CHAPTER TWO

1.9K 47 0
                                    

Dumating ang araw ng Halloween party, sa fourteenth floor ng Yashiro building matatagpuan ang host club, napansin ni Zab na mas maraming babaeng naroon kaysa mga lalaki.

"Maiwan muna kita dito Niz, hahanapin ko lang si Sky." Ani Zab sa kaibigan, kasama niyang dumating sa Flower Boys Host Club ang kaibigan, resident nurse ito ng Yashiro building.

"Okay." Sagot ni Anniza.

Ilang minuto na ang nakalipas ay sumuko sa paghahanap si Zab, napakaraming tao at imposibleng mahanap niya ang binata.

Pumasok siya sa nadaanan niyang comfort room, inilabas niya ang cellphone sa dala niyang maliit na itim na bag.

Masyadong maingay sa labas kaya makakabuting doon sa tahimik na lugar siya magtungo para matawagan si Sky.

Sa wakas ay nakausap niya ang binata, ipinasok na muli niya ang cellphone sa loob ng bag pagkuwan ay tumingin sa malaking salamin.

Hindi niya napigilang mapangiti, everything seems perfect.

Inayos niya ang mahabang buhok na umabot sa kanyang baywang pagkuwan ay tinitigan ang bawat detalye ng mukha niya, sinisigurado niyang hindi nasira ang make up niya.

Mula sa full length mirror ay pinasadahan din niya ng tingin ang black gothic dress na suot niya, para lang siyang nasa Medieval Ages at isa siya sa mga kinatatakutang witches ng mga Medieval people.

Isang malapad na ngiti ang pinakawalan niya bago siya lumabas ng banyo, she really loves her fashion.

Eksaktong kalalabas lang niya ng banyo nang matigilan siya, parang nakawala sa rib cage niya ang puso niya dahil sa malakas na paglundag niyon, awtomatiko ring umawang ang kanyang labi.

Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang nagwala ang puso niya at nagulo ang buong sistema niya samantalang nakikita lang naman ng mga mata niya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng black suit na may itim ring kappa, eksaktong kasusuot lang nito ng maskara kaya hindi niya nakita ang hitsura nito. A vampire knight!

Ganon pa man, hindi pa rin nabawasan ng maskarang suot nito ang malakas na dating nito, his height, his built, his aura seems intimidating.

Parang gusto niyang tumakbo palapit dito at harangan ang daraanan nito, gusto niyang mapansin siya nito.

And Zab found herself being slave by her own mind and heart, natagpuan na lamang niyang papalapit dito hanggang sa tumapat dito at kunway natalisod sa harap nito.

"Ouch." Kunway anas niya at hinimas ang binti, lihim na kinilig siya nang maramdaman niya ang presensya ng gwapong bampira.

"Hey, are you okay?" inisip niyang sasabihin ng lalaki pagkatapos ay itatayo siya nito at magpapakilala. "I'm count Dracula and you are?" kinikilig siya sa maaaring mangyari.

Iyon ang madalas na eksena ng mga nababasa niyang romance novel, sana ay magkaroon din siya ng isang happy ending with this handsome vampire. Bagay na bagay pa naman ang outfit nila sa isa't isa, ito ang bampira at siya ang bruha.

Kung anu-ano pa ang naiisip niyang mangyayari sa kanila ng lalaki hanggang sa marinig niya ang boses nito.

"Hey, my cape..." malamig ang tonong sabi nito habang hinihila ang mahabang kappa na nadaganan niya, bahagya siyang umisod, hindi makapaniwalang tumingin siya sa lalaki.

"You're too careless." Komento pa nito

Wala na siyang nagawa pa nang makita niyang naglakad na ito palayo na hindi man lang siya itinatayo sa pagkakadapa niya.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now