala? Bakit? Sa pagkakaalam ko, binugbog siya ng parents niya... pero bakit humantong ito sa pagkakawala ulit ng memorya niya?


Inabot ni Anna yung invitation, wala pa ring siyang reaksyon. Tumingin siya sa akin at ngumiti ng malaki, lumiwanag ang buong mukha niya... ang sakit sa puso.


"Oh my God! Really?" She looked at Val. Si Val naman, humigpit ang pagkakahawak sa braso ko. "Ang swerte niyo naman! Bagay na bagay po kayo sa isa't-isa, Miss Val." Sabi niya habang yakap-yakap yung invitation. 

Napatingin ako kay Maggie na sa akin lang nakatingin the whole time, blangko lang ang mukha niya.

"Tama ka. Swerte talaga ako at sa akin mapupunta ang pinakagwapong lalaki sa lahat ng nakilala ko." Val said to Anna.

Anna clapped her hands. "Ang cute siguro ng babies niyo!" She laughed. "Oops. Sorry! I wasn't supposed to tell that to my professors, right?" She grinned.

"It's okay. By the way, pwede kang magdala ng date." Napatingin naman si Anna kay Maggie.

"Si Maggie na lang po isasama ko. Okay lang ba?" Tumingin siya sa aming dalawa. 


Ngumiti si Val at dumukot ulit ng isang invitation sa bag niya. "Bibigyan ko na lang si Maggie ng invitation din." Iniabot niya ito kay Maggie.

Tinanggap niya naman ito at tahimik na binasa. "Dapat lalaki ang dalhin niyo, ano ba kayo! Chance niyo ng magliwaliw sa engagement party namin, wag lang kayong masyadong pahalata." Val joked.

"Pano po 'yan, Ms Val... Wala pa po akong masyadong kakilala na lalaki." Magsasalita pa sana si Val nang biglang may dumating at pumasok sa eksena.



"Anna?" Napatingin kaming lahat sa kanya. "Wow! Bumalik ka na!" Nagulat ako ng bigla niyang yakapin si Anna. 

"Err... I'm sorry to ask you this but sino ka?" She politely asked.

"I'm Rico." Si Rico. Ang manliligaw ni Anna bago siya sumakay ng cruise ship.

"Ahh... So, kaklase kita or friend lang?" She smiled at him.



How I wish she could smile to me like that again...



"Manliligaw mo ako." Nabigla naman si Anna sa sinabi ni Rico.


Hindi ko alam kung bakit pero nag-init ang ulo ko ng sabihin niya iyon. Matagal ko naman ng alam na manliligaw siya ni Anna pero bakit mas malakas ang epekto nito sa akin ngayon.


Tinignan ko ulit si Anna na nakatingin sa invitation, iniangat niya ang ulo niya at tinignan ulit si Rico.


"Well, kung manliligaw naman pala kita..." She started. "Pwede bang ikaw na lang ang ka-date ko sa engagement party nila Sir Mark?" Napatingin si Rico sa akin at ngumiti.

"Engagement party?" He repeated. "Wow, Sir and Miss Val! Congratulations po!" He greeted us. 


Hindi ako sumagot pero nagpasalamat si Val on my behalf. Tumingin ulit si Rico kay Anna at hinawakan ito sa kamay. "Sure, I'll be your date." Nginitian siya ni Anna.

"Wow. Thank you!" Aalis na sana ako ng biglang higpitan ulit ni Val ang hawak niya sa braso ko.

"Anna, totoo bang nagka-amnesia ka ulit?" Tumango si Anna. "Pasensya ka na, nakakapagtaka lang kasi." Exactly.

"Hindi po. Okay lang po, Ms Val." Ngumiti ulit siya.



Hindi ba siya nagsasawang ngumiti?



"So far, ano mga naaalala mo?" Napaisip naman si Anna.

"Aside sa mga personal information, wala naman masyado. Tsaka minsan naiisip ko na mas okay na wala na ulit akong maalala." Nagulat ako sa sinabi niya. 


Ayaw na niyang maaalala ang nakaraan niya? Kung ganun, hindi na niya maaalala yung panahong... panahong kami ang magkasama?



"Bakit naman? If you don't mind me asking." Val asked her. Halatang interesado siya sa maaaring isagot ni Anna.

"Kasi po, the more na nakakaalala ako about sa past ko, the more na nasasaktan ako." Nasasaktan?



God, this is too much to take...



"What do you mean na mas nasasaktan ka? Pangit ba yung memories na naaalala mo?" Umiling si Anna.

"Hindi naman po. More of blurry images siya." Nagtaka lalo ang itsura ni Val.

"Eh bakit sabi mo mas nasasaktan ka?" She asked again.

"What I mean is mas inaatake po ako ng migraine ko kapag may naaalala ako or may pinipilit akong alalahanin... Kaya mas gusto ko na lang na wala akong maaalala."Mukhang nakuntento na si Val sa mga sagot ni Anna at hindi na ulit siya nagtanong pa.

"Sir? Bakit ang tahimik niyo po?" She smiled at me.

I cleared my throat and looked at my wrist watch. "Wala naman. Don't mind me." I looked at her face again. "Wala bang class ngayong oras na ito?" I asked them. Sana umalis na sila sa harapana ko dahil baka hindi ako makapagpigil at baka makagawa ako ng bagay na pagsisisihan ko at ikakapahamak ni Anna...

"May gagawin pa pala kami sa Library." Biglang nagsalita si Maggie.

"We do?" Tanong ni Anna na halatang nagtataka.

"Yes. We do, Anna." Tumingin siya sa akin, blangko ulit ang ekspresyon ng mukha niya."So, if you'll excuse us, Sir... Pupunta na kami ng library." Tumango ako at hinila na niya si Anna.


Sumigaw pa si Anna bago sila tuluyang nakalayo. "Congratulations po ulit, Sir Mark and Miss Val!" At lumiko na sila.


Tinignan ko si Val na nakasimangot. Tinanggal ko yung kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Pwede bang iawanan mo muna ako? Nakuha mo na ang gusto mo, tigilan mo muna 'to, kung pwede ba?" Lumingon siya.

Hindi pa ako tapos, Mark. Hindi pa..." She said as she walked away.

Remembering My First Real Kiss - PUBLISHED Under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon