CHAPTER EIGHT

1.6K 38 0
                                    

Natigilan ang akmang paglabas ni Vash ng marinig niya ang huling sinabi ng babae, sinulyapan niya ito at nakita niyang mahimbing na itong natutulog.

Is she meant it? O dala lamang ng pagkalasing nito?

Kasasabi lang nitong may mahal itong ibang lalaki, malamang ay dala nga lamang ng emosyon nito at pagkalasing.

"Tsk, falling in love with a wrong person is really painful." He said.

Nakita niyang bumaling ito ng higa at napansin niyang kakapiraso na lamang ang hinihigaan nito, baka mahulog ito sa kama kapag lumikot pa ito ng pagtulog.

Nilapitan muli niya ang babae, yumuko siya at muling binuhat, inayos niya ang pagkakahiga nito.

Binitawan niya ito at pinuwesto sa gitna ng kama, napangiwi siya ng matitigan niya ang mukha nito.

Nagkalat ang make up nito, ang itim na lipstick nito ay lagpas lagapas na sa labi nito, ang itim na eyeliner ay natunaw na dahil sa pag iyak nito kanina. Naalala niya bigla ang ginawa nitong pagbulong sa kanya, mabuti na lamang at nakontrol niya ang sarili ng bigla niyang maramdaman ang init ng hininga nito sa tainga at leeg niya, hindi niya alam kung anong init ang lumukob sa loob niya ng gawin iyon ng babae.

Nagbuntong hininga siya, she's nothing.

Pinalis na niya ang mga naiisip niya, walang kinalaman ang babae sa mga nararamdaman niyang kakaiba nitong mga huling araw.

Iniwanan na niya ang natutulog na babae at nagtungo sa kanyang silid.

"Excuse me, is there any Ms. Kara Javier here?" Zab asked the woman at the information desk, nasa CGH siya, ang Carreon General Hospital.

Kahit puyat pa dahil sa kakaunting oras na naitulog ay pinilit niyang umalis ng araw na iyon para magpunta lang sa lugar na iyon.

"Ah, si Doc Javier po ba ang tinutukoy ninyo?" sabi ng babae

So, isa palang doktor ang napupusuan ni Ian, magaling siyang pumili.

Pero kailangan pa rin niyang malaman kung pasado ba ito sa kanya, hindi naman niya gagawin ang mga plano niya kung may makikita siyang hindi maganda sa babae, unang una na ang ugali nito.

"Ah, yes. Siya nga, saan ang office niya?" kunwa'y kilala nga niya ang babae.

"Sa second floor po, sa EENT section." Anito, ibinigay pa nito ang eksaktong direksyon ng opisina ng babae.

"Okay, salamat!" nakangiting sabi niya, pinagmasdan pa muna siya nito mula ulo hanggang paa saka ngumiti.

Umalis na siya sa harap nito bago pa magtanong ito kung bakit niya hinahanap ang doktor na iyon.

Lihim na sinulyapan niya ang sarili, ano bang masama sa suot ko? This is my ordinary wardrobe. Aniya sa sarili, she was wearing her lipsy gothic victorian with lace silky dress.

Nagkibit balikat na lamang siya, hindi na bago sa kanya kung tingnan siya mula ulo hanggang paa ng mga taong nakakakita sa kanya, araw araw ay iba iba ang reaction ng mga nakakasalubong niyang tao, mayroong namamangha, mayroong nagagandahan, mayroon din namang hindi gusto ang uri ng pananamit niya.

Well, wala siyang pakealam kung ano man ang sabihin ng mga ito sa kanyang fashion.

Nagtuloy tuloy siya sa ikalawang palapag ng gusali ng malaking hospital na iyon, hindi naman siya nahirapang hanapin ang EENT section.

Maya maya pa ay tumapat siya sa isang pinto, doon siya tinuro ng nakasalubong niyang nurse, doon daw ang eksaktong office ni Dr. Kara Javier.

Isang buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago siya kumatok sa pinto, nakakailang katok pa lang siya ay may narinig na siyang boses mula sa loob.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now