CHAPTER TWENTY TWO

1.8K 39 0
                                    

Alas siyete na ng gabi nang makaalis sa hospital si Vash, naging biglaan ang meeting nila kaya natagalan siya, mabilis na sumakay siya sa sasakyan niya, sa happiness bar na siya didiretso, hihintayin na rin niya ito para sabay na silang umuwi mamaya.

Kahit pagod ay kaya niyang maghintay, hindi pa rin siya kumakain ng hapunan pero dahil mas sabik siyang makita ang dalaga ay doon na siya didiretso sa bar.

Sinulyapan niya ang pinadeliver niyang bulaklak sa suki na niyang flower shop, the flowers are beautiful, siguradong magugustuhan iyon ng nobya niya.

Ah, he can't wait to see his girl, ewan ba niya kung bakit namiss kaagad niya ito.

Paaandarin na lang niya ang kotse niya nang may kumatok mula sa bintana niya, kunot noong binuksan ang bintana, nakita niya ang nakangiting mukha ni Kara.

"Pwede ba akong makisabay? Color coding kasi ang sasakyan ko kaya hindi ko nadala." Anito, saglit na nag isip pa siya kaya muli itong nagsalita.

"Kahit diyan lang sa terminal, doon na lang ako sasakay." Anito, nagbuntong hininga siya.

"Okay. Get in." kaswal na sabi niya, binuksan naman nito ang pinto ng passenger seat at sumakay.

"Mukhang may pupuntahan ka." Anito

"Yeah."

Pinaandar na niya ang sasakyan at tahimik na nagmaneho.

Napansin niyang tumingin pa ito sa likuran ng sasakyan niya kung nasaan ang boquet of flowers.

"Susunduin mo ang girlfriend mo?" tanong nito

Hindi siya kumibo, kilala naman siya nito na hindi nagsasabi ng personal na bagay.

"I'm sorry, hindi na dapat ako nagtanong." May langkap na lungkot sa tinig nito.

Saglit na tumahimik sa loob ng sasakyan kaya kumilos si Vash para buksan ang stereo niya, kitang kita niyang napangiwi ang babae nang umalingawngaw ang malakas na tugtog, isang heavy metal iyon na paborito ni Zab at naging paborito na rin niya.

Mas madalas na iyon ang pinapakinggan niya, nagkamali pala siya noon ng akala, heavy metal songs were really not bad, ang totoo ay magaganda ang mensahe ng mga lyrics ng kanta, maingay lang talaga ang gamit na instruments ng mga ito plus the growling voices of the vocalists.

"Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa rock songs." Nakangiting sabi nito kahit naman na halatang nabibingi na ito sa malakas na tugtog.

Ngumiti siya, "Yeah, I love it." He said.

Napansin niya ang matagal na pagtitig nito sa mukha niya kaya dagli siyang sumulyap sa babae.

"What?" kunot noong tanong niya, umiling naman ito.

"Wala naman, akala ko kasi orchestra music ang gusto mong pakinggan, malayong malayo sa iniisip ko." komento nito, nagkibit balikat lang siya.

Ang totoo ay iyon naman talaga ang madalas na pakinggan niya noon, noong hindi pa niya nakikilala si Zab, but when Zab came, everything change. And he like the way it is now.

Hindi na ito kumibo pa, hindi na sila nag usap hanggang sa ibaba niya ito sa tapat ng terminal.

"Thanks Vash." Nakangiting sabi nito, tumango lang siya.

Nang maisara nito ang pinto ay mabilis na rin niya iyong pinaandar.

Ilang minuto lang din ay narating niya ang happiness bar, may nakapagkit na ngiti na sa labi niya habang bitbit ang bulaklak nang bumaba siya ng sasakyan niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang