CHAPTER SEVENTEEN

1.7K 41 0
                                    

"Oh my God, what happened to you Zab?" naroon ang pag aalala sa tinig ni Anniza, napasugod ito dala ang pusa niya nang tawagan niya ito at sinabing nakauwi na siya subalit ganoon na lamang ang pagkagulat nito ng makita ang kalagayan niya.

Nakahiga siya sa kanyang kama habang may nakalagay na eyepads sa mga mata niya, kalalagay lang ni Vash ng gamot sa mga mata niya. Sabi ng binata ay antibiotics daw iyon upang mawala ang pamumula ng mga mata niya, mas madali din daw gagaling ang flash burn niya.

"Please, h'wag mong sasabihin sa iba ang nangyari sa'kin, ayokong mag alala sila sa'kin, temporary lang naman ito." sabi niya sa kaibigan

"Okay pero siguraduhin mong gagaling ka." Anito, "Natatakot na ako kapag nakakakita ng eyepads." Dagdag nito, mahina siyang tumawa.

"Naalala mo na naman ang labidabs mo at ang kasungitan niya noon." Aniya, kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang napangiti ito.

"Hindi naman...pero bilib din ako sa'yo Zab, ibang iba ka kay Tanner noong mawala ang paningin niya." komento nito

"Malaki naman kasi ang pagkakaiba namin, si labidabs mo bulag talaga siya, kailangan ng eye operation, ako temporary blindness lang ito, gagaling ako mga ilang araw hanggang dalawang linggo sa tulong ng mga gamot ni Vash." Sabi niya

Pinaliwanag sa kanyang mabuti ni Vash ang lahat at naintindihan naman niya iyon.

"Teka, bakit parang sumisigla ka kapag binabanggit si Vash? Do you have a crush on him?" tudyo nito, alam niyang namula ang mga pisngi niya.

"Well friend, hindi ko siya crush. Gusto ko siya." Pag amin niya

"Oh my gosh! You like him?" ganon na lamang ang reaksyon nito

"Anong masama? Gwapo at matalino ang four-eyed prince ko, masungit nga lang sa'kin." Aniya

"Four-eyed prince?"

"Oo, kahit nakasalamin siya, ang gwapo gwapo pa rin niya." nakangiting sabi niya habang hinahaplos ang balahibo ni Miku na nasa kandungan niya.

"Agree ako diyan, gwapo naman talaga si Vash, actually lahat naman silang magkakaibigan pero siyempre mas gwapo ang ogre ko." anito na ang tinutukoy ay ang nobyo nitong si Tanner.

"Ganon naman siguro lahat, masungit sa umpisa pero deep inside type rin naman pala tayo." Impit na bungisngis ni Anniza sa kanya, natahimik naman siya

"Oh bakit parang nalungkot ka bigla?" tanong nito, nagbuntong hininga siya

"Paano kasi parang malabo ang pag ibig ko kay Vash, kasing labo yata ng mga mata niya." nakalabing sabi niya

"Bakit naman?"

Hindi niya napigilan na ikwento sa kaibigan ang ginawa niyang pag amin kay Vash pati ang ginawa niyang paghalik dito, gulat na gulat naman ang kaibigan niya

"Omg! Ginawa mo ang bagay na iyon?"

Tumango siya, "Oo, hindi ko na napigilan eh." Sagot niya

Tumahimik ito, "Na-misinterpret lang niya ang ginawa mo." anito pagkuwan

"Anong gagawin ko?" paghingi niya ng saklolo sa kaibigan

Naramdaman niya ang pagtapik nito sa balikat niya.

"Bigyan mo muna siya ng panahon, sabihin mo na lang ulit kapag okay na ang lahat." Anito, siya naman ang natahimik.

Siguro nga, hindi muna niya kukulitin ang binata sa nararamdaman niya, magpapakanormal muna siya sa harap nito habang pasyente siya nito.

FLOWER BOYS HOST CLUB 7: VASH, My Four-Eyed PrinceWhere stories live. Discover now