CHAPTER FIFTEEN

1.6K 42 0
                                    

Kinabukasan, mula sa bintana ng eroplano kung saan nakasakay si Zab at ang buong host men ay kitang kita niya ang buong Camotes Island at ang mga kalapit na bayan nito, napakaganda ng lugar mula sa itaas.

Nakangiting pinagmasdan niya sina Hunter, Xien at Jared na naghahanda na sa pagtalon, kitang kita niya sa mukha ng mga ito ang excitement.

"Ready na kayo Hunter, Xien?" tanong ni Jared habang nakahawak sa suot na gear bag kung nasaan ang parachute ng mga nito.

"Yeah!" sabay pang wika nina Xien at Hunter.

"I'll count to three." Sabi pa ni Jared.

Nang sumenyas ang binata kay Yuan ay pinabuksan naman ng huli sa piloto ang pinto ng eroplano, pagkatapos ngang bumilang ni Jared ay sabay sabay ng tumalon ang mga ito.

"Whoah! That was cool!" narinig niyang bulalas ni Einar, "Kaya lang hindi ko pa kayang magsky dive mag isa." Nasa mukha nito ang pagkadismaya.

"Mag tandem tayo." Ani Sky

"Talaga?"

"Oo."

"Aish, mahal na mahal mo talaga ako." Ani Einar na lumapit kay Sky at nagpasuot ng harness.

Inayos na rin niya ang gear equipment niya, may mga crew na nakahanda kung magkakaroon man ng problema.

Sinulyapan niya si Vash na tahimik na nakaupo sa dulo, nilapitan niya ito at hinawakan ang dalawang kamay.

"Magtiwala ka lang sa'kin Vash." Aniya

Siya na rin ang nagkabit ng harness ni Vash sa katawan na ikakabit niya mamaya sa gear niya dahil magta-tandem sila nito sa pagi-sky dive.

"I-I'm scared." Pag amin nito habang nakatingin sa mga mata niya

Saglit siyang nabigla sa sinabi nito, sa wakas ay inamin na nito ang totoong nararamdaman nito.

Kagabi ay ipinangako niya ditong tutulungan niya itong mawala ng tuluyan ang takot nito sa matataas na lugar.

Masaya siya dahil pumayag ito, nagtitiwala ito sa kanya.

"I know." She said, pinisil niya ang mga kamay nito. "That's why I'm here."

Hindi na kumibo ang binata, nanatiling tahimik ito hanggang sa tumapat sila sa pintuan ng eroplano.

Ramdam ni Zab ang paninigas ng katawan ni Vash, hinihintay na lamang ni Yuan ang pagsenyas niya para buksan iyon.

Nasa likod naman niya ang magka-tandem din sa pagi-sky dive, sina Einar at Sky.

Nang sulyapan niya ang dalawa ay malapad ang pagkakangiti ng mga ito habang nakatingin sa magkahawak na kamay nila ni Vash, may hawak pang video camera si Einar habang nakatapat sa kanila ang camera nito, nginitian lang niya ang mga ito.

Bago siya sumenyas kay Yuan ay bumulong muna siya kay Vash na nasa unahan niya.

"Are you ready Vash?" she asked her, hindi ito sumagot kaya naman sinulyapan niya ito.

Nakita niyang nakapikit na ang binata kahit hindi pa man sila tumatalon.

"We're going to fly Vash." Bulong niya

"I hate flying." Sagot nito, kahit papaano ay napangiti siya.

"Love it now because you're with me, we're flying together." Aniya pa.

Tumingin ito sa kanya, nginitian lang niya ito pagkuwan ay binalingan si Yuan.

"We're ready!" aniya, nakangiting tumango si Yuan, nakatingin naman sa kanila ang ibang host men na naroon pa sa eroplano. Nasa mukha ang pag aalala kay Vash.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now